Chapter Thirty

4.7K 99 3
                                    


Lahat ng empleyado ay bumabati, napapahinto at napapalingon sa babaeng deretso ang tingin papunta sa direksyon ng office of the CEO. Pagpasok na pagpasok pa lamang ng building ay nagkakatanawan na ang mga kawani buhat sa kani-kanilang mesa para makita ang dalaga.

Walang iba iyon kundi si Sofia Leigh Alcantara.

Wala syang pakialam kahit umalingawngaw nang husto ang maingay na taguktok ng high heels sa sahig. Agaw pansin ang mamahaling kasuotan na ikinatawag din ng atensyon ng lahat ng naroon. She looked too smug wearing her bohemian outfit, with her face fully made up, her lips puckered, shining and perfectly colored with expensive lipstick, her long hair looking so soft. Aakalain talaga ng mga makakakita na model sya at magpo-photoshoot para sa cover ng Vogue.

"Sobrang ganda ni Miss Sofia!"

"Maganda pero suplada. Hindi man lang ngumingiti."

"Ang ganda talaga ni  Miss Sofia, idol ko talaga sya! Nakakatomboy!"

"Maganda na mayaman pa."

Iyon ang kadalasang mga naririnig nya sa mga empleyadong nadadaanan nya. Immune na sya sa ganoong mga komento tungkol sa kanya.

"Miss Sofia, nasa table nyo na po ang mga hinihingi nyong mga reports." anang secretary nya.

"Thank you Merly." sagot nya. Pagkapasok sa kanyang pribadong opisina ay umupo kaagad sya sa swivel chair nya at hinarap ang mga papeles na nakalatag sa kanyang mesa.

Pangalawang araw na nya iyon sa Alcantara Towers. When it comes to work, she's serious and very strict. Kaya karamihan sa mga empleyado nila ay parang takot at nanginginig ang mga katawan kapag kinakausap nya. Hindi naman sya masungit o mapangmata sa mga kawani nila. Pormal at strikto lang talaga sya.

Pinag-aaralan nya ang mga past monthly reports ng kompanya. Kailangan nya iyon para sa projects na sisimulan nya.

"Hello, cousin." bati ng isang baritonong boses.

Nag-angat sya ng tingin at sumalubong sa kanya ang nakangiting lalaki.

"Oh, hi Rafael!"

Tumayo sya at patakbong niyakap ang pinsan. Ito na lang ang kaisa-isang kamag-anak nya. Isa ito sa matagal na sa kompanya at mapagkakatiwalaan ng Daddy nya sa iba pa nilang negosyo. At isa din ito sa board of directors na hindi nagprotesta nang ibigay sa kanya ng ama ang mataas na posisyon.

"Welcome to Alcantara Empire, your highness." nagbigay pugay pa ito sa kanya at yumukod. Natatawang hinampas nya ito sa braso.

"Ano ka ba?"

Tumawa lang din ito. "Pasensya ka na at hindi ako nakarating sa party mo. I was in Hongkong for a business ventures." sagot nito.

"Ang sipag mo talaga. Walang dudang best asset ka ng kompanya." puri nya sa pinsan.

"Should I treat you for that?" natatawang tanong nito.

"Saan?" pagsakay nya sa biro nito.

"May alam akong bagong bukas na restaurant malapit dito. How about having lunch together?"

"Sure, sige mamayang lunch break. Seryoso ka dyan ha."

"Yup. Sige mamaya na lang, I just drop by para batiin ka. At mukhang busy ka rin."

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Where stories live. Discover now