Chapter Twenty-Five

4.7K 93 0
                                    


"Can I borrow your hand for a moment?" tanong ni Drae.

Katatapos pa lang nilang magsimba sa bayan. At ngayon ay nasa isang bagong bukas na jollibee outlet sila.

Nagtataka man ay inilapit nya rito ang kamay. Laking gulat nya nang isuot nito sa daliri nya ang isang napakagandang singsing. Kuminang ang diamanteng nakatumpok sa gitna niyon nang tamaan ng sinag ng araw.

Lumakas ang tahip ng kanyang didib. "Para saan 'to?"

"Happy birthday!" Nakangiting bati nito.

Nagulat man at nagtaka kung paano nalaman nito ang kaarawan nya ay hindi nya itatanggi na lumundag ang puso nya.

Tinitigan nya ang singsing na nakasuot sa kanyang ring finger. It was a diamond solitaire ring. Hinaplos nya ang palamuting bato nito. "Hindi mo naman ako kailangang regaluhan ng mamahaling singsing. Mamaya sisihin mo pa ako dahil naubos ang pera mo."

"Sino nagsabi na mamahalin yan?" natatawang tanong nito.

"Hindi ba? Sigurado akong tunay na diamond ang bato nito."

"Sa tingin mo ba, ang simpleng magsasaka na tulad ko ay makakabili ng tunay na diamond?" naiiling na sabi nito. "Sorry, pero puwet ng baso lang yan. Hindi yan tunay gaya ng akala mo."

"Ha?"

"Disappointed ka ba dahil nalaman mong fake lang yan? Pasensya ka na. Yan lang nakayanan ko."

"Hindi ah. Masaya kaya ako. Hindi ko lang matanggap na isang jeweler na katulad ko eh, nagkakamali din pala." natatawang sabi nya.

"How'd you know it's my birthday?"

"Hula lang."

"Yung totoo?"

"Madalas ka kasi talagang ikwento ni Nanay Reming sa'kin. Anything about you. Kahit na yung mga ginagawa mong mga kalokohan. Nagsusumbong yun sakin sa tuwing pinapasakit mo ang ulo nya." Pahayag nito.

Napangiti naman sya sa narinig.

"Nakaka-usap mo ba sya lately? Kinukumusta ba nya ako? Namimiss ko na rin si yaya." saad nya habang iniikot-ikot ang straw sa softdrinks nya.

"Oo, kausap ko sya kanina." sabi nito sabay subo ng french fries sa bibig. "Gusto mo bang tawagan natin sya?" dagdag nito.

"Hmm...hindi na muna. Ayokong pati sa kanya ay magalit si Daddy. Hangga't hindi kami nagkaka-ayos ni Dad, hindi ako pwedeng makipag-usap kay yaya."

Sa mga oras na yun ay gusto nyang umiyak. Pero hindi nya pwedeng sirain ang araw na yun dahil sa lungkot. So she flashed a smile instead. A bit sad smile.

"I'm sure, he will forgive you soon. After all, you are his princess."

"I don't think so. Hindi nga nya ako dinalaw noong naospital ako. A powerful man like him, hindi imposibleng mahanap nya ako." malungkot nyang tugon.

"Hey, it's your birthday. Bawal ang sad, dapat happy!" itinaas nito ang dalawang mga kamay at tinuro ang magkabilang gilid ng labi at ngumiti.

Natawa sya sa ginawa ng binata.
Ibang-iba na talaga ang Drae na kaharap nya ngayon sa Drae na una nyang nakilala na ubod ng sungit.

"Yeah. Thank you Drae."

At dahil birthday nya. Kinagabihan ay naghanda sya ng isang fried chicken party. Wala si Drae at may inasikaso ito saglit sa kabilang bayan. Pero nakapag-paalam na sya sa binata na magpapa-party sya.

Sya ang nag-organize. Nagrenta sya ng videoke machine at inimbita nya ang mga taong naging parte ng buhay nya sa lugar na yun. Sa bakuran parin nila ito gaganapin.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Where stories live. Discover now