~13~ Ang Aking Sundo

225K 5.5K 467
                                    

~13~ ANG AKING SUNDO

-THE NEXT DAY-

 

CHLOE’S POV

“Bye, bunny~ Cute cute mo talaga!” *u* Pinisil ko muna ang bunny ko bago ako lumabas ng kwarto ko. Nakapag-ayos na ako ng sarili para pagkatapos kumain ng breakfast ay diretso na ako sa E.H.U.

Pagdating ko sa dining room, nakita ko na naghahain pa lang ng makakain sina Sheen at Warren na mukhang ready for school na rin. Ito ang advantage ng pagkakaroon ng magagaling magluto sa bahay eh. Sila yung taga-luto, ako naman ang taga-kain.

“Good morning, guys!” Bati ko sa kanila.

Umupo ako sa head ng dining table at pumwesto naman sa opposite sides sina Sheen At Warren. Wow, nakakatakam ang breakfast. French toast, scrambled eggs at hodogs. *v*

“Good morning, Chloe.” “Morning…”

Napangiti ako nang ipag-serve ako ni Warren ng pagkain. Sweet nemen >//////>

“Thanks,” sabi ko sabay kagat sa French toast. Lasang-lasa yung milk. Saraaaaaaap!

“Nga pala, Chloe. May kotse na ako. Sa amin ka nalang sumabay ni Sheen,” nakangiting sabi ni Warren sa akin.

“Sure! Naks naman… Binilhan ka na ng kotse ng Dad mo?”

Si Sheen, ayun, busy sa pagkain niya. Ganyan naman siya eh, galit-galit kapag nasa harapan ng pagkain. XD

“Oo, kagabi lang. Nag-aalala kasi siya sa pagmomotor namin ni Sheen. Baka raw maaksidente kami sa highway. Kaya eto, buti nalang, binilhan na ako.”

Uminom muna ako sa juice ko bago ako magsalita. “Kung sa bagay, delikado ang magmotorbike lalong-lalo na sa highway. Nakakanerbyos kaya yung mga malalaking sasakyan.”

Nasa gitna kami ng pagbebreakfast namin nang biglang dumating ang isa sa mga katulong namin.

“Ma’am Chloe, nandyan na raw po ang sundo mo.”

Napakunot-noo ako. Sina Sheen at Warren naman ay napatingin lang din sa kanya. Anong sundo? Ano ako, elementary? -___-

“Anong sundo po?” Tanong ko habang kumakagat naman sa hotdog.

“Dustin daw po ang pangalan.”

Natataranta akong tumayo. Kumagat muna ako sa French toast ng isang beses sabay dampot sa sling bag ko. Shemz, oo nga pala! Hatid-sundo na pala ako ni Dustin simula ngayong week.

Tinignan ko si Warren. Mukhang nagtataka siya sa kinikilos ko.

“Uhh, Warren. Hindi pala ako makakasabay sa inyo.”

“Bakit? Sino ba yung sundo mo?”

Lumunok muna ako. Paano ko ba sasabihin ito? Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na suitor ko si Dustin!! Baka makarating kay Momsie~ Shocks! >.<

“Boyfriend mo yun, Chloe?” Singit naman ni Sheen sa amin.

Mas lalo tuloy akong kinabahan. I bet I’m pale now. “Err… H-Hindi noh! Hindi pa nga ako nagpapaligaw, tapos boyfriend agad-agad?? Kaibigan ko lang yun!” *insert pilit na tawa here*

“Ahh, sige. Sabay ka nalang sa amin mamayang uwian. Text mo nalang ako,” sabi ni Warren sa akin.

Saglit akong napakagat sa labi ko. Hindi rin pwede. Hatid-sundo nga ako ni Dustin eh. Pasaway talaga yang Dustin na yan. Ang kulit. TT_____TT

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon