Chapter One edit

8.8K 142 0
                                    


Tanaw na tanaw ni Sofia nang umagang iyon ang kulay asul na dagat mula sa balkonahe ng beach house kung saan siya namamalagi ngayon. Prenteng prente siyang nakaupo sa mahabang bench na naroon habang umiinom ng baso ng freshly squeezed orange juice. Feel na feel niya ang masarap na simoy ng hangin. Sa mga sandaling iyon ay ineenjoy niya ang peaceful na pakiramdam. Peaceful nga ba? Napabuntong hininga siya. Naalala niya ang dahilan kung bakit nandoon siya sa lugar na iyon.

Hindi siya nagbabakasyon kundi nagtatago siya. Oo, nagtatago. Dahil sa mayroon siyang nagawang kalokohan. Hindi lamang siya kundi kasama pa ang tatlong niyang kaibigan, na ngayon ay paniguradong nagtatago na rin.

Napagdesisyunan nilang magkanya kanya ng tago para hindi sila agad mahuli. Pinagtulungan lang naman nilang bugbugin yung babaeng nang agaw sa boyfriend ng kaibigan niyang si Bianca. Hindi din kasi basta basta yung binugbog nila, anak yun ng Mayor. At ngayon ay hina-hunting na nito sila. Dahil sa takot nila sa kani-kanilang mga magulang ay napili na lang nilang magtago. Hindi naman sila takot makulong o anuman, dahil alam nilang magagawan ng paraan yun ng mga magulang nila. Hindi rin naman kasi basta basta ang pamilya nilang magkakaibigan. Kabilang sila sa high society.

Pumasok si Sofia sa kwarto at nagcharge ng cellphone. Kanina pa siya nawalan ng battery. Nang mag on ulit ang phone niya ay nagdial siya ng long distance.

"Oh, sheez!," malakas na sabi niya nang mapansin na naputol ang kanyang kuko. Kanina siguro habang naglalaro sya ng volleyball ay naputol yun at hindi niya namalayan.
"I hate this" maarteng dagdag pa niya habang tinititigan ang daliri. Nagpa French manicure pa naman siya.

"Hello" nagsalita na ang kaibigan at partners in crime na si Bianca. "Sofia?"

"Hi, Bianca! where on earth are you? kahapon pa kita kinokontak ah!" bati niya agad sa kaibigan.

"Chill my dear friend!, I'm on my beautiful vacation somewhere. How about you?" masayang sabi nito sa kabilang linya.

"Oh, good to hear that. I'm also enjoying my stay in one of family's resort. Tingin ko hindi ako matutunton dito Dahil napakalayo nitong resort." sagot niya.

"Good. Let's keep in touch always. Nakausap ko na rin si Elisse at Lexie, they are also hiding somewhere. Good that we are all safe. Haisst! Nakakainis talaga ang malanding Tiffany na yun! pagnaka balik ako humanda talaga sya, kakalbuhin ko na talaga ang ulo niya!" nanggigigil na sabi nito.

"Well, that's for sure. Magpalamig muna tayo ngayon and then, let's plan again for our reve--" naputol ang sasabihin niya nang bigla na lang sumigaw ang kaibigan niya.

" Sofia, help me! Nandito ang mga tauhan ni Daddy, help me!" hysterical na sabi nito.

"What?! Paanong--" hindi na siya nakapagsalita ng maputol na ang linya ng phone. Tarantang nag dial ulit siya sa kaibigan ngunit naka off na ang phone nito. Kinakabahan siya at nag aalala para sa kaibigan.

Strikto ang pamilya ni Bianca lalo na ang ama nito kaya hindi niya maiwasang mag alala para dito. Sigurado siyang parurusahan na sila sa nagawa nila this time. Hindi lang naman kasi ito yung unang beses na gumawa silang magkakaibigan ng kalokohan. But this one is the worst of all, anak ba naman ng Mayor yung binugbog nila, at huling balita ay naospital ito.

Binansagan silang apat na Maldita, spoiled brat at warfreak. 'The Flamingoes' Pretty Committee kung tawagin ang grupo nila. Walang aangal dun dahil talaga namang magaganda sila. Questionable lang ang pag uugali nila. Naputol ang pagmumuni muni niya ng biglang nag ring ang cellphone niya. Tiningnan niya ang nakaregister na pangalan ng tumatawag. Yaya. Sinagot niya agad ang tawag ng taong tinuturing na rin niyang pangalawang nanay niya.

"Yaya, kumusta?" bati niya.

"Sofia, anak. Kailangan natin magkita ngayon." sagot agad nito. Nahihimigan niya sa boses nito ang pag aalala.

"Bakit po? may nangyari ba kay Daddy?" nag aalalang tanong niya. Kahit naman masyadong pasaway siya sa ama niya ay mahal niya ito. At hindi niya mapapatawad ang sarili pag may mangyaring masama dito dahil sa kanya. Hindi sumagot ang kausap niya kaya siya na lang ulit ang nagsalita.

"Sige po. Itetext ko na lang kayo kung saan tayo magkikita."

Mahigit tatlong oras din ang biyahe bago siya makarating ng Manila mula sa resort na pinagtataguan niya. Hapon na nang makarating siya sa isang maliit na convenient store kung saan sila magkikita. Siyempre kuntodo disguise sya para walang makakilala sa kanya. Agad niyang nilapitan ang yaya niyang nakaupo sa dulong mesa.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa sayo anak" bungad agad ng yaya nya. "Ayaw nang makialam ng Daddy mo sa gulong pinasukan mo. Galit na galit siya sayo Sofia."

"What?" expected na niya yun pero hindi pa din niya maiwasang magulat sa narinig. "Pababayaan na ako ni Daddy, is that what you mean yaya?"

"Oo Sofia, ikaw na daw ang bahalang umayos ng gusot mo dahil ikaw naman ang may gawa nun. Anak, pagpasensyahan mo na ang Daddy mo kung ganito siya sayo ngayon, masyado mo na kasing inubos ang pasensiya niya." mahinahong sabi nito.

"Uuwi na po ako yaya, kakausapin ko si Daddy. I'm sure hindi niya ako matitiis. I'm his only daughter." saad niya. Sigurado naman syang hindi talaga siya matitiis ng ama.

"Nagkakamali ka Sofia. Hindi ka na makakauwi sa mansion. Wala na dito sa Pilipinas si Señor, umalis siya ng bansa at hindi ko alam kung saan."

"Sabihin mong nagbibiro ka lang yaya" kinakabahang sabi niya.

"Sana nga ay nagbibiro lang ako, pero totoo talaga Sofia. Siguro hindi mo pa alam na pinutol na niya ang mga account mo sa bangko."

"It can't be!" gulat na gulat siya sa narinig. "No, hindi magagawa ni Daddy yun sakin! He can't do this to me! Yaya, paano ako mabubuhay kung wala akong pera? Paano na ako yaya?!" naluluha niyang sabi. Hindi nya alam ang gagawin niya. Meron siyang natitirang cash pero paniguradong hindi yun sapat.

"Huminahon ka Sofia, kaya ako nakipagkita sayo dahil gusto kong tulungan ka. Kahit sinabihan ako ng Daddy mo na wag kang tulungan, hindi ko kaya"

Nayakap niya ang kanyang butihing yaya. Mabuti na lang at biniyayaan pa siya ng mabait na yaya. Hindi talaga siya nito pababayaan kahit gaano pa siya ka pasaway.

"Anong gagawin ko yaya? hindi naman ako pwedeng umuwi sa bahay, baka mahuli ako dun. Ayokong makulong yaya. Wala din akong pera para makapagtago ng malayo layo" umiiyak na niyang sabi, nababahala na sya. Ngayon pang umalis na ng bansa ang Daddy niya. Tiyak din niyang hindi rin siya matutulungan ng mga kaibigan niya dahil tulad niya nagtatago din ang mga ito.

"Wala din akong malaking pera anak, kaya pagpasensyahan mo na ito." iniabot nito sa kanya ang nakatuping pera. "Yan lang ang makakaya kong ibigay sayo ngayon, sana makatulong"

No choice na siya kundi tanggapin ang alok na tulong.

"Salamat yaya, sa totoo lang natatakot po ako. Hindi ko po talaga alam ang gagawin ko." Matapang siya pero sa mga oras na yun bigla siyang nanghina. Sa kanyang yaya nya lang pinapakita ang kahinaan niya. Higit kanino man ay ito lang ang nakakaintindi sa kanya at umuunawa. Kabisado na nito mula pagkabata ang ugali niya.

"Kung papayag ka, pwede kang magtago doon sa probinsya. Sigurado ako na ligtas ka dun." pang aalo nito sa kanya. Napatigil naman siya sa pag iyak at tumingin sa yaya niya.

"Province? You mean, a place where no signal and internet at all?" nakangiwi nyang tanong. Parang hindi niya ma-imagine ang sarili na titira siya sa probinsya. Nasa isipan din nya ang mga kabundukan at kagubatan.

"Oo Sofia. Doon ka na muna sa Salvacion, paniguradong hindi ka matutunton ng mga taong may galit sayo. Kailangan mo nang lumayo agad, may mga napapansin kasi akong nagmamasid palagi sa labas ng Mansion."

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora