Chapter Thirty-Six

5.1K 105 1
                                    

   
"Uy, best!"

Umangat ang tingin ni Sofia mula sa pagkakasubsob sa trabaho nang marinig ang masayang boses na iyon. Nakataas ang kilay nyang sinalubong ang kaibigang may dalang basket.

"What are you doing here?" mataray kuno, na sabi nya.

"Binibisita ka." tugon nito. Inilibot nito ang mga mata sa paligid ng opisina nya at ipinatong ang dalang basket sa round conference table nya.

"Oras ng trabaho ngayon, marami akong ginagawa. Ayokong iniistorbo ako." pasupladang saad nya.

Binalewala nito ang pagtataray nya. "Kaya nga ako nandito para e-entertain ka."

"At kailan ka pa naging entertainer?" Lumapit sya dito. "Bakit ako ang napagkatuwaan mong istorbohin?"

"It's because, sa ating apat ikaw ang pinaka-busy. Kaya naisip kong bored ka na dito at kailangan mo ng time to relax."

"Is that so?"

"Well, my dear friend. May gustong ipatikim din si Mommy sayo, new recipe at specialty nya yan."tinuro nito ang basket. "Nabanggit ko kasi sa kanya na new hobby mo na ang cooking ngayon."

Natuwa sya sa sinabi nito kaya biglang umaliwalas ang mukha nya.

"Really? Pakisabi kay Tita, thank you. Bait nya talaga." umupo say at tiningnan ang loob ng basket. "Wow. Beef caldereta!"

"Mamayang lunch mo na kainin."

Umingos sya. "Ngayon na. Excited na akong tikman.

Kinuha nya ang plato at kubyertos na nasa basket at inilabas ang pagkain. Kumain sya. Ang kaibigan naman nya ay nakontento sa paglilibot ng sa kabuuan ng opisina nya. Mayamaya ay humarap ito sa dingding na gawa sa glass at itinaas ang blinds. Kita doon ang labas ng building. Animo'y teleskopyo ang mga mata nitong hinagod ang buong paligid. Tinitingnan ang mga kalapit na building.

"Da best talaga mga luto ni Tita." komento nya habang ngumunguya.

"Hmm..maganda ang pwesto ng opisina mo, best."

"Oo naman--"

"Ligtas ka sa mga sniper o sharp shooter."

Muntik na syang mabulunan sa sinabi nito.

"Ano ka ba! Ang dami-daming ikokomento mo. Yan pa talaga?!" nanlalaki ang mga matang bulalas nya.

Elisse shrugged. "Ganun talaga, agent eh."

"Ewan ko sayo. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit ka nagkainteres sa trabahong yan."

Lumapit ito sa kanya at inakbayan sya.

"Para may taga-pagligtas sa inyo. Mahal ko kayo eh."

                          ~*~

"Are you excited?" tanong ni Drae kay Sofia. Nasa helipad sila sa itaas ng hotel na pag-aari rin ng mga Montreal. Papunta sila sa Palawan, at gaya ng gusto ni Drae, wala na syang nagawa kundi ang sumama dito.

Hindi sya sumagot. Pakiramdam nya anumang oras ay makakatulog sya dahil sa nararamdamang antok. Panay ang hikab nya at namumungay ang mga mata nya. Inabot siya ng alas tres ng umaga sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya through Skype. Nabalitaan kasi ng mga ito na naka-date nya ang isang Montreal.

"You're gonna love it there." sabi ulit ni Drae nang hindi sya sumagot. Ang tinutukoy nito ay ang pupuntahan nilang hotel-resort ng mga Montreal. Gaganapin mismo sa araw na iyon ang grand opening ng nasabing resort. Isang isla iyon na online lamang ang booking.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Where stories live. Discover now