Chapter Seventeen

5K 119 2
                                    

"It's nice to be here in Salvacion, di ba?"

"Ibig sabihin, hindi ka nandidiri sa putikan at saka okay lang sayo na puro puno lang ang nakikita?"  Tanong nito na tila hindi naniniwala sa sinasabi nya. Naghahanda na kasi ang binata papuntang farm at sinabi nya dito na gusto nyang sumama.

"Hay naku, Drae! Hindi kaya ako nandidiri sa putik. Hindi ko lang masyadong gustong umaapak sa putik dahil eww kaya kapag dumikit sa paa. And seriously, I do like trees. As a matter of fact, nag volunteer nga akong maging bahagi sa tree planting sa paligid ng La Mesa Dam."

She thought she heard him groan which made her flinch inwardly. Bakit ba lately kapag si Drae ang kaharap nya, nagkakasalabit-salabit ang takbo ng utak nya. Paano sya makaka-score ng ganda points sa usapang bukid? Gusto nyang patunayan sa sarili at kay Drae na, No one never ever resist her beauty, kahit pa napatunayan na nya na hindi ito epektibo sa binata. She will do her very best na mahulog sa karisma nya ang binata. Hindi naman sya naniniwalang manhid ito para hindi maka appreciate ng totoong ganda.

"Really? Eh, yang suot mo nga hindi bagay sa putikan at bukid."

"Ano na naman ang masama sa suot ko, hindi naman ako naka dress ah?" Tiningnan nya ang kasuotan nya. Naka long sleeve white polo sya, naka itim na fitted maong pants at boots. Mukha nga syang heredera sa suot nya.

"We're not going to have a horse back riding. Magha-harvest tayo ng mga mais, hindi mangangabayo."

"Ah-eh, anong susuotin ko? Ayoko naman magsuot ng damit na pam-bukid, magmumukha akong gusgusin." Aware naman talaga sya dun, kaya lang ay gusto nyang maging presentable at maganda sa mga mata ni Drae.

"Tsk! Huwag ka nang sumama." Napapalatak na sabi nito.

"Bakit? Di ba dati naman gusto mo akong isama? Bakit ngayon hindi na?"

"Sa susunod na lang. Maraming gagawin ngayon. Baka imbes na makatulong ka ay mapabagal pa ang pag-ani dahil lahat ng tao dun baka sayo nalang nakatingin."

"Well, I get used to that, lahat naman talaga napapalingon sa ganda ko." Napapangiting sabi nya.

"It's not that, kung ganyan ang suot mo, mapapalingon talaga ang mga tao sayo dahil magtataka sila bakit may naligaw doon."  Napatanga sya sa  sinabi nito. Hanggang ngayon hindi parin sya makapaniwalang walang epekto dito ang charm nya.

"Good morning!" Tila nagmumula sa labas ang tinig na yun. Nang makalapit ito sa pintuan ay bumungad sa kanila ang nakangiting si Hanz. Fresh-looking ito sa suot na blue shirt. Bagay dito ang V-neckline at faded jeans. Tipikal rich kid talaga ang get up. Simple pero maangas.

"Bro, what brings you here?" Salubong ni Drae sa kaibigan.

"As what I promised to Sofia, ipapasyal ko sya pag balik ko dito." Nakangiting sagot nito.

"Wow. Close na agad kayo?"

"Yup! O, mukhang bihis ka na Sofia. Na-sense mo bang dadalawin kita ngayon?"

"Ha? Ah-eh, saan ba tayo pupunta?" Total nireject sya ni Drae, sasama nalang sya kay Hanz. Hindi pa masasayang ang get up nya.

"Do you think appropriate 'tong suot ko sa pupuntahan natin?"

"Teka, teka.. Sasama ka? Ni hindi mo pa nga kilala ang sasamahan mo." Naalarmang turan ni Drae.

"What's wrong? Kaibigan mo naman ang sasamahan ko. Siguro naman kilala mo ang best friend mo?" Taas kilay na sabi nya.

"Yes, kaya nga hindi ka basta basta pwedeng sumama, dahil wala akong tiwala dito." Tinuro nito ang kaibigan.

"Bro, relax. Harmless ako noh." Natatawang depensa ni Hanz. "Sofia is a friend, so I treat her as a friend. She's safe with me."

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon