~27~ My Tummy Aches!

194K 4.7K 588
                                    

~27~ My Tummy Aches!

 

CHLOE’S POV

 

“Ouuuuuch!”

Kanina pa ako ako pabaling-baling ng pwesto dito sa tent. Actually, nakatulog naman na agad ako kanina dahil sa sobrang pagod. Ni hindi ko nga alintana ang matigas na higaan namin eh. Maluwag naman kami ni Kaye Anne dito sa tent na ito kaya nalaya akong nagpagulong-gulong. Well, tinawag kasi ni Kurt si sissy Gail kanina kaya ayun, magkasama na sila sa iisang tent, leaving us two here; me and Kaye Anne.

Ayan na naman. Ang sakit na naman ng tiyan ko. T_T

Umupo na ako at sinapo ang tiyan ko. Shemay! Ang sakit! Ayoko namang pumunta sa comfort room nang mag-isa kasi walang akong kasa---

“Argh! Ano ba ‘to,” daing ko nang maramdaman ko na naman yung paghalukay sa tiyan ko. Hindi na ako nakatiis kaya niyugyog ko si Kaye Anne sa kaliwa ko. “Kaye Anne… Uy, gising, sissy~”

“Hmmmm…”

“Samahan mo naman ako saglit sa CR.”

“… Hindi ko kaya. Ikaw nalang.”

Omigosh. Ang layo kaya ng CR mula dito sa camping site! Marami pa namang puno and not to mention, madaling araw palang! Kinapkap ko yung phone ko sa ilalim ng bag ko na ginawa kong unan tapos tinignan yung oras.

Quarter to 2AM?!

“Oh, fudge…” Ayan na naman! Huhuhu! Ang sakit! Hindi ko na kaya. Bahala na. Lalabas nalang akong mag-isa.

Nagsuot muna ako ng jacket bago ako lumabas ng tent. As expected, wala na ni isang bukas na tent sa mga oras na ito. Malamang, tulog na silang lahat. Sino ba namang magkaka-energy pa matapos kaming torturin sa mga activities namin kanina?

On the way to comfort room which is naka-locate sa kabilang site, kinikilabutan ako sa ihip ng hangin. Sobrang tahimik pa ng paligid na ang talagang naririnig ko lang ay yung mga huni ng ibon ba yun o hindi?

“You’re hot and you’re cold. You’re yes and you’re no,” Idadaan ko nalang ito sa kanta para madestruct ako sa creepy lagaslas sounds na yun. Basta lakad lang ng lakad. Ugh! Bakit ang layo naman yata ng CR? “You’re in and you’re out. You’re up and you’re down. You’re wrong when it’s right. It’s black and it’s------”

Natigilan ako. As in, tumigil ako sa paglalakad!

Shemay! Sino ba namang hindi titigil kung biglang may kumalabit sa balikat ko, eh ako lang naman ang taong gising ngayong oras na ito?!?

Lumunok ako ng sunod-sunod tapos ay nag-sign of the cross ako. Lord, huwag niyo po akong pabayaan. Huhuhu!

*pokes*

“Sh*t,” bulong ko nang may kumalabit na naman sa balikat ko. Dahan-dahan ko yung nilingon pero napakagat-labi ako nang wala namang tao sa likuran ko. SINO BA YUN?!?

*pokes*

Oh my. May kumalabit na naman! And this time, sa braso ko naman. Don’t t-tell me nasa harapan ko na siya-------

*chup*

Haaaaaaaa?! Agad-agad akong humarap sa kung sinuman ang humalik sa pisngi ko. At talagang nanlisik ang mga mata ko nang makita si Dustin na nakangising aso pa sa akin. Ang walangya! -____-

“Bat gising ka na?”

Hinampas ko siya sa kaliwang braso niya, pero parang ‘di naman siya nasaktan sa ginawa ko kasi nakasteady lang siya. Ugh! “Sh*t ka! Tinakot mo ako!!!”

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon