Chapter Eighteen

5K 103 0
                                    


"Napakalawak pala ng manggahan ninyo." puna ni Sofia. Kasalukuyan nilang nililibot ang buong hacienda. Nakasakay sila sa kanya-kanyang kabayo na dahan-dahan nilang pinalalakad. May suot din silang nga sumbrero dahil nasa katirikan na ang sikat ng araw. May nakaalalay lamang na tauhan kay Sofia. Ito ang nag aakay sa kabayong sinasakyan nya. Noong una ay nag aalangan pa syang sumakay. Pero nang pilitin sya ni Dyvonne na sumakay ay hindi na sya nakatanggi. Humanga din sya sa babae dahil magaling itong magpatakbo ng kabayo. Naeengganyo tuloy syang gayahin ito.

"Hanggang saan ba ito?" tanong nya.

"Hanggang doon." ani Dyvonne. Itinuro nito ang lugar na tinutukoy. "Actually, pang export ang mga mangga namin."

"Talaga?" Namilog ang mga mata nya sa paghanga.

"Oo, halika doon naman tayo magpunta." Iginiya na nito ang kabayo patungo sa elevated na lupa. Sumunod sya rito.

Hindi nya inaasahang makakaramdam sya ng sobrang kasiyahan sa pamamasyal nya sa Hacienda. At lalo pa syang natuwa nang imbitahan pa sya ni Dyvonne na pumasyal ulit doon. Syempre gustong-gusto nya.

Hindi parin mawala sa mukha nya ang mga ngiti hanggang ihatid sya ni Hanz pauwi. Eksakto lang sa binigay na oras ni Drae sa kanila. Naabutan nila itong nasa bungad ng hagdan. Halatang naghihintay. Nakahalukipkip ito at magkasalubong ang mga kilaehh

"Bro, ayan ah, buong buo si Sofia. At eksakto pa ang uwi nya." Nakangiting turan ni Hanz Kay Drae. "O, paano Sofia, mauna na ako. See you again soon." baling nito sa kanya.

"Di ka ba muna papasok?" tanong nya. Di nya pinansin ang nakasimangot na binata.

"Hindi na. Baka gabihin pa ako sa daan."

"Sige, mag iingat ka. Salamat Hanz." Hinawakan nya ang kamay ni Hanz para ipaabot dito kung gaano sya nasiyahan sa pamamasyal nila. Bigla naman napatikhim si Drae.

"Bro, can I talk to you before you leave?" Seryoso nitong sabi. Inakay nito si Hanz sa labas ng bakuran. Umakyat naman sya. Mula sa balkonahe, kita nya ang seryosong pag-uusap ng dalawa. Ano kaya pinag-uusapan ng mga ito?

"Sino yun?" Nagulat sya sa walang pasabing boses sa kanyang likuran. Napalingon sya dito at nakita ang pagmumukha ni Ben. Parang mabubura yata ang kasiyahan na kanina lang ay ramdam na ramdam nya.

"Manliligaw mo ba? Aba, meron na pala akong karibal ngayon. Mukhang gwapo din katulad ko ah." Sabi nitong nakatingin kay Hanz, nakahawak pa ito sa baba nito at hinimas himas yun. "Di bale, mas higit naman ang gandang lalaki ko sa kanya, maporma lang sya. Di ba Sofia?"

Bago pa bumagyo sa kahanginan nito ay mabilis nyang tinalikuran ito at dumeretso sa kanyang kwarto. At nag lock ng pinto. Hindi na nya pinansin ang pagtawag nito sa kanya.

Sa sumunod na araw ay hindi nya inaasahan na dadalaw muli si Hanz sa kanila. Nagkataon na wala si Drae sapagkat meron daw itong importanteng aasikasuhin. Pero may ideya syang kasama nito si Michelle at tinutulungan nito ang babae sa nalalapit na coronation night. Sa isipan ay nagngi-ngitngit sya sa selos. Isipin pa lang na magkahawak-kamay ang dalawa at naglalambingan ay gusto na nyang ilabas ang kanyang nahihimlay na kamalditahan. Para malihis ang kanyang atensyon at hindi sya tuluyang kainin ng selos ay sumama syang muli kay Hanz na walang pahintulot mula kay Drae.

"Ready?" nakangiting pahayag ni Hanz. Palagi itong nakangiti na animo'y walang problema sa buhay. Napaka easy-go-lucky nitong tao. At cool na cool lagi ang aura nito.

"Yes! Excited na ako. Sa Hacienda ba ulit tayo?" Sabik syang makita muli ang hacienda at si Dyvonne.

"Nope. May mga ipapakilala ako sayo, ilan lang sa mga barkada kong nandito. Okay lang ba?"

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Where stories live. Discover now