Chapter Forty

5K 90 0
                                    


Tatlong araw na mula nang lumabas si Sofia sa hospital. Dahil sa sobrang higpit ng pagbabantay ng ama sa kanya ay hindi pa rin nya mapuntahan si Drae. Hindi nya alam kung ano na ang kalagayan nito at iyon ang sobrang inaalala nya.

Araw-araw ay hatid-sundo sya ng isang bullet proof na SUV, kasama ang mga bodyguards na nakabuntot sa kanya saan man sya magpunta. Hindi sya komportable lalo pa't nakasubaybay ang Daddy nya sa bawat galaw nya.

Kasalukuyan syang nasa opisina at nakaharap sa kanyang laptop. Maraming trabaho ang nakabinbin na kailangan nyang tapusin. Kung kaya't walang naglalakas loob na istorbohin sya. Dagdag pang hindi maganda ang mood nya dahil sa nararamdamang sama ng loob sa ama.

Nagulat si Sofia sa tunog na galing sa cellphone nya. Sa pag-aakalang isa sa mga kaibigan nya ay sinagot nya agad. Hinihintay nya ang balita ng mga ito tungkol kay Drae.

"Hello." bungad nya.

"Sofia?" anang boses sa kabilang linya.

Hindi nya kilala iyon pero parang pamilyar ang boses sa kanya.

"Who's this?" sagot nya.

"Sofia...it's me Dyvonne."

Hindi sya nakapagsalita agad. Hindi nya alam ang ire-react. Kapatid ito ng taong mahal nya at maaaring isa ito sa mga galit sa kanya.

"H-how are you?" tanging nasambit nya.

"I'm fine... pero si Drae--"

Hindi nito natuloy ang sasabihin dahil nagsalita agad sya.

"I'm sorry...I'm sorry sa nangyari sa kapatid mo."

"Hindi mo kasalanan Sofia. Walang may gusto sa nangyari. Don't worry hindi ako galit sayo."
Lumuwag ang pakiramdam nya sa nalaman.

"Thank you"

"Listen, patago lang ang pagtawag ko sayo kaya makinig kang mabuti. Sofia, nararamdaman ko na ikaw lang ang kailangan ng kapatid ko para magising sya agad. Ikaw lang ang hinihintay nya para makabalik na sya sa atin. Please Sofia, puntahan mo na sya sa hospital."

"Hindi mo na kailangang makiusap Dyvonne. Pupuntahan ko talaga sya. Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon. Alam kong mahigpit ang security sa private room nya at hindi ako basta basta makakalapit."

"Kaya ako tumawag sayo para tulungan ka. Bukas, ako lang mag-isa ang magbabantay sa kanya. Ako nang bahala sa mga bantay sa labas. Inaasahan ko na pupunta ka Sofia."

"Oo Dyvonne. Pupunta ako. Maraming salamat." naluluhang sabi nya.

"Walang anuman. Para sa kapatid ko, gagawin ko lahat." sagot nito.

Sasagot na sana sya nang mapansin ang isang bodyguard na matamang nakamasid sa kanya.

Damn! Hindi nya napansin na nakabukas pala ang blinds ng glass partition ng kanyang opisina kaya nakikita sya ng mga tao sa labas.

Kaswal nyang iniba ang tingin sa ibang direksyon at nagpaalam agad sa kausap.

                         ~*~

Naka-disguise syang lumabas ng kanyang opisina. Kinutyaba nya ang kanyang sekretarya kaya nakatakas sya sa mga bodyguard nyang nasa labas ng opisina nya. Pinainom ang mga ito ng kape na may halong pampasama ng tiyan kung kaya nag-unahan ang mga ito sa comfort room. Kabado sya habang sakay ng elevator. Umuusal ng panalangin na sana hindi sya mabisto. Nasa labas na ang kotse na gagamitin nya. Ang kaibigan nyang si Elisse ang nag-iwan nito doon.

Pagbukas ng elevator ay lumabas sya agad. Inayos nya ang nakatabinging fake eyeglass na suot. Dere-deretso sya sa paglalakad sa maluwag na lobby. May pailan-ilan na mga empleyado na napapatingin sa kanya. Aakalain kasi ng mga ito na isa syang istriktang  guro o di kaya ay si Ms. Minchin sa ayos nya. Balot na balot ang katawan nya sa mahabang palda at long sleeve na blouse.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Where stories live. Discover now