Chapter Twenty-Four

4.8K 98 1
                                    


Nasa bintana sya at nakapangalumbaba. Nakatukod ang isang siko sa pasimano niyon. Hindi pa rin mawaglit sa isipan nya ang litratong nakita. She was so curious about the girl. Parang malaki ang naging parte nito sa buhay ni Drae. At base sa larawan, espesyal ang babae sa binata. Mukhang hindi lang si Michelle ang karibal nya sa puso ng binata. Kinakain ng selos ang buong sistema nya. Kailangan nyang malaman kung sino ang misteryosang babae na yun. At kung paano nya magagawa yun? Yun ang iniisip nya sa mga sandaling yun.

Nasa ganun syang posisyon nang mabungaran sya ni Drae. Mukhang hindi ito galing ng bukid dahil maayos ang suot nito. Simpleng jeans at shirt lang pero litaw pa rin ang angking kagwapuhan. Magaling magdala ng damit ang binata.

"Anong gusto mong gawin ngayon?" tanong nito.

"Tumunganga." wala sa loob na sagot nya. Her mind was preoccupied at that moment.

"Ano? Mukhang naglalakbay yata ang diwa mo ah. Anong iniisip mo?" natatawang tanong ng binata.

"Wala." nagkibit-balikat sya.

"So, what's with that 'tunganga' na sinasabi mo?" pangungulit nito.

"Alam mo underrated ang tunganga. It is actually good for the soul." paliwanag nya na hindi tumitingin kay Drae. " Kaya walang masama kung tumunganga ka buong araw. Maganda nga yun eh, wala kang iisiping gagawin."

"Okay. Tara."

Kunot-noong bumaling sya sa binata. Nakangiti ito. Pati ngiti gwapo din. At dahil sa ngiting yun, parang nalusaw na naman ang puso nya. Bakit ubod ng gwapo ang magbubukid na 'to?

"Anong, Tara?" tanong nya dito.

"May alam akong lugar na perfect para tumunganga. Kaya, tara na."

"Saan?"

"Basta. Magbihis ka na."

Sa puntong yun ay napangiti sya. Parang sumasayaw sa isang matamis na ritmo ang puso nya.

"Are you asking me for a date?"

"Well...Yes."

Sa sobrang tuwa nya. Lumapit sya sa binata at yumakap sa leeg nito. Mabilis din syang kumalas sa pagyakap. At tuwang-tuwa na tinungo ang sariling silid. Pero habang humahakbang sya paurong para tumungo sa silid ay binigyan nya muna ng isang mabilis na flying kiss ang binata.

"Sa wakas! Magde-date na kami." bulalas nya pagkasara nya ng pinto.

-------------------

"Wow! ang ganda!" yun ang unang namutawi sa bibig nya pagkakita nya sa lugar. Biglang nawala ang pagod nya  sa matinding pakikipagsagupaan sa mga pasahero ng bus. Hindi lang pala sa Maynila uso ang pakikipag-unahan sa upuan. Mas malala pa sa probinsya dahil hindi lang tao ang makakasagupa mo kundi ang mga iba't ibang bagahe na isinasakay din sa loob ng bus. May mga sako-sakong bigas, may mga iba't ibang hayop na nasa loob ng karton na ginawang kulungan. At kung ano-ano pang mga produkto galing sa bukid na ibinebenta sa kalapit na mga bayan.

Sa isang malawak na flower farm siya dinala ni Drae. Iba't ibang klase, kulay at hugis ng bulaklak ang nakikita nya. May daisy, calla lily, american roses, baby's breath, anthorium at marami pang iba na hindi na nya alam ang tawag. May nakatayo din doon sa di-kalayuan na isang semi-bungalow na bahay.

Bilang isang babae. Nasisiyahan talaga syang panoorin ang mga nakatanim na bulaklak.

Nagdidilig ng mga tanim ang  may-ari at namamahala ng flower farm na iyon nang dumating sila. Matandang babaeng mestisahin na may katabaan ito.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Where stories live. Discover now