Chapter Twenty-Eight

4.5K 89 1
                                    


Tatlong araw na mula nang malaman nya na totoong engagement ring ang singsing nya. At hindi lamang yun pipitsuging singsing lang. Sapagkat yun ang pinakamahal na engagement ring sa Sofia's Legacy.

Nakaupo lamang sya sa ibabaw ng kanyang kama.

Hanggang sa mga oras na yun ay hindi pa rin sya makapaniwala sa natuklasan. Hindi nga talaga sya nagkamali noong unang makita nya ang singsing. It was really a luxury jewelry.

Hindi nya lubos-maisip kung paano nagkaroon ng ganun si Drae. Sa trabaho nito ay napaka-imposible na makabili ito ng napakamahal na alahas. She wondered about the amount he received from his father. Was it so big? At bakit sya nito binigyan ng engagement ring? Was it still part of his plan?

Naguguluhan na sya sa samu't saring nararamdaman. Bumaha ang mga alaala ng binata sa utak nya. Mayamaya ay naramdaman na lamang nyang may mainit na likidong dumantay sa hita nya. Isang patak ng luha na nasundan pa. Pagkaraan ay humahagulgol na sya.

"Bakit ginagawa mo ito Sofia? Alam kong mahal mo sya, bakit mo sya tinalikuran?" tanong ni yaya Reming. Nakapasok na pala ito sa kanyang kwarto nang hindi nya namamalayan.

"H-hindi ko sya mahal." kaila nya.

"Kung ganun, bakit ka umiiyak?" Naupo ito sa tabi nya at hinagod ang kanyang likod. "Nararamdaman ko na umiibig ka sa kanya at ganun din sya sayo."

"Yaya..."

"Wag mong kimkimin yan Sofia, ipakita mo sa taong mahal mo na mahal mo sya."

Sunod-sunod ang ginawa nyang pag-iling. She plunged her face into her palms and wept bitterly.

"I hate him. Ginamit nya lang ako para mabili nya ang inaasam nyang farm. If it wasn't for that huge agreement that he had with Daddy, would he still be sweet and nice toward me? I don't think so, yaya. Nagagalit ako dahil na-inlove ako sa ipinakita nyang kabaitan sa akin." pahayag nya sa pagitan ng paghikbi.

"Mali ka Sofia. Hindi ka na-inlove sa kabaitan nya. Na-inlove ka sa kung ano sya. Kung anong pagkatao nya."

Iniangat nya ang mukha, namumugto na ang kanyang mga mata. "Hindi kita maunawaan yaya."

"Hindi ka ginamit ni Drae. Naalala mo bang ako ang unang humingi ng pabor sa kanya para maging guardian mo? Wala syang hiniling na kapalit, tinanggap ka nya ng bukal sa loob nya. Kahit noong inalok sya ng Daddy mo ng tulong, tinanggihan nya yun. At ang binigay na reward sa kanya, ibinalik din nya. Hindi sya interesado sa pera Sofia."

Muli syang napahagulgol. Would he ever take her again? She broke his heart. Nagpadala sya sa maling impresyon nya dito.

"I hate myself yaya!" she cried.

"Puntahan mo na si Drae." susog sa kanya ni yaya Reming.

She heaved a sigh, bumalatay ang lungkot sa maganda nyang mukha. "B-baka hindi nya ako tanggapin...masyado ko syang nasaktan, baka galit sya sakin."

"Hindi pa huli ang lahat."

Of course, her yaya was right. May pag-asa pa sya. With that, she moved as quickly as greased lightning.

"Drae!" Tuloy-tuloy na pumasok sya sa bahay ng binata, nang makitang hindi nakasarado yun. Tahimik ang buong kabahayan. Sumilip sya sa kusina. Wala din ito doon. Napangiti sya nang makitang hindi naka-lock ang pinto ng silid nito. Pero bigla ring nabura ang ngiting yun nang makitang wala na ang mga gamit ni Drae. Saan sya nagpunta? tanong nya sa isipan. Dali-dali syang lumabas ng bahay. Pumunta pa sya sa likod-bahay pero wala din ang taong sadya nya. Nakakaramdam na sya ng kaba dahil sa ideyang pumasok sa isipan nya. Hindi maaari, hindi pwede! sigaw ng utak nya. Lumabas sya at nagtungo sa bahay nina Aling Lumen at Denden, pero katulad din ni Drae. Wala na rin ang mag-ina sa bahay ng mga ito. Sunod nyang pinuntahan ang bahay nila Mariz, umaasang alam nito kung nasaan si Drae. Mabibilis ang kanyang mga hakbang nang tunguhin nya ang bahay ng dalaga. Ngunit ang naabutan nya ay ang kapatid lang nito. Ayon dito ay lumuwas daw ng Maynila ang dalaga para maghanap ng trabaho at kasama rin nito si Ben. Wala din itong alam tungkol sa binata.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Where stories live. Discover now