Chapter Three edit

5.3K 108 1
                                    

Huminto ang sinasakyan nyang traysikel sa isang di-kalakihang bahay at medyo kalumaan na. Dalawang palapag ito. At tingin nya ay bodega o imbakan ang unang palapag nito dahil kita nya ang hagdang nasa labas paakyat sa balkonahe na nasa ikalawang palapag. Inutusan nya yung driver ng traysikel na iakyat na sa bahay yung mga bagahe nya. Gustong gusto na talaga nyang maligo at magpahinga na. Lagkit na lagkit na sya. Feeling nya balot na ng alikabok ang buo nyang katawan. Pagka akyat nya ng bahay ay hindi nya napigilang magulat sa tanawing nakita nya. Napatakip ang mga kamay nya sa bibig. Bahay pa ba ito?!

"Miss dito ko na lang sa sala ilalapag itong mga maleta mo" untag sa kanya nung binatilyong inutusan nyang magbitbit ng bagahe nya. Tinanguan na lamang nya ito. Pagkabigay nya ng bayad ay umalis na agad ito.

"May nakatira ba sa bahay na'to? bakit ang dumi dumi! Oh gosh, my soft and smooth skin...!baka kung anong bacteria na 1ang kumapit sakin!" bulalas nya habang yakap yakap ang sarili. Kinuha naman agad nya ang scented alcohol na nasa loob ng handbag na hawak nya. Sinimulan nyang maglagay ng alcohol sa mga kamay.

Nag ikot-ikot sya sa kabuuan ng bahay. Una nyang tinungo ang kusina. Gutom na gutom na sya. Inaasahan nyang may pagkain na naghihintay sa kanya. Binuksan nya ang takip ng kalderong naroon na nakapatong pa sa kalan. Nanlumo sya ng makitang tutong na lang ang laman. Kumakalam na talaga ang sikmura nya. Nakita din nyang nanlilimahid na sa dumi ang lababong naroon at meron pang mga platong hugasan. Nagkalat ang mga baso't plato, mga kubyertos na hindi na nya alam kung alin ang malinis at hindi. Nanghihinang bumalik sya ng sala, at kahit na nag aalangan syang umupo sa maalikabok na sofa ay naupo na rin sya. Hindi na kaya ng katawan nya ang pagod at gutom. Nakapikit syang sumandal sa sofa na yari sa kahoy. Nang may marinig syang sigaw ng batang naglalako ng kung anong kakanin sa labas ng bahay. Bigla syang napatayo at dumungaw sa bintana.

"Bata! pumanhik ka dito. Pabili ako ng tinda mo!" tawag nya sa bata at kinampay pa ang kamay nya. Dali-dali naman umakyat ang bata dala ang mga paninda nito. Nakangiti itong lumapit sa kanya. At mukhang na mesmerized sa ganda nya dahil titig na titig ito sa mukha nya.

"Hey kid. I know I'm beautiful. So stop staring at me. Nakakairita. Ano ba yang tinda mo?" maarteng sabi nya at kinuha dito ang bilaong dala ng bata. "What's this?" turo nya sa kakanin.

"Ha?" parang natauhan naman ang bata. "Ano po yan... uhm, puto po. Gawa ni Nanay" nahihiyang sagot nito.

"Masarap ba 'to? Malinis?" nakangiwing tanong nya habang tinitingnan ng maigi ang puto. Pagdating kasi sa pagkain ay sobrang maselan ang panlasa nya. Picky eater sya kumbaga.

"Opo, masarap po talaga yan. Marami nga pong umoorder kay nanay ng puto namin eh" masiglang sabi nito. "Tikman nyo po ate, gawa yan sa giniling na bigas." alok pa nito.

Dahil kumakalam na ang sikmura nya ay kumuha na lang sya ng isang puto at pikit matang kumagat sya. Hindi naman masama ang lasa. Habang tumatagal sa bibig ay sumasarap ito.

"Not bad" sagot nya habang ngumunguya pa. Kumuha pa sya ng isa pa hanggang sa napapadami na ang kain nya.

"Bibilhin nyo po ba lahat ng puto ko?" tanong ng bata na aliw na aliw na nakamasid lamang sa kanya.

"Yeah, akin na'to lahat. Wala kasing pagkain sa bahay na'to eh." sagot nyang punong puno ang bibig. Nang bigla syang nabulunan. Tumakbo agad ang bata sa kusina at kumuha ng basong tubig.

"Salamat" sabi nya dito pagkatapos uminom.

"Dahan dahan lang po kasi, hindi ko naman kayo aagawan" sagot ng bata.

Aba't! akala siguro ng batang ito eh patay gutom sya.

Kung meron lang syang choice hindi nya talaga kakainin ang tinda nito.

"You know, I don't really eat carbs dahil on diet ako. But I have no choice but to eat your puto because I'm starving na."

Natulala na naman ang bata sa kanya.

"What's your name? and how old are you?" tanong na lang nya.

"Denden po. Eight years old na po ako. Grade 3 na ngayong pasukan" bibong sagot nito. "Ikaw po ate, anong pangalan nyo? Girlfriend ka po ba ni kuya Drae?" Muntikan na syang masamid sa huling tanong nito.

Girlfriend? eh hindi pa nga nya nakikita yung lalaking yun! Malay ba nya, baka mukha itong unggoy.

"I'm Sofia. And I'm not your kuya Drae's girlfriend. Ikaw ha, ang bata bata mo pa tsismosa ka na" irap nya dito.

"Bakit po kayo nandito?" usisa pa nito.

"Dito na ako titira"

"Talaga po? buti naman po pumayag si kuya Drae" napaisip naman bigla ang bata.

"Why? ayaw ba nyang may ibang tao sa bahay nya?" Nagtataka din sya dahil yun din ang reaksyon ni Mang Pedring ng sabihin nyang sa bahay ng yaya Reming nya sya titira. Makasarili pala ang lalaking yun.

"Wala naman syang magagawa dahil gusto ni Nanay Reming na dito ako tumira sa bahay nya."

"May pagka masungit kasi si kuya Drae, pero mabait naman po sya ate Sofia." nakangiti ng sabi ni Denden.

"Really?! hmp! wala syang panama sa akin. Bugbugin ko pa sya pag sinungitan nya ako"

Natawa naman si Denden sa kanyang sinabi. Bigla syang may naalala.

"Denden, marunong ka bang maglinis ng bahay? pakilinis naman nitong bahay. Mukhang hindi na tao ang nakatira dito eh" nandidiring sabi nya at nagpahid ulit ng alcohol sa mga kamay nya. "Huwag kang mag alala babayaran kita"

"Marunong po. Sige ate, ako nang bahalang maglinis dito" masayang sabi nito. Pagkatapos nyang kumain ay niligpit agad nito ang kinainan nya. Umuwi muna si Denden sa bahay nila, magpapaalam daw muna ito sa nanay.

Sa halip maligo ay nagpalit nalang sya ng damit, wala kasing tubig yung banyo nang tingnan nya. Buti na lang nauso ang facial wipes. Naipasok na rin nya ang mga maleta nya sa isang kwarto. Naisip nyang yun ang kwartong gagamitn nya dahil yung katabing kwarto nito ay naka-lock. Naka printed shorts na sya at sleeveless na kulay pink. Bitbit ang magazine at unan ay humiga sya sa mahabang sofa na nasa sala. Maya Maya ay dumating si Denden, may dala na itong walis at basahan.

"Abala lang po siguro si kuya Drae sa bukid kaya wala na syang oras maglinis ng bahay" bungad nito.

"Ang sabihin mo, wala talagang balak maglinis ng bahay ang taong yun." balewalang saad nya. Nakatuon lang ang atensyon nya sa binabasa.

Nagsimula nang maglinis si Denden. Inuna muna nito ang kwarto nya. Naramdaman nyang unti-unti ay bumibigat na ang mga talukap nya. Hindi na nya napigilang pumikit at makatulog. Naalimpungatan sya sa mahinang pagyugyog sa kanya. Pagmulat nya ng mata ay nakita nyang nakangiting nakatunghay sa kanya si Denden. Naupo naman sya at nag inat.

"Tapos ka ng maglinis?" tanong nya sa nakangiti pa ring si Denden. Nilibot nya ang tingin sa paligid. Napangiti sya ng makitang malinis na ang bahay. Binalingan nya agad si Denden.

"Opo. Nakapagsaing na rin po ako para hindi ka na magsaing" sagot agad nito.

"Bukas, balik ka ulit dito ha, tulungan mo akong magkabit ng mga kurtina." May nakita kasi sya kaninang mga kurtina na nakabalot pa ng plastic sa loob ng cabinet.

"Sige po, kahit araw araw pa akong pumunta dito. Kung ok lang sayo at kay Kuya Drae."

"Oo naman. Huwag kang matakot doon sa Drae na yun. Pag hindi sya pumayag, gugulpihin ko sya. Siguro pangit yun ano? kaya takot na takot ka sa kanya. Mukha bang monster yun ha?"

"Naku ate Sofia, pag narinig ka nyang tinawag mo syang monster magagalit yun" sabi nitong umupo agad sa tabi nya.

"Yeah right. Hindi nya siguro matanggap na pangit sya. Truth hurts talaga." Ngayon sigurado na talaga syang may makakasama syang pangit na nilalang sa iisang bubong. At wala syang magagawa kundi tiisin ang pagmumukha nun. Ihahanda na nya ang kanyang mga mata sa sandaling makita na nya ang lalaki.

Pagkaalis ni Denden ay humiga ulit sya at tinuloy ang naudlot na pagtulog. Kailangan nyang bumawi sa stress dulot ng mahabang biyahe.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Where stories live. Discover now