~14~ Okay Na Sana

199K 5.4K 280
                                    

 

~14~OKAY NA SANA

 

CHLOE’S POV

Ilang araw ko na ring iniiwasan si Dustin. Hindi ko naman siya totally iniiwasan. Hindi lang talaga kami nagkakasalubong sa E.H.U. Siguro siya itong umiiwas sa akin. Ni hindi nga siya nagtetext sa akin o ‘di kaya yung hatid-sundo cheverlu niya sa akin. Haaayyy! Bat niya pa ako binigyan ng choice kung siya rin itong iiwas?

Nakareceive ako ng text kay Kaye Anne kanina. Sabi niya, iniinvite daw kami ng kaibigan niya sa birthday ni Wayne. Hindi ko pa man name-meet si Wayne pero may common friends na kami. Siguro isa rin siya sa gangmates ni Dustin?

Pupunta pa ba ako sa birthday ni Wayne? Nakakailang naman eh. Bukod sa hindi ko naman kilala yung celebrant, iniiwasan pa ako ni Dustin. Ano nalang gagawin ko dun? Baka magmukha akong party crasher -___-

“So what if I’m a gangster? I’ll let you choose then. It’s either you deal with it or avoid me.”

Ipinilig ko ang ulo ko habang nakatingin sa salamin. Inabot na ako ng isang oras dito kakasuklay ng buhok ko. I’m on the verge of choosing options ye’ know~ Pupunta ba ako o hindi?

Naalala ko nung araw na natuklasan kong gangster pala si Dustin, hindi ma-sink in sa utak ko yung nangyari. Napatumba niya ang mga lalaking yun nang mag-isa? Ibig sabihin, malakas siya? Halaaaaa. Yun lang naman ang naisip ko. Hindi ko na naisip yung bad sides niya. Bakit ba? Kung gangster siya, edi fine. Trustworthy naman siyang lalaki. Ni hindi nga niya sinamantala yung pagkakataon na natulog siya dito sa kwarto ko. Ako pa nga ang namilit sa kanya na lumipat sa kama diba?

“Ibig sabihin lang nun, mabait siya, Chloe.” Sabi ko sa reflection ko sa mirror. “Siguro may iba’t-ibang level ng gangsters noh? Siguro mild pa lang siya. Pero hindi eh,” pinilig-pilig ko ang ulo ko. “Mild ba yung 1 versus 5? Ay, basta! As long as nirerespeto niya ako at mabuti naman ang pakikitungo niya sa akin, pasok siya sa banga! Diba, Chloe?” ^_____^/

=_________=

Baliw na ba ako? Bakit ba ako nasasanay na kausapin na ang sarili ko? Masama na ito.

Kinuha ko kaagad ang phone ko sa ibabaw ng beauty kit at tinawagan na si Kaye Anne.

“Kaye Anne, pupunta na ako dyan. Sasama na ako sa inyo ni Gail.” ^__^

 

***

 

Akala ko, ako lang ang may problema sa pagdedesisyon kung pupunta ba ako sa birthday party ni Wayne pero mali pala ako. Si Gail din pala, nagdadalawang isip. No, hindi siya nagdadalawang-isip. Talagang ayaw lang niya.

Pagdating namin ni Kaye Anne sa bahay nila Gail, which is kapit-bahay lang nila Kaye Anne, naabutan naming nakataklob lang ng kumot si Gail sa kama niya. Ang hirap niyang mapapayag na sumama sa amin. Kanina pa namin siya kinoconvince pero ayaw talaga eh. At ang bruha, umiiyak pa. Nalaman niya na kasi na gangsters ang X10. Kung ako, tanggap ko ang pagiging gangster ni Dustin, siya naman hindi. May trauma na kasi si Gail sa mga gangsters since muntikan na siyang mamatayan ng Kuya dahil dito.

“Pero Gail, hindi naman sila yung nambugbog sa kuya mo eh.” Sabi ni Kaye Anne sa kanya.

“Oo, but I don’t care. Gangsters pa rin sila, mga basagulero at siga katulad ng ibang gangsters. They hurt people even without a reason, basta matripan nila. Yun yung happiness nila eh, yung manakit. Pare-pareho lang sila.”

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon