Chapter Thirty-Five

4.8K 98 0
                                    


Nangunot ang noo ni Sofia nang mapansin nya through the glass wall ng kanyang opisina na, nagsisitayuan at naglilingunan sa iisang direksyon ang kanyang mga empleyado. Ang ilang kababaihan ay parang kinikilig at abot-tenga ang ngiti. Na parang nakakita ng gwapong artista.

Tumunog ang intercom.

"What's going on, Merly?" tanong nya agad sa secretary.

"Miss Sofia, nandito po si Mr. Drae Montreal. Wala ka pong naka-schedule na appointment sa kanya today. Papapasukin ko po ba?"

Naramdaman nya ang malakas na tambol ng kanyang puso. Anong ginagawa nito doon?

"Let him in." sagot nya.

Ilang sandali ay bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang gwapong binata. Nakasuot ito ng isang Donald J. Trump signature collections suit.

Nakangiti ito. Showing his perfect set of teeth. Akala mo endorser ng kung anong brand ng toothpaste.

"What a surprise visit, Mr. Montreal." saad nya.

"Hi, Sofia." nakangiting bati nito.

"What brings you here, Mr. Montreal?" pormal nyang tugon.

"Drae."

"What?"

"You should call me by my first name. It's the polite way to do when someone calls you by the first name too."

She rolled her eyes.

Giniya nya ang binata sa round conference table na naroon. Sumunod naman ito. Umupo silang magkaharap sa chair niyon.

"May nakalimutan ka bang i-discuss sakin?" sumandal sya sa upuan at humalukipkip.

"Yes. Alam mo na siguro kung ano iyon."

Kinabahan sya. Tinutukoy siguro nito ang pabor na sinabi nito kapalit ang partnership.

"How could you be so cruel, Montreal?"

"What, I'm just making you a deal. Gawan mo ako ng pabor at makukuha mo ang partnership ng MGC."

"You already had a girlfriend. So, why do you still wants me to pretend as your girlfriend?"

"Who told you that? wala pa akong girlfriend. "

She felt relief upon hearing na wala pa pala itong girlfriend.

"So, you mean you're just flirting with your ex?"

"How did you know na ex-girlfriend ko ang babaeng nakita mo?"

"Ah-eh." mabilis syang nag-isip. "Hula ko lang naman, di ba nabanggit mo before na may ex ka?"

"She wants us to be together again. But I refused. Hindi ganoon kadaling tanggapin muli ang isang taong minahal mo at sinaktan ka. That's why I'm asking you to be my girlfriend. Gusto kong ma-realize nya na wala na syang babalikan pa."

Napalunok sya. Sya kaya mapapatawad pa nito? Sinaktan din nya ang binata. Tanggapin kaya sya ulit nito? Kahit na walang naging label ang relasyon nila noon.

"Hanggang kailan naman ako magpapanggap na girlfriend mo?"

She was hurting inside when she said that.

"Until I say so."

"Baka matagalan pa bago nya ma-realize yun. Hindi madaling mag-pretend." tugon nya.

Napatiim-bagang ito.

"Was it hard for you to think of yourself as my girlfriend?  Ganyan ba kahirap para sayo na tanggapin ako Sofia? Na kahit ang magpanggap na lang na girlfriend ko ay sobrang hirap na para sayo?! Hindi pa nga tayo nagsisimula, gusto mo nang tapusin agad." punong-puno ng damdamin na sabi ni Drae. May hinanakit sa boses nito.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Where stories live. Discover now