Chapter Four

5.1K 118 0
                                    

"Kumusta ang farm boy huh!" bati agad ng kaibigan sabay akbay sa kanya. Naupo agad sya sa katabing stool ng kaibigan.

"Mabuti naman. Ikaw? Mukhang walang pagbabago sayo ah" puna nya sa kaibigan.

Natawa naman ito sa sinabi nya.

"Yeah, you're absolutely right. Pinagkakaguluhan pa din ako ng mga kababaihan" proud pang sabi nito. Napailing na lang sya.

Nasa kabilang bayan sila ngayon. Sa bayan ng Sta. Margarita, medyo malaki ang bayang ito kumpara sa bayan ng Salvacion. Mas marami na ring mga nakatayong establishment dito. Ang plano ni Drae ay bumili lang ng mga fertilizer at insectiside. May mga kinausap rin syang mga taong napagkukunan nya ng kaalaman sa pagbubukid. Nang tumawag naman ang kaibigan niya sa kanya ay nasabi nya ritong nasa Sta. Margarita sya. Kaya nagpumilit itong magkita sila. Pinagbigyan na lang nya dahil ilang linggo na rin silang hindi nagkikita. Nasa isang bar sila ngayon pero wala syang balak uminom.

"Halata nga". Nilingon nya ang mga kababaihan sa likuran nila. Nagbubulungan at tila kinikilig na nakatingin sa direksyon nila.

"Ikaw eh, masyado kang nagpapakaburo sa bukid. Kulang ka sa night life bro." sabi naman nito at tinawag ang waiter na naroon at umorder ng alak.

"Hindi ako iinom Hanz. Marami akong gagawin sa bukid bukas"

"Whoah! ngayon lang ako ulit nag ayang mag inuman bro. Huwag kang KJ dyan." sabi nitong marahan syang siniko.

"Hindi nga talaga pwede. Kung gusto mo dumalaw ka na lang sa bahay next time. Doon tayo mag inuman"

Napatitig si Hanz sa kanya at parang inaarok kung seryoso sya sa kanyang sinabi.

"Sabi mo yan ha. Buti naman at naisipan mo nang mang imbita sa lungga mo. Does it mean, pwede ko nang sabihan ang barkada?" tanong nito na parang di pa makapaniwala.

"Nope. Ikaw lang muna"

"Ok. Kaw bahala" Dumating na ang waiter at inilapag nito ang order na isang bucket ng San Mig Light. Umuusok pa iyon sa lamig. "Ayaw mo talaga?" tanong nitong itinaas pa ang bote. Nang umiling sya ay tinungga na agad nito ang bote.

"Saan ka naman nagtago at ngayon ka lang ulit nagpakita?" tanong nya. Nagkamot naman ng ulo si Hanz bago sumagot.

"Lumuwas ako ng Maynila. Nakakayamot na kasi si Lara. Kaya tinakasan ko muna. Nakakairita na ang pagsunod sunod nya sakin. Masyadong possessive bro. Hindi ko naman niligawan yun eh." problemadong sagot nito.

"Ang tanong, uso ba ang ligaw sayo?"

"Bro. Huwag kang magbiro" natatawa na rin nitong sabi. "At huwag mong sabihin sakin na may nililigawan ka na." dagdag nito.

"Tsk! wala akong panahon dyan. Sa bukid palang ubos na oras ko." sagot nya.

"Kung magsalita ka bro, parang limang pamilya na sinusuportahan mo ah. Umamin ka nga." seryosong sabi nito.

"Gago"

Pagkasabi nun ay marahan nyang binatukan ang kaibigan.

Ilang oras din silang nag usap ng kaibigan hanggang napagpasyahan na rin nyang umuwi na. Hapon na kasi at bibiyahe pa sya pabalik ng Salvacion. Nag offer pa si Hanz na ihahatid sya dahil may dala itong sasakyan, pero tinanggihan na lang nya.

Mag aalas sais na nang makarating sya ng Salvacion. Pagkababa nya sa bus stop ay dumaan muna sya sa isang carenderia malapit sa paradahan ng jeep. Bumili sya ng bulalo at kanin. Balak nyang sa bahay na lang nya iyon kainin dahil pagod na sya sa biyahe. Malayo pa lang sya ay natanaw na nya si Mang Pedring na kumakaway sa kanya. Nakakunot noo syang lumapit dito.

"Drae, galing ka pala sa kabilang bayan. Kaya pala hindi mo nasundo ang pinsan mo" bungad nito sa kanya. Tuluyan nang kumunot ang noo nya sa sinabi nito.

"Sinong pinsan?" takang tanong nya.

"Yung pamangkin din ng Nanay Reming mo, galing ng maynila. Hindi ka ba nasabihan ng tiyahin mo?" tanong din nito sa kanya.

Naalala nga nyang may nabanggit ang tiyahin nya noong isang araw na tumawag ito sa kanya at mayroon itong pinapakiusap na titira muna daw sa kanya ang alaga nito. Wala naman syang natatandaang pumayag sya at hindi nya alam na ngayon ito darating.

"Sigurado po ba kayo Mang Pedring?" paninigurado nya.

"Oo. Ako pa nga ang naghatid sa kanya sa Magapet"

Napailing na lamang sya at hindi na nagsalita.

"Drae, ang ganda naman ng pinsan mo. Hindi mo nabanggit na may mestisa kang pinsan." singit naman ni Marlon na nakangiti, isang jeepney driver ito halos kaedaran lang nya. "Pre, bantayan mong maigi ang pinsan mo at marami nang nagbabalak manligaw doon. Usap usapan na mayroong bagong salta dito satin." dugtong pa nito. Nagsang ayunan naman ang iba pang taong naroon.

Pagkababa nya ng traysikel ay agad syang pumanhik ng bahay. Hindi nya gusto ang ideyang may kasama na syang titira sa bahay na iyon at babae pa. Sana ay nagkakamali lang si Mang Pedring.

Ngunit pagkabukas nya ng pinto ay agad na bumungad sa kanya ang babaeng mahimbing na natutulog sa sofa. May yakap yakap pa itong magazine na nakapatong sa dibdib nito. Napansin nyang malinis at maayos na ang bahay nya. Dumeretso sya ng kusina at inilapag sa lamesang nasa sulok ang mga pinamili nyang pataba. Yung mga naiwan nyang hugasan sa lababo ay malinis na rin at nasa mga lagayan na ito. Nang buksan nya ang kaldero ay may bagong lutong sinaing na. Nakakapagtakang marunong maglinis at magsaing ang isang senyorita. Imposible. Ang pagkakatanda nya sa kwento ng Nanay Reming nya ay hindi marunong sa mga gawaing bahay ang alaga nito.

Sino kaya ang naglinis dito? Tanong nya sa isip.

Pagkatapos nyang ilagay sa mangkok ang biniling bulalo at kanin ay bumalik sya ulit ng sala. Pinagmasdan nyang maigi ang natutulog pa ring dalaga. Napaka amo ng mukha nito. Malayo sa kinikwento ng Nanay Reming nya na maldita ito at sakit sa ulo ng ama.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Where stories live. Discover now