Chapter Fifteen

5K 118 2
                                    

Sandamakol ang mukha nya ngayon, nasa harapan nya ay isang gabundok na labahan. Naiinis sya kay Drae dahil maaga itong umalis at iniwanan sya ng tambak na gawain. Naiinis syang lalo dito sa pagiging malapit na nito ngayon kay Mariz. Hindi nga nya maunawaan ang sarili dahil sya naman ang gumawa ng paraan para magkalapit ang mga ito. Ang gusto lamang nya ay inisin si Drae para makaganti, at wala syang purpose na gumawa ng paraan para magkagustuhan ang dalawa. Nag backfire ang plano nya. Maging kay Mariz naiirita na rin sya. Siguro dahil mula nang maging close ang dalawa ay wala na syang instant maid. Hindi na ito madalas na naglilinis ng bahay nila. Malimit na lang din sya nitong tulungan. At kapag may dalang pagkain si Mariz ay kadalasang si Drae ang kumakain at si Ben na sa totoo lang ay nakakairita ang pagmumukha. Walang araw yata na hindi dumadalaw sa kanila. Consistent talaga ang kumag. Nakikikain lang naman sa kanila.

Bumalik din  sa alaala nya ang nangyari nung nakaraang araw. Kaya nadagdagan ang inis nya. Sumama sya kay Mariz sa  bukid para dalhan ng pagkain si Drae. Nagpaganda pa sya para mapansin ni Drae ang kagandahang taglay nya na pilit iniignora nito. Habang naglalakad sila sa gilid ng palayan suot ang paborito nyang wedged sandals ay bigla syang natapilok dahilan para matumba sya at malaglag sa putikan. Imbes na tulungan sya ni Drae ay pinagalitan pa sya. Tinawag syang tanga sa pagsusuot ng sandal sa bukid.

Kahit na napahiya ay nag effort pa rin  syang sundan ito.

"Ano bang ginagawa mo dito? Akala ko ba ayaw mong pumupunta ng bukid."

"Wala. Gusto ko lang magpahangin. Parang fresh kasi ang air dito." pa-cute nyang sagot. Hindi alam na puro putik na ang mukha.

"Sigurado ka? "

"Ofcourse!"

"Dito sa piggery? Magpapahangin ka dito sa piggery?"

"Ah-eh, hehehe.. Why not, nice air naman dito, di ba?"

Dahil sa kakasunod nya kay Drae, hindi nya napansin na papunta na pala sila sa babuyan.

Bumalik ang diwa nya sa kasalukuyan.

"Oh, my! My precious hands and pretty nails, masisira na! Sheezzz!" maarteng sabi nya. Naaawang tiningnan nya ang mga kuko.

Mano-mano ang gagawin nyang paglalaba. Hindi uso ang washing machine. Balak talaga marahil ng kumag na pahirapan sya. Kung tutuusin ay pwede naman sila magpalaba sa laundry shop sa bayan.

Mga damit lamang nya ang nilalabhan nya dati, kakaunti lang naman yun kaya hindi sya masyadong nahihirapan. Pero ngayon ay pinapalaba na rin sa kanya ni Drae ang mga damit nito. Mabuti na lang ay hindi nito isinama sa labahan ang mga underware nito. Hindi nya ma-imagine ang sarili na nilalabhan ang mga ito. Kahit siguro ang mahawakan lang ay maaasiwa na sya.

Hindi lamang pagtatanim ang hindi biro at maghapong nakayuko. Grabeng hirap sa paglalaba ang naranasan ni Sofia. Ang pagbobomba pa nga lang ng poso ay nakakangalay na sa kamay. Hindi talaga yun biro. Masakit na ang balakang nya kakaupo at ang kamay nya sa kakakusot sa mga damit ni Drae. Ito kasi ang maraming labahan. Isang buwan yatang hindi naglaba at inipon lang.

Pagod na pagod sya ng matapos. Naisampay na rin nya ang mga damit. Naupo muna sya sa duyan para makagpahinga saglit. Basang basa ang damit na suot nya. Pero hindi nya yun alintana dahil sa sobrang pagod. Gusto muna nyang magpahinga. Magluluto pa kasi sya ng pananghalian nila. Ang kumag at ginawa na talaga syang katulong. Wala naman syang magagawa kundi sumunod dito. Baka pagnagreklamo sya ay isumbat na naman nito na nakikitira lang sya.

Nang makabawi na ng lakas ay nagpasya na syang maligo. Nasanay na rin sya sa mga simple at mumurahing damit na ipinapasuot sa kanya ni Drae. Hindi na big deal sa yun kanya, komportable din naman suotin. Pagkatapos magbihis at mag-ayos ay nagtungo na sya sa kusina para simulan na ang pagluluto.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant