Chapter Nineteen

4.6K 88 0
                                    


"Ano 'to?"

"Ginkgo biloba extract, it's a brain supplement  para ma-enhance ang memory mo. Nakalimutan mo na kasi yata kung sino ako rito. I'm your guardian, remember? At nasa akin ang lahat ng karapatan para panghimasukan ang buhay mo."

"Hindi ko nakakalimutan yun."

"Sofia, papayagan naman kitang umalis. Go out with Hanz or kahit sinong kaibigan mo. I got no problem with that, ang akin lang dapat nagpapaalam ka."

"Paano ako magpapaalam, wala ka naman dito sa bahay."

"Kung ganon, hindi ka na dapat umalis."  Nagtitimping sabi nya.

Tumayo mula sa pagkaka-upo si Sofia. Nag-isang linya ang mga mata nito.

"Bakit? Wala na ba akong karapatan magdesisyon para sa sarili ko? Hindi porke't kargo mo ako ngayon pakikialaman mo na ang buhay ko!"

"That's not my point!" Hindi na rin nya napigilan magtaas ng boses dito.

"Eh ano?! Tell me para maintindihan ko kung bakit nagkakaganyan ka ngayon!"

"Because I'm freaking worried about you! Wala akong ideya kung saan ka hahagilapin! Kung ano nang nangyari sayo! God, Sofia! Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sayo." Hindi na nya napigilan ang itinatagong nararamdaman. Basta na lamang yun kumawala sa kanyang dibdib.

Lumapit sya sa natigilang dalaga. Hinaplos nya ang pisngi nito. Hinawakan nya ng dalawang palad nya ang magkabilang pisngi nito at marahang pinagdikit nya ang kanilang mga noo. Napapikit sya.

"Please, wag mo na ulit gagawin yun. Pinag-alala mo ako."  malumanay na sabi nya sa dalagang hindi na nakakilos sa kinatatayuan.

Unti-unti ay naramdam nya sa mga palad ang mga luhang pumatak mula sa mga mata ni Sofia.

Tumango ito at dahan-dahang tinanggal ang mga kamay nya na nakahawak parin sa pisngi nito. Walang salitang tumalikod si Sofia at pumasok sa sariling silid.

Naiwan syang naguguluhan. Humugot sya ng malalim na hininga.

Posible bang nahuhulog na ang puso nya sa dalaga?

But the situation was not right. Masyadong magiging komplikado ang lahat. Ano na lamang ang sasabihin ng ama nito at ng kanyang Nanay Reming.

Mabilis pa rin ang tibok ng puso nya. Pamilyar ang ganung pakiramdam. For a while, he got scared. It seemed like he was at it again. He had been snorting at that strange feeling, but it got him again.

Minsan na syang nagmahal. At ang pagmamahal na yun ay nagbigay lamang sa kanya ng  matinding sakit. Nasaktan sya ng isang babaeng akala nya ay totoong mahal na mahal sya. He almost believed that their relationship was made in heaven. Sa kabila ng lahat ng pagmamahal na pinaramdam nya sa babae. Nagawa parin nitong ipagpalit sya sa iba. Nalaman na lamang nya na nagpakasal na ito sa isang Chinese business tycoon. Sa sobrang sakit at sama ng loob nya dito, hindi na nya pinakinggan ang mga paliwanag nito. Hindi na nya kayang masaktan pa sa pangalawang pagkakataon. At hindi nya hahayaan na maramdaman nyang muli yun lalo na kay Sofia.

She has this strong personality na kayang-kaya sya nitong saktan. Kaya hangga't maaari ay kailangan na nyang dumistansya sa dalaga bago pa lumalim ang nararamdam nya para dito.

Sumabay pa sa alalahanin nya ang kanyang ama. Pinagpipilitan parin nito sa kanya ang isang bagay na ayaw nyang gawin. Umalis na nga sya sa poder ng ama, pero hindi parin sya tinitigilan nito.

Open na ang posisyon ng pagiging presidente ng Montreal Group of Companies dahil sa napipintong pagreretiro ng ama nya. Naka-arranged marriage sya sa nag-iisang anak ng isa sa mga business tycoon ng bansa. Hindi nya ito kilala at wala syang balak kilalanin kung sino.

Kailangan ng kompanya nila ang partnership ng kabilang kompanya kaya kailangan nyang magpakasal sa tagapagmana nito. Kung hindi, hindi rin nya makukuha ang mataas na posisyon. May kumakalat din na balita, that the members of the board didnt believe he was qualified for the job. Wala naman syang dapat patunayan sa kanila, kaya imbes na sumunod sa kagustuhan ng ama ay tinanggihan nya ito. Kaya nyang mabuhay sa sariling pagsisikap. At yun ang gusto nyang patunayan.


------------------------------

Sofia Leigh Alcantara

Makalipas ang ilang araw na lessons nya sa pagluluto, may kaunting husay na sya. Proud sa kanya si Aling Lumen. Malimit ay wala si Drae sa bahay dahil may inaasikaso raw itong mga bagay-bagay. Pero alam nyang umiiwas lang ito sa kanya.

Isang araw ay naghanda siya ng salo-salo bilang selebrasyon ng kanyang bagong talento. Imbitado sina Aling Lumen, ang anak nitong si Denden, si Mariz at Ben. Nag renta pa sila ng videoke machine para kompleto ang kasiyahan. Sa bakuran nila naisipang maglatag ng mesa at mga monoblock chairs.

Pero laking gulat nya nang dumating si Drae na kasama si Michelle. Hindi nya inaasahang isasama ito ng lalaki kaya hindi nya alam kung paano mag-react. Maayos sana ang dinner pero may naramdaman syang kakaiba na hindi nya maipaliwanag sa panig nina Michelle at Drae. Kapag akala ng mga ito na walang nakatingin sa kanila ay may kung anong pinagbubulungan. Palihim nyang inoobserbahan ang mga ito at sya naman ay palihim na pinagmasdan ni Mariz. Ang tatlo lang na tila walang pakialam sa mundo basta kumakain lang ng masarap ay sina Aling Lumen, Denden at ang abala sa pagkanta na si Ben.

Matapos ang selebrasyon ay naunang nagpaalam sina Aling Lumen at Denden. Si Ben naman ay isinauli sa barangay ang hiniram na mga upuan. At ang huli ay sina Drae at Michelle. Ihahatid daw ng binata ang huli.

"Patambay muna rito ha?"  Ani Mariz.

Nahiya naman syang pauwiin na ito. Kaya tumango sya. Tinulungan sya nitong magligpit.

"Nabanggit sakin ni Ben na may bago ka raw manliligaw. Uyy, sino ba? Sabi, hindi raw taga rito." Tudyo nito habang nagpupunas ng mesa.

"Ah, kaibigan yun ni Drae. Taga kabilang bayan." tipid nyang sagot dito.

"Buti ka pa, hindi nawawalan ng love life. Ako, parang wala na talagang pag-asa sa pinsan mo. Okay lang naman, no hard feelings, ganun talaga hindi lahat makukuha natin. Mukhang nahulog na sya kay beauty queen. Sila na ba? Ang sweet nila kanina noh." Matamlay nitong sabi. Pilit syang ngumiti dito.

"Hindi ko alam, pero kung pagbabasehan sa kilos nila. Siguro nga, sila na." May lungkot din sa mga mata nya, at alam nyang nahahalata yun ng kausap nya.

"Hindi ka ba masaya para sa kanila?  K-kasi kanina parang pansin ko hindi ka masaya nung makita mong kasama ng pinsan mo si Michelle."

Umiwas sya ng tingin dito. Ayaw nyang makahalata ito sa totoong nararamdaman nya.

"Ano ka ba, syempre masaya ako para sa pinsan ko. Kahit naman madalas kaming magbangayan, suportado ko sya sa lahat ng bagay na makakapagpasaya sa kanya."

"Don't get me wrong, Sofia ha? Para kasing kabaliktaran ng mga sinasabi mo ang ikinikilos mo."

Bigla syang napalingon sa dalagang kausap.

"A-anong ibig mong sabihin Mariz?"

"Eh, kasi...kung hindi ko lang alam na magpinsan kayo, iisipin ko talagang nagseselos ka."

"M-mariz..." She caught off guard.

"Nagkakamali lang ba ako Sofia?" Mataman sya nitong tinitigan. Saglit syang natulala.

Nang makabawi ay tumalikod sya dito at kunwari'y inabala ang sarili sa pagwawalis ng mga kalat.

"Sofia, magkaibigan tayo. Pwede kang magkwento sakin."

"Sige na Mariz, pwede ka ng umuwi. Kaya ko na dito."

Napabuntong-hininga ito at tiningnan syang muli.

"Okay, uuwi na ako. Pero kung gusto mo ng makakausap. Wag kang mag-atubiling lapitan ako. Kaibigan mo ako Sofia, at hindi ka nag-iisa."

"Salamat Mariz."

Nang makaalis na ang dalaga ay napatingala sya sa kalangitan. Parang nakikisimpatiya sa kanya ang kadiliman nito. Kahit ang mga bituin ay nagkukubli at ang bilog na buwan na tanging saksi sa kanyang tunay na nararamdaman ay nagtatago din sa manipis na ulap.

Sana nga ay hindi sya nag-iisa.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum