Chapter Nine edit

5.2K 105 1
                                    


He's pissing me off! Big time!

Nagpupuyos ang kalooban nya sa galit. Ni sa hinagap ay di nya naisip na may taong makakapanakit at manghahamak ng ganun sa kanya. At hindi nya yun matatanggap. Kailangan na nyang makaisip ng paraan para makaganti sa lalaki. Hindi porke't kargo sya nito ay hahayaan lamang nya itong manduhan at alipustahin nito. Kahit nga ang yaya nya na syang gumabay sa kanya sa paglaki nya ay hindi nagtagumpay na manduhan sya. Bakit kasi dito pa sya pinagkatiwala ng yaya nya, halata namang hindi natutuwa ang pamangkin nito na nandoon sya. The feeling was mutual. Una palang hindi na rin nya kinatuwaan ang binata. Alam nyang ni minsan ay hindi rin natuwa si Drae sa kanya. Baka nga kaya ito pumayag na karguhin sya ay para magkaroon ito ng lisensya na gawing miserable ang buhay nya.

"Yun ang akala nya. Sya lang ba ang marunong gumawa nun? Kaya ko ring gawing miserable ang buhay nya." Sa loob loob nya.

Hindi na sya lumabas ng kwarto, at kahit ilang beses na syang kinatok ni Drae para maghapunan ay hindi rin sya nag abala. Manigas sya!

Tatlong araw ang lumipas mula nung nagkasagutan sila. Hindi sila nagpapansinan. Abala palagi si Drae sa bukid at halos dun na ito sa farm tumira dahil minsan na lang nya ito makita sa bahay. Kapag nasa bahay naman ang binata ay hindi sya lumalabas ng kanyang kwarto.

"Sasama ka sakin mamaya sa farm" deklara ni Drae isang umaga habang nag aalmusal sila. Napilit sya nitong sumabay mag almusal at bumangon ng maaga. Anito'y kailangan na nyang masinagan ng araw dahil namumutla na sya.

"Anong gagawin ko dun? Don't tell me, magtatanim ako ng bigas? In your dreams!" Tinaasan nya ito ng kilay.

"Palay" tiningnan na naman sya nito na parang hindi sya taga earth. "Palay ang nakatanim, hindi bigas. Nagiging bigas lang pagkatapos maani at mapagiik." Dagdag pa nito.

"Whatever. Ayokong sumama sayo at hindi mo ako mapipilit." Matigas na sagot nya. Hindi naman kumontra si Drae at pinagpatuloy nalang nito ang pagkain.

Ilang oras na ang nakalipas mula nang umalis papuntang farm si Drae, naiwan na naman sya mag isa sa bahay. Ayos lang naman sa kanya yun kesa naman makasama nya maghapon ang binata. Naiinis pa rin sya dito. Nakakaramdam na rin sya ng pagka inip. Kung nasa Maynila lang sya, hindi sya magtitiis na tumambay ng bahay maghapon. Mahilig sya sa galaan kasama ang mga kaibigan. Halos araw araw gumigimik sila.

"Ate Sofia!" pukaw ni Denden sa pagmumuni muni nya.

"O, andito ka pala Denden. Bihira ka na lang yata dumalaw dito" kunwari'y nagtatampo sya.

"Sorry ate, dumating kasi nung nakaraang araw si ate Mariz, galing abroad. Katulong ako ni Nanay sa kusina, naghanda kasi sila . Ang dami ngang pagkain eh!" Masayang kwento nito.

"Talaga, saan?"

"Sa Dubai, matagal din syang nagtrabaho dun."

"Ah"

"Gusto ka nyang makilala ate Sofia, naikwento kasi kita sa kanya. Wag kang mag alala, mabait si ate Mariz."

"Sige" balewala nyang sagot. Magandang ideya din naman kung makikihalubilo sya sa mga tao dito.

"Kung ganon, Tara na po"

"Ngayon na mismo?" gulat na tanong nya.

"Opo." hinila na sya nito agad at nagpatianod na lang sya.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Where stories live. Discover now