Chapter Thirty-Four

4.9K 100 0
                                    


Alas singko y medya ng madaling araw ay gising na si Sofia. Nalaman nya sa kanyang mga private maids na dumating na ang yaya nya galing sa isang linggong bakasyon nito sa villa nila sa Tagaytay. Balak nyang kausapin ito ng personal kaya hinintay nya talaga itong makauwi.

Alam nyang pag ganoong oras ay nasa kusina ito. Kaya mabilis ang hakbang na tinungo nya ang kusina ng mansion. Nakita nyang nasa counter ito kausap ang ilang mga katulong na naghahanda ng lulutuin para sa almusal. Lalapitan na sana nya ito nang marinig nya ang usapan ng mga katulong na naroon. Kaya nagkubli sya sa likod ng malaking vase at pinakinggan ang usapan ng mga ito.

"Saan ho ba nagtago si Miss Sofia at himalang bumait ngayon?" tanong ng cook nila, nakaharap ito sa nakasalang na kawali at naglalagay ng mantika.

Narinig nya na mahinang tumawa ang yaya nya. "Ano bang napansin nyo sa kanya?" tanong nito habang naghihiwa ng carrots.

"Kasi ho, noong isang araw nagulat kami nang pumasok dito sa kusina at nakita namin na nagluluto na. Di ba dati, hindi nya alam kung nasaan ang kusina ng mansion? Hindi nga sya nagagawi dito noon, eh." saad ng dalagitang katulong nila.

"Hindi ba kayo natutuwa sa pagbabago ng amo natin?" nakangiting tanong ng yaya nya.

"Natutuwa naman ho, kaso hindi namin maiwasan na magtaka. Ang laki kasi ng binait nya. Kahit ano man ho ang rason ng pagbabago nya, masaya kami."

"Tingin nyo, anong rason at bumait sya?"

"Baka may nagpapasaya na kay Miss Sofia. Siguro may boyfriend na sya!" bulalas ng dalagitang katulong.

"Naku, siguro nga! Umiibig na ang senyorita natin!"

Nagtawanan ang mga ito.

"Sana po eh, magtuloy-tuloy na talaga ang magandang ugali nya ngayon. Hindi na ho kami nakakatikim ng sigaw mula sa kanya. At hindi na po sya katulad noon na maya't maya kung mag-utos tapos bubulyawan ka pa kapag namali ka." nakangiting sabi ng isang katulong na nakaupo sa stool na nasa counter at nagbabalat ng patatas.

Napangiti sya sa narinig. Kahit pala naging masama ang pagtrato nya sa mga katulong noon, hindi nagtanim ng galit ang mga ito sa kanya. Bagkus ay ikinatuwa pa ng mga ito ang pagbabago nya at hiniling ang kabutihan para sa kanya.

Tumikhim sya kaya sabay-sabay na naglingunan ang mga ito sa direksyon nya. Nagulat ang mga ito nang makita sya.

"Goodmorning, everyone!" bati nya sa mga kasambahay. Ngumiti sya, showing her perfect set of teeth.

"Sofia, ang aga mong gumising. May kailangan ka ba?" gulat na tanong ng yaya nya.

"Yes, I need to talk to you, yaya." sagot nya.

~*~

"Why didn't you tell me the truth?"

Nakadapa sya sa ibabaw ng kama ng kanyang yaya, at nakatukod ang kaliwang kamay sa kanyang baba.

Pinagmamasdan nya ang kanyang yaya na nagliligpit ng mga damit nito. Sumulyap ito sa kanya.

"Si Drae ang may gusto na huwag kong sabihin ang totoong pagkatao nya."

"Why?"

"Sofia, si Drae lang ang nakakaalam kung anong rason nya."

"Of all people bakit sa kanya mo ako pinagkatiwala? At paano kayo nagkakilala kung hindi mo naman pala sya totoong pamangkin?"

"Dahil sigurado akong magiging ligtas ka kapag sya ang kasama mo."

"Matagal na ba kayong magkakilala kaya ganun nalang ang tiwala mo sa kanya?"

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Where stories live. Discover now