~32~ Doubts

165K 4.4K 262
                                    

~32~ DOUBTS

  

CHLOE’S POV

Dalawang araw ko nang pinag-iisipan kung anong pwede kong iregalo kay Dustin. Sa katunayan, buong Sunday, yun lang ang pinagkaabalahan kong inisip. Well, nagi-guilty lang naman ako dahil hindi ko inalam kung kailan ang birthday niya tapos kung kailan alam ko na, nalaman ko pang tapos na? Like what the fuss is that? Para sa akin, importante yun. Aba, yun ang araw ng kapanganakan ng boyfriend ko, hindi ko dapat isawalang bahala yun! Naks.

So, as expected, naglilibot-libot ako ngayon sa mall. Naisipan kong dumiretso dito after class para maghanap ng nababagay na ireregalo kay Dustin, at sa ngayon, napadpad ako sa isang men’s boutique. Puro polo shirts, belts, perfumes, ties, shoes, watches at iba pang bagay na panglalaki ang nakikita ko dito. Ugh, nahihirapan tuloy ako lalo!

Napukaw ng atensyon ko ang mga leather wallets na nakadisplay sa kaliwa ko. Ma-aappreciate niya kaya ito?

“Miss, do you need help?” Tanong sa akin nung salesman.

Nginitian ko lang siya at binalingan ko na ulit yung wallet. “Naghahanap ako ng pwedeng iregalo sa isang lalaki. Tingin mo kuya, magugustuhan niya ang wallet?”

“Pwede rin, Ma’am, pero sa araw-araw na nandito ako, madalas kong naeencounter ang mga babaeng mas prefer magregalo ng tie.”

Ngumuso ako sa sinabi niya. Aanhin ni Dustin ang tie? Estudyante pa lang naman siya.

“Estudyante pa lang po yun. Hindi niya yun magagamit.”

Ngumiti siya sa akin. “Sabi ng iba, ang tie daw ay sumisimbolo ng pag-angkin mo sa taong pinagbibigyan mo nito. Pero ikaw, Ma’am, nasa sayo naman yan kung anong gusto mong ibigay sa boyfriend mo. It’s the thought that counts, right?”

Natawa nalang ako sa sinabi niya. In fairness, may sense kausap si kuyang salesman. Halata bang boyfriend ko ang pagbibigyan ng regalo? Wala naman akong sinabi sa kanya ah. Pfft!

“Thanks, Kuya. I’ll go for the tie then.”

“No problem, Ma’am.”

Gaya nga ng sabi ko dun sa salesman ay bumili ako ng isang tie bilang regalo kay Dustin. In fairness, nung nilagay na ito sa box, nagmukha lang itong kasing liit ng box ng cupcake. Feeling ko, kung ako si Dustin, hindi ko ‘to maappreciate. Maghanap pa kaya ako ng additional na regalo?

“Chloe?”

Narinig kong may tumawag sa pangalan ko kaya nilingon ko ito. Nakita ko kaagad si Ni na naglalakad palapit sa akin kaya kinawayan ko siya.

“Ni, anong ginagawa mo dito?”

Ngumiti siya ng bahagya tapos ay lumingon siya sa saglit sa likuran niya. “Uh… Kumain lang. Ikaw?”

“Binilhan ko ng regalo si Dustin,” nakangiting sagot ko at pinakita sa kanya ang hawak kong box. “Dumiretso na ako dito galing E.H.U.”

Nahalata ko ang pagtataka sa mukha niya. “Talaga? Akala ko ikaw yung kasama ni Dustin dun. Nakita ko siya dun sa French Baker.” Tinignan niya pa ang suot ko at iniling ang ulo niya. “Pero hindi nga pala siya nakauniform kagaya mo.”

Halos nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Imposible yun.

“Ano ka ba, Ni!” Pilit akong nagpakawala ng tawa. “Nasa campus pa si mhine. May meeting sila ng mga officers ng Xtreme club eh. Baka nagkamali ka lang.”

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon