Chapter Thirty-Seven

4.8K 93 0
                                    


Nagising si Sofia sa tama ng malamig na tubig sa kanya. Ipinilig nya ang kanyang ulo upang maalis ang tubig sa kanyang mukha. Ang hapdi sa kanyang magkabilang braso ang nagpaalala sa kanya kung bakit nasa ganoong sitwasyon sya.

Pabalik na sya noon sa cottage nila, nang may dalawang lalaking lumapit sa kanya at sapilitan syang pinasama ng mga ito. Tinutukan sya ng baril sa kanyang tagiliran kung kaya't wala syang nagawa kundi sumunod na lamang. Nang tinangka nya namang magpumiglas at sumigaw ay tinakpan ng isang lalaki ng panyo ang kanyang bibig at nawalan na sya ng malay.

Itinaas nya ang tingin sa lubid na nagtatali sa mga iyon at halos namamagang sugat kung saan bumabaon at gumagasgas sa kanya ang matalas na materyales ng lubid sa tuwing gagalaw sya.

Tiningnan nya ang lalaking nagbuhos ng tubig sa kanya. He was not even a big man. Ordinaryong tangkad, ordinaryong laki lamang ang mayroon ito pero tila nakakaramdam ng supremong kapangyarihan sa kanya dahil nakatali sya. May mga kasama din ito sa malaking silid na iyon na armado ng mga baril.

"Sino kayo?! Anong kailangan nyo sa akin?!" Umalingawngaw ang kanyang boses sa buong paligid. Nakakaramdam na sya ng sobrang takot pero nilalabanan nya.

Ngumisi lamang ang lalaki. "Wala kaming kailangan sayo, pero ang boss namin. Meron."

"Sino ang boss nyo?! Sino!"

Sumagi sa  isip nya si Tiffany, ang babaeng binugbog nilang magkakaibigan noon. Maaring ito ang nagpadukot sa kanya. Ngunit imposible rin naman dahil matagal na silang nagkaayos.

"Wag kang excited. Makikilala mo rin." Galing sa may pintuan ang boses kung saan naroon ang lalaking may tattoo sa kamay.

Humakbang papalapit sa kanya ang lalaki. Hinawakan ng malaki nitong kamay ang kanyang mukha.

"Sofia Alcantara. Nagkita tayo ulit. Kung noon ay nakaligtas ka. Ngayon, siguradong hindi na."

Tiningnan nya lang ito nang puno ng pagkamuhi. Nabwisit ito sa kanya at hinaplit ng hawak nitong abaka. Napapikit sya sa sakit. She fought to clear her mind and stay conscious.

"Sino ka?! Ikaw ba ang boss nila? Anong kailangan nyo sakin?!" puno ng galit na tanong nya.

"Hindi ako. Pero hindi mo na sya kailangang kilalanin pa dahil kilalang kilala mo sya." Ngumisi ito.

Sa pagbanggit nito noon ay lalong sumilakbo ang galit sa kanyang dibdib. Nanghihina na sya pero tila binigyan sya noon ng bagong lakas.

"Kung ganoon, bakit hindi sya magpakita? Naduduwag ba sya kaya nagtatago sa likod nyo?!"

"Makikita mo rin sya mayamaya."

"Pakawalan nyo ako dito! Magbabayad kayong lahat. Ipakukulong ko kayo!"

Humalakhak lamang ang lalaki at umupo sa silyang naroon.

"Sabihin nyo sakin kung magkano ang kailangan nyo! Ibibigay ko. Pakawalan nyo lang ako."

"Mas malaki ang makukuha namin kay Boss kapag nadispatsa ka na namin."

Binalot ng takot ang buong sistema nya. Nanghihina na sya. Anumang oras babagsak na ang mga luha nya. Pumikit sya. Please someone help me.

"Sofia Leigh Alacantara." Napamulat sya sa pamilyar na boses na iyon. Tumingin sya sa direksyon ng pinagmulan ng boses.

Ganoon na lamang ang pagkagulat nya nang makilala ang taong iyon. Gulat na may halong pagtataka.

"R-rafael?" mahinang sambit nya.

"Kumusta mahal kong pinsan?" blangko ang mukhang saad nito.

"Rafael...wag mong sabihin--"

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Where stories live. Discover now