Chapter Six

5.3K 126 4
                                    


Nangingiti syang pinagmamasdan ang dalagang nakaupo sa harapan nya. Magkaharap sila sa lamesa, nakabusangot ang mukha nito at nilalaro ang pansit bihon sa plato nito. Kasalukuyan silang nag aalmusal ngayon.

"Huwag mong paglaruan ang pagkain. Pagkain yan at hindi laruan." seryoso nyang sabi.

Tiningnan sya nito ng masama. She looked really adorable, her head lowered with eyes looking up through lowered brows. Tila gusto sya nitong kainin ng buhay. Hanggang sa mga sandaling gun ay hindi pa rin sya makapaniwalang makakasama niya ang dalagang ito sa ilalim ng iisang bubong.

Naputol ang kanyang pag iisip nang padabog na tumayo ang dalaga. Nagpalipat lipat ang tingin nya sa pagkain nitong hindi ginalaw at sa mukha nito.

"O, tapos ka bang kumain?"

"Hindi masarap yung pansit." supladang sagot nito.

"Arte. Mamalengke ka mamya para may stock ng pagkain dito sa bahay. At nang makapagluto ka ng gusto mo."

"Ako?" sabay turo nito sa sarili. "Inuutusan mong mamalengke?! Wow." di-makapaniwalang tanong nito.

"Oo. Ikaw. May iba pa ba akong kasama dito?"

"Bakit di na lang ikaw? Kabisado mo naman ang lugar na'to."

"Nagrereklamo ka? gusto mong umalis na dito?" panakot nya sa dalaga. Bigla naman itong natigilan at hindi nagsalita. Nakaramdam naman sya ng konting guilt dito nang mapuna nya na bahagyang namasa ang mata nito at umiwas ng tingin.

"Ibibili na lang kita ng ibang pagkain kung ayaw mo ng pansit" akmang tatayo na siya.

"Hindi na! May sarili naman akong mga paa. I can manage!" Biglang nag iba ang ekspresyon ng mukha nito, bumalik ulit ang pagtataray.

Napailing na lang sya. May dugong mandirigma siguro ang babaeng 'to. Gigil makipag away. naisip nya.

"Saan mo ba binili yan?"

"Dyan lang sa malapit. Tindahan ni Aleng Marta. Pangatlong bahay mula rito."

"Thanks" tipid sa emosyon nitong sabi, pagkatapos ay tumalikod na ito.

Thanks? Nagulat sya sa katagang iyon. Galing ba talaga iyon sa bibig ni Sofia? Marunong naman palang magpasalamat ang babaeng iyon kahit na may pagka maldita ito. Pinagpatuloy na lamang nya ang pagkain. Ilang sandali at narinig nyang nagsalita ito.

"Denden, buti nandito ka na! samahan mo muna ako bumili ng almusal. Nag almusal ka na ba?" Narinig nyang sabi ni Sofia. Nakilala na pala nito ang anak ng kapit bahay nila. Sigurado sya na si Denden ang pinaglinis nito ng bahay kahapon. Tumayo sya at nilapitan ang dalawa na palabas na ng pinto.

"Anong ginagawa mo dito Denden?" Napalingon naman ito sa kanya at napakurap bago sumagot.

"Sasamahan ko po si Ate Sofia" sagot nito at tumingin sa dalaga.

"Huwag ka masyadong magdididikit sa kanya at baka mahawa ka sa masamang ugali nya." Napansin nya sa peripheral view nya na naningkit ang mga mata ni Sofia.

"Gusto mo bang basagin ko mukha mo? Nang malaman mo kung gaano kasama ang ugali ko ha?!" singhal nito at iniumang pa sa kanyang mukha ang kamao nito.

"Tsk! Huwag mo ngang pinapakita sa bata yang pagkabayolente mo." kaswal nyang sabi at marahang tinabig ang kamao ng dalaga.

"Halika na nga Denden, umalis na tayo." Tinapunan pa sya ng masamang tingin ng dalaga bago ito tuluyang tumalikod akay akay ang batang si Denden. Asar talo.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon