Chapter Twenty-Two

4.7K 102 1
                                    


Sofia was cursed with weak lungs. Noong bata pa sya ay mayroon syang hika at nang gumaling yun bago magpitong taong gulang ay nagkaroon naman sya ng allergic rhinitis. Kaunting alikabok, kaunting pagbabago ng panahon, o kaya naman ay maling pagkain ay sinisipon sya o sinusumpong ng sinusitis.

Alam nyang nasa hospital sya sapagkat puro puti ang kulay ng paligid nang unang magmulat sya ng mga mata.

Nagsagawa ng ilang tests sa kanya upang matuklasan kung ano talaga ang sakit nya. At base sa results ng chest x-ray nya, Pneumonia ang diagnosis ng attending physician nya.

Hindi pa gaanong bumubuti ang pakiramdam nya. Parati syang inaantok dahil na rin sa mga gamot nya at sa kasasanghap nya ng ventolin nebules.

Groggy si Sofia. Hindi nya tuloy alam kung nananaginip sya o hindi nang magmulat sya ng mga mata at nakitang nakatayo lang sa tabi nya si Drae. Nakatitig ito sa kanya. He looked worried and guilty. Pakiramdam nya ay lalong bumigat ang paghinga nya nang makita ang binata.

"Kumusta ang pakiramdam mo? tanong nito. "Nahihirapan ka pa bang huminga?"

Naramdaman nya ang kamay nito sa kanyang noo. His hand felt cold against her burning skin.

"May fever ka pa rin. But don't worry, the antibiotics are going to work soon at gaganda na rin ang pakiramdam mo." anito na parang ito ang attending physician nya.

Tumango sya. Gusto nyang sabihin na sa palagay nya ay hindi na gaganda ang kanyang pakiramdam.

"Pwede ba akong uminom?"tanong nya. Uhaw na uhaw sya at mapait ang lasa sa bibig nya.

Kumilos ito para kumuha ng tubig na nasa mesita. "Here." Inalalayan sya nito paupo para makainom sya nang maayos.

Kahit masama ang pakiramdam, naramdaman nya na sobrang lapit nito sa kanya. Halos nakasandal sya sa dibdib ng binata. Marahan syang inihiga nito matapos nyang uminom.

Hinaplos nito ang kanyang ulo. "Sobrang init mo, tatawag lang ako ng nurse para bigyan ka ng sponge bath."

Inabot nya ang kamay nito. "Dito ka lang, please." aniya. Hindi nya alam kung panaginip ito o totoo, pero ayaw nyang umalis si Drae. A tear rolled down her cheek.

Naramdaman nya ang kamay nito sa kanyang pisngi para pahirin ang luha. Ibinaling nya ang mukha sa direksyon ng palad nito.

Sana mahal mo na lang ako. Sa isip lang nya dapat sinabi yun. Ni hindi nya alam na naisatinig pala nya yun nang mahinang-mahina dahil bahagya syang nagdedeliryo sa taas ng lagnat.

Pero narinig yun ni Drae. Huminto ang palad nito sa kanyang pisngi. "Kung alam mo lang, Sofia..." parang narinig nyang sinabi nito. Pero hindi sya  sigurado dahil muli syang nakatulog.

Nang magising sya ulit, naroon parin si Drae pero kausap na ito ni Mariz at ng doktor. Hindi parin nya sigurado kung napanaginipan lang nya ang nangyari kanina.

"Sobrang taas ng lagnat nya kanina so we need to inject her with paracetamol." anang doktor.

"Bakit ganoon pa rin kataas ang lagnat nya doc?" nag-aalalang tanong ni Mariz.

"Ang lagnat kasi ay senyales na may nilalabanang infection ang ating katawan. Sa kaso ng pasyente, malala ang infection sa lungs nya, kaya mataas na klase ng antibiotics ang ginagamit natin. Hangga't hindi tuluyang napupuksa ang cause ng infection, lalagnatin pa rin sya. But I am hoping na bababa na ang lagnat nya." malumanay na paliwanag ng doktor.

"O, Sofia, gising ka na pala." Napansin sya ni Mariz at nilapitan sya. "You want to eat friendship? Tinulugan mo lang ang lunchtime kanina." umupo ito sa tabi nya.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Where stories live. Discover now