Last Chapter

7K 127 10
                                    


"Anong kailangan mo sa kapatid ko, Miss Alcantara? Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sa kanya?" mariing tanong ni Drake.

Imbes na umalis kaagad ng hospital ay dumeretso sa maliit na chapel ng hospital si Sofia. Doon sila nagtagpo ng panganay na kapatid ni Drae.

Napayuko sya. "I'm sorry."

"Sorry?" patuyang ulit nito. " Muntik nang mamamatay noon si Drae, alam mo ba iyon? Kahit bawal sya sa manok, kumain pa rin sya, wag ka lang malungkot sa kaarawan mo. Hindi mo lang sya sinaktan physically, pero mas higit ang sakit ng ginawa mong pagtalikod sa kanya noon. Tapos ngayon, nasa kritikal na kondisyon din sya dahil na naman sayo. Walang nakakaalam kung kailan sya magigising."

"Wala akong alam sa bagay na iyon. Wala syang nabanggit. At hindi ko sinasadya ang nangyari sa kanya noon. Hindi ko rin ginusto ang nangyaring ito sa kanya. Mahal ko ang kapatid mo."

"Alam mo bang ayaw talaga magtrabaho ni Drae sa MGC? mas gusto nya ang buhay sa probinsya, mas gusto nyang magtrabaho sa hacienda. Hindi ka sanay sa buhay probinsya. Baka dumating ang araw, kapag nainip ka sa bagal ng takbo ng buhay doon ay muli mo syang iwan. Mas makabubuti siguro na layuan mo na sya."

Tuwid na tumingin si Sofia sa mukha ng kaharap. "Mahal ko ang kapatid mo noon hanggang ngayon. Walang sinumang makapaghihiwalay na muli sa amin. Kahit ikaw o ang magulang ko."

Nasa mukha pa rin ni Drake ang agam-agam sa katapatan ng sinabi nya.

"Kaya  mo ito ginagawa ay dahil sya na ngayon si Drae  Montreal,  ang mayamang businessman. Siguro kung sya pa rin ang dating probinsyanong magbubukid baka hindi mo ito ginagawa ngayon. "

Lumapit sya rito. "Kuya, alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko, hindi ko man iyon sinasadya. Ilang beses kong  uulit-ulitin ito,  mahal ko si Drae.  I was just too stupid and too proud to admit it. Nagkamali ako noon. Narito ako ngayon para ipakita na  sa  pagkakataong ito hindi ko na sya iiwan. Nakikiusap ako, hayaan mong mag-stay ako sa tabi nya at alagaan sya. For I intend to stay by him and with him forever."

Drake felt the sincerity in her heart.

"Okay, I will let you stay."

Hindi nya napigilan ang mapaiyak. Luha iyon ng labis na kaligayahan.

"Salamat Kuya!" nakangiting niyakap nya ito.

Sabay silang bumalik sa kwarto ni Drae.

"Kuya! Sofia!" humahangos na tawag sa kanila ni Dyvonne.

"Bakit? May nangyari ba?" tanong ng kapatid.

"Si Drae... si Drae kuya, gising na sya!" bulalas nito. Nasa mga mata ang kasiyahan.

Patakbong tinungo nila ang silid. At nadatnan nila ang nakaupong binata. Nakasandal ang likod nito sa headrest ng kama. Nakaupo sa tabi nito ang ama.

Tuwang-tuwa ito nang makita sila. Masaya nitong binati at niyakap ang panganay na kapatid at nakipag-usap ito.

Naguluhan sya. Tila hindi sya pansin ng binata. Na parang wala ang presensya niya doon. Dapat natutuwa din itong makita sya doon. Ineexpect nyang sya ang unang babatiin at yayakapin nito.

Nang binalingan sya ni Drae ay alanganin syang ngumiti. Nangunot ang noo nito na parang kinikilala sya. Kinabahan sya. Biglang pumasok sa isipan nya na hindi sya nakikilala ng binata. Nagka-amnesia ba ito?

"Who is she?" tanong nito.

Tila gumuho ang mundo nya sa narinig. Nagkatinginan sila ni Dyvonne at Drake.

"I-I need to go." Hindi na nya kaya, ayaw nyang doon mismo sa harapan nito sya pumalahaw ng iyak. Tumalikod sya at mariing pumikit. Hahakbang na sya paalis nang magsalita ito muli.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Where stories live. Discover now