Chapter Thirteen

4.9K 110 1
                                    


"What are you looking at?" tanong kay Sofia ni Drae.

"Wala. M-may naiisip lang ako."

Hindi sya makatingin kay Drae. Kauuwi pa lamang nito galing sa practice ng basketball. Hindi pa ito nagpapalit ng damit. He was a bit sweaty. Ang suot nito ay puting jersey na walang tatak kahit ano maliban sa numero. Pula ang basketball shorts nito.

He looked yummy. Sweaty yet clean-looking.

"Ano na naman ang iniisip mo?" mapaghinalang tanong nito.

Gusto na nyang mapikon. Parating ganun ito. Kaunting kakaibang reaksyon nya ay nakabantay ito. Ang dami nitong ginagawa na kinaiinisan nya, pero heto at hindi naman nya maiwasang maisip na ang gwapo-gwapo talaga nito.

Minsan ay parang gusto nyang kilalanin ito. Kung di lang nya alam na pamangkin ito ng kanyang yaya, ay iisipin nyang hindi ito laki sa hirap at hindi isang simpleng magsasaka. Kung mapera pa sya ngayon ay paiimbestigahan nya ito at aalamin ang background nito.

Oo nga't may pagka tan ang kulay ng balat nito dahil na rin siguro sa pagbibilad sa arawan pag nasa bukid, pero makinis ang balat nito, noong minsan na mahawakan niya ang kamay nito ay hindi yun masyadong magaspang. Hindi katulad ng kamay ni Ben na sobrang magaspang at makapal. Napansin din nyang fluent ito magsalita ng English at may accent pa yun na parang nag aral ito sa Amerika at nanirahan dun ng matagal.

"Bakit parati mong naiisip na may iba akong iniisip?"

"Iba ang pagkakatingin mo sa akin. May pinaplano ka na namang kalokohan."

Mas pinili nyang manahimik na lang at hayaan ito sa gustong isipin nito. Kaysa naman aminin nya na nagagwapuhan na sya rito.

Hinubad nito ang jersey at tumabi sa kanya dahil nakatapat sa kanya ang electric fan. Maging ang electric fan sa sala ay pinag aawayan nila. Maalinsangan na sa lugar, lalo na kapag ganoong tanghali.  Ayaw na ayaw kasi nyang pinagpapawisan sya kung hindi naman sya nag e-exercise.

He smelled wonderful. It was obvious that whatever perfume he was using, it was perfect for his body chemistry. Yung tipo ng pabangong habang pinagpapawisan ang tao ay lalo lamang umaamoy. Napalunok sya.

"Doon ka nga!" itinuro nya ang isa pang upuan.

Mukhang inis na lumipat nga ito.

"Itapat mo sakin ang electric fan."

"Ang init-init eh" reklamo nya.

"Alam mo, para tayong bata. Parati tayong nag-aaway. Ang ugali mo kasi, ang sama."

Lalo syang nanggigil sa sinabi nito. She wondered so many things about Drae, they had been living together in one house for almost a month now. She wondered if he had girlfriend. Naglalaro lang ba ito kay Michelle o totoo yun? Mahirap alamin dahil hindi nga nya ito kilala. She even wondered kung nakapagtapos ito ng pag aaral at kung ano ang trabaho nito bukod sa pagsasaka.

Sa tuwing maiisipan nyang magtanong dito ay nag aalangan sya. Baka mamaya ay magtaka ito sa biglang interes nya. Now he had become really mysterious. Bakit hindi na lang ito nagmodelo? He could be a model. Dahil ubod ng gwapo ito.

Araw na ng liga ngayon.  Nang makarating sa court ay napuna ni Sofia  na pinaghandaan nang maigi ang paliga. Salamat at nakalabas sya ulit at nainitan ng sikat ng araw. Yun nga lang may suot syang baseball cap dahil yun ang gusto ni Drae. Baka daw kasi may makakilala sa kanya.

Maraming tao sa paligid, may dala pang kanya-kanyang banner. Syempre ay hindi pahuhuli si Michelle, may hawak din itong malaking banner para kay Drae. Ganun din si Mariz, maliit nga lang ang banner nito at gawa pa sa kartolina. Nagsimula ang lahat sa parada. Hindi na sya sumama roon. Hinintay na lamang nyang matapos sa court ang parada.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Where stories live. Discover now