~11~ Feeling Close

246K 7.7K 1.4K
                                    

~11~ FEELING CLOSE

 

CHLOE’S POV

 

Two days na ang nakalipas nang makitulog sa kwarto ko si Dustin. Simula rin nung araw na yun, lagi na siyang umaappear kung saan-saan. For example, kapag dismissal namin, magugulat nalang ako na naghihintay siya sa labas ng room namin. Err… Nakakailang nga eh. Yung mga kaklase ko naman kasi, akala mo papatayin na ako sa paraan ng pagtingin nila. OA ba sila? Kasalanan ko bang sundu-sunduin ako ni Dustin dito sa room? Selos lang sila eh. Mas mahaba kasi ang hairlalu ko kesa sa kanila :P

Hindi lang naman yun yung ginagawa ni Dustin. Well, kapag may pagkakataon, nililibre din niya ako ng lunch o di kaya’y snacks. Nawiwirduhan na talaga ako sa kinikilos ng lalaking yun. Bat ba bigla siyang naging caring at nice sa akin? (?___?”)

Palabas na ako ng College Building namin nang biglang may sumulpot na lalaki out of nowhere. Sino pa nga ba?

Syempre si Dustin -___-

Minsan talaga nagsasawa na rin ako sa presensya niya eh. Yung totoo? FC ba talaga siya sa akin?

“Bakit ang tagal mo?”

Kinuha niya mula sa akin yung hawak-hawak kong hard bound notebook at ilang textbooks rin. Syempre, nagpaubaya na ako. Nasanay na ang lola niyo eh ^_________^V

“Sa ngayon lang nagdismissal eh.”

“Uuwi ka na?” =___=

“Oo, wala na akong balak maglakwatsa pa.”

Tinignan niya lang ako ng pagkalamig-lamig tapos ay hinawakan niya ako sa right wrist ko. Aba, syempre, tinaasan ko siya ng kilay. Namimihasa talaga ‘tong lalaking ito! Feeling close talaga eh >______>

“What’s with the face?” =___=

Inginuso ko yung pagkakakapit niya sa right wrist ko tapos ay tumingin naman ako sa paligid namin. As usual, yung tingin na naman ng mga kapwa ko estudyante sa akin, akala mo mamamatay tao ako. Grr!

“Bitaw, Dustin.”

“Bakit?” =___=

Bumuntong-hininga muna ako sabay yuko ng ulo. “Naloloka na talaga ako sayo. Bakit ka ba dikit ng dikit sa akin? Napagkakamalan tuloy tayong magdyowa. Tignan mo nga yung tingin ng mga tao sa atin. Tsk!”

“Tss. Babawi nga ako sayo, diba?”

“Babawi? Wala naman akong ginawa sayo ah?” >.<

He lifted up my chin and then stared into my eyes coldly. Sa tatlong araw na nakalipas, napansin ko na hindi ngumingiti si Dustin sa public. Pero pag kaming dalawa lang, naku, napakabungisngis. -____-

“May ginawa ka sa akin at ako lang ang nakakaalam nun.”

“At ano naman yun?”

Nagkibit-balikat lang siya at binitawan na ang chin ko. “Basta. Huwag mo nang alamin. Huwag mo na ring intindihin yang mga alien na yan. Ganyan talaga yang mga yan kapag nakakakita sila ng human being.”

Sinimangutan ko siya. “Ano ako bata? Inuuto mo ako, ganun?”

“Tss. Edi wag. Ganyan lang talaga ang mga yan kapag nakikita ako. Ang gwapo ko kasi para sayo.”

Wow ha. Eh kung tadyakan ko kaya siya sa pharynx niya? Magiging gwapo pa rin kaya siya? >_>

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon