Chapter Twenty-One

4.5K 91 1
                                    


Kanina pa ang walang awat na pagbahing ni Sofia na sinusundan pa ng ubo, sumasakit na rin ang lalamunan nya. Kaya naman hindi sya gaanong nakikihalubilo sa ibang bisitang naroon. Nasa isang sulok lamang sya ng mesa at pinagmamasdan ang bawat galaw ng mga taong nagkakasiyahan.

Lalong bumibigat ang pakiramdam nya kapag napapadako ang paningin nya sa magkaparehang kanina pa naghaharutan. Ni hindi alintana ng mga ito ang mga tao sa paligid. Sinusubuan ni Michelle ng cake si Drae, at tuwang-tuwa naman ang kumag. Magkadikit ang mga upuan nito na halos hindi na madaanan ng hangin sa pagkakalapit.

Inis na nilagok nya ang nangangalahating kopita ng wine. Kahit na masama ang pakiramdam nya ay nakuha parin nyang uminom. Wala naman syang balak maglasing. Gusto nya lang ng may ibang pagbalingan ng atensyon.

"Sofia, okay ka lang ba?" puna ni Mariz nang muli syang bumahing. Tumango lang sya. "Sure ka ha?" nag-aalalang tanong ulit nito.

Tumayo sya at nakaramdam ng bahagyang hilo sa biglaang paggalaw. Napakapit sya sa mesa.

"I'll just go outside. I think I need some air." Nakakaramdam na sya ng pamimigat ng dibdib at hirap ng huminga. Kung hindi lang kabastusan sa kanyang mga kasama ay gusto na talaga nyang magyayang umuwi.

Nagtungo sya sa poolside. Humugot sya ng malalim na hininga na animo pinupuno ang dibdib ng hangin. Nakatanaw lang sya sa asul na tubig sa pool habang pinapayapa ang sarili.

"Are you enjoying your stay here?" tanong ng isang persona na hindi nya namalayang nasa tabi na nya. Isang dipa ang layo mula sa kanya. Nakahalukipkip ito at nakangiti sa kanya. Ngiting nang-uuyam. Nag-init ang ulo nya dahil doon, pero hindi nya pinahalata, instead nginitian din nya ito. She flashed her a sweet smile.

"Where's Drae?" tanong nya.

"Nasa loob. Gusto mo tawagin ko?" Ngumiti ulit ito. Ngiting may laman.

Umiling sya.

Hindi nya maunawaan kung bakit ganun ang inaasta nito. Dahil wala na syang masabi ay itinikom na lang nya ang bibig, gayunpaman ay alerto sya sa bawat magaganap na para bang mayroon syang kailangang agapan o ano.

"Are you enjoying your stay here?" tanong ulit ng nito. Kunot-noong tinitigan nya ito. Ganoon parin ang mukha nito, parang nang-uuyam na nananantiya.

"As a matter of fact, I do." sagot nya.

"Well, why wouldn't you?"

Hanggang doon na lang ang kaya nyang tiisin. Hindi na nya kayang umaktong kalmante kung pilit syang pinipikon nito.

"Michelle, parang may gusto kang sabihin, bakit hindi mo ako deretsahin?"

Tumaas lang ang isang sulok ng labi ng babae. Naiirita na sya sa kinikilos nito. Imposible namang hindi parin ito maka-move sa pagtatapon nya ng harina dito, matagal na yun.

"I just thought anyone would enjoy making Salvacion as a playground or a hiding place."

Parang natuka sya ng ahas, at hindi nya magawang gumalaw.

"I-- I don't know what you're talking about."

Tumawa ito. Ang Michelle na kilala nyang mahinhin at hindi makabasag pinggan ay parang nag-transform bilang isang witch. Isang bruha.

"Really? Ano nga ba ang ginagawa ng isang Sofia Alcantara sa lugar na katulad ng Salvacion?"

Natigilan si Sofia. Saglit na naumid ang dila nya. Nag-iisip sya kung ano ang dapat nyang sabihin o gawin.

Ngumisi ito.

"O, napipi ka na dyan. You look like a deer caught in headlights."

She threw her a glance like a dagger. "Why would I bother to explain myself to you? Kung ano man ang rason ko, wala ka na dun." matapang nyang sagot. She was a fighter kaya hindi sya magpapa-apekto dito.

Halatang nainis ito sa sagot nya.

"Sa tingin mo ba maloloko mo kaming lahat sa pagpapanggap mo? Well sorry ka, dahil alam ko na ang totoong katauhan mo."

Humarap sya ng tuluyan sa babae. "Who told you, si Drae ba?" Hindi nya alam kung magagalit sya kay Drae o hahangaan ang katapatan nito sa girlfriend dahil sa pagsasabi nito.

"Wag mo syang idamay! Mahal ko si Drae. Kaya sinasabi ko sayo, itigil mo na ang pagpapanggap mo. Umalis ka na dito."

"At bakit ko gagawin yun?"

"May gusto ka kay Drae, hindi ba? Wag mo nang ipagpilitan ang sarili mo sa kanya, dahil hindi ka nya gusto."

Ibayong pagtitimpi ang pinairal nya upang hindi iderekta ang palad nya sa ulo nito at ingudngod ang mukha nito sa lupa. Nakaramdam sya ng panlulumo sa narinig. Hayun na at nagmula na mismo rito na walang gusto si Drae sa kanya.

"I know what you're trying to imply, I get that. But I'm sorry, I don't believe you." She chose to stick with her pride.

"Hindi ka naniniwala? I understand.  All of us go through that stage denial. Hindi mo matanggap, na nagkakagusto ka sa taong walang gusto sayo."

Alam nyang kailangan na lamang nyang tumahimik, huwag itong pagbigyan na masiyahan sa kaalamang naaapektuhan sya nito, subalit hindi nya mapigil ang sarili.

"Alright, humor me."

"Alam mo, kahit anong gawin mong pagpapansin sa kanya, hindi mo sya mapapa-ibig, dahil may iba syang mahal!"

"Sinong nagsabing hindi ko sya kayang paibigin? I thought you know me, so I presume that you know my capabilities of doing."

Nahalata nyang naikuyom nito ang mga kamay. Naging matalim na ang mga titig nito sa kanya.

"Hindi kayo bagay sa isa't isa."

"Talaga? at sinong bagay? Kayo?"

"Sa estado ng buhay nyo. Oo, hindi kayo pwede. Langit at lupa ang pagitan ninyong dalawa. Kaya wag mo nang subukan. Bumalik ka na lang sa pinanggalingan mo!"

Nagsukatan sila ng tingin.

"Bakit, natatakot ka bang maagaw ko sya sayo? Kinakain ka na ba ng insecurities mo?" She smirked. "Mainggit ka."

"You bitch!" Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nya na ikinahilo nya. Hindi pa ito nakontento, sinubukan sya ulit nitong sampalin. Naka-ilag sya. Sa pag-iwas nya ay aksidente nyang naitulak ito. Nahulog ito deretso sa swimming pool. Napaluhod naman sya dahil sa naramdamang hilo.

Umiikot ang paningin nya. Pakiramdam nya mawawalan sya ng malay anumang sandali. Sa kabila niyon ay nagawa parin nyang makatayo.

"What's got into you? Bakit mo tinulak si Michelle!" bulyaw ni Drae sa kanya. Hindi man lang nya namalayan ang presensya nito. Galit na galit ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Buhat-buhat ng binata ang parang walang malay na babae. Parehong basa ang mga ito. Nakaramdam sya ng matinding selos. Sinagip ni Drae si Michelle. At bakas sa mukha ng binata ang pag-aalala dito. Nagsilapitan rin sa kanila ang ilang mga tao na nasa loob. Kasama na doon sina Mariz. Hindi na nya binigyang pansin ang mga nagkakagulong tao dun. Hinawakan nya ang kanyang dibdib, unti-unti iyong bumibigat at nahihirapan syang huminga. Napansin naman yun ni Mariz kaya inalalayan sya nito.

"Likas na talaga sa buto mo ang mamerwisyo ng ibang tao!" salubong nito sa kanya ng maabutan sila nito. Inaakay sya nina Mariz at Tess papunta sa nakaparadang sasakyan.

Parang dumagundong ang dibdib ni Sofia. Kasabay niyon ay ang mahinang pagpatak ng ulan. Hindi sya makapaniwalang maririnig nya yun mula sa binata. Tinitigan nya ito ng matalim.

"You don't know me...not a bit. Kaya wag mo akong husgahan." She was insulted. Very much.

Hindi nya alam kung paano sya nagkalakas na maglakad. Ang alam nya, kailangan nyang makalayo rito. Tinatawag sya ni Drae habang naglalakad sya palayo. Sinundan sya nito at pareho silang nabasa ng ambon na nang mga sandaling yun ay palakas na.

"Paano mo ipapaliwanag ang nangyari kay Michelle? I saw you. Tinulak mo sya sa pool!"

Gusto nyang ipagtanggol ang sarili. Ipaliwanag dito na hindi nya sinasadya ang nangyari. Gusto nyang sabihin na nagkakamali ito ng paratang sa kanya. Gustong-gusto nya...

Pero hindi nya nagawa sapagkat bago pa man nya maibuka ang bibig...

Nilamon na sya ng kadiliman.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Where stories live. Discover now