Chapter Twelve

4.9K 90 1
                                    

Balak talaga ni Sofia na maagang gumising ng araw na yun. Pakiramdam nya ay mabigat na ang kanyang katawan. Maghapon ba naman nakahilata at walang ginagawa. Dagdag pang may instant maid na sya. Bilang self-conscious sya ay hindi nya maiwasang mangamba na baka nadagdagan na ng ilang calories ang katawan nya. Hindi naman talaga nya isinawalang bahala yung sinabi sa kanya ni Drae nung nakaraan na namumutla na daw sya. Kaya bago pa sumilip ang haring araw ay napagpasyahan nyang mag jogging.

Tiningnan nya ang kanyang ayos. Naka cycling shorts sya, running shoes at spandex shirt. Naka ponytail ang kanyang buhok, may headband at nakasampay ang tuwalya sa balikat.

Nag warm-up muna sya bago nagsimulang tumakbo. Nagpa-ikot ikot lang sya sa buong Magapet, hindi naman kasi kalakihang barangay ito. Napapalingon sa kanya ang mga taong nadadaanan nya at napapahinto ang mga ito sa kanya-kanyang mga ginagawa at pinapanood syang tumatakbo. Manghang-mangha ang karamihan sa mga ito. Parang hindi normal na tanawin para sa kanila na may nag eehersisyo tuwing umaga. Ang mga tao kasi doon ay karaniwang gumigising ng maaga papuntang bukid o di kaya'y maagang pumupunta ng bayan.

Nang mapagod ay nagpasya na syang bumalik ng bahay. Pawisan syang huminto at hinihingal na sumandal sandali sa gate ng bahay.

Hihinga na sana sya nang malalim ngunit naudlot yun nang iangat nya ang tingin at makita si Michelle na papalapit. Alam na nya kung sino ang sadya nito. Anak ng inaamag na tinapay! Ang aga namang umakyat ng ligaw nito. Aminado syang maganda si Michelle. Kaunting pasada lang dito ni Vicky Belo ay posible na itong maging cover girl ng FHM magazine. Pero syempre ay hindi sya patitinag dito. Kung ito ay Beauty Queen sya naman ang Goddess of Beauty. Mas lamang parin ang diyosa noh!.

Ewan nya ba kung bakit umpisa palang nang makilala nya ito ay hindi na maganda ang pakiramdam nya dito. Kahit wala naman itong ginagawang masama sa kanya.

"Nasa loob ba si Drae?" walang kangiti-ngiti nitong tanong. Mukhang hindi pa ito naka-move on sa pagtatapon nya dito ng harina.

Sasagot na sya nang bigla itong ngumiti na deretsong nakatingin sa likuran nya. Napalingon naman sya. At nakita nyang pababa ng hagdan si Drae. Naka T-shirt ito na puti, tennis short at tsinelas na pambahay.

Naunang pumasok si Michelle at agad sinalubong si Drae. Sumunod naman sya dito.

"Nag jogging ka pala, akala ko may dumukot na sayo at dinala ka sa pluto." Sabi ni Drae ng makita sya sa likuran ni Michelle. Hindi man lang nito pinansin ang babaeng nakahawak na sa braso nito.

She rolled her eyes.

"Galing na ako dun, nakatakas lang ako"

"Mabuti naman, nag alala ako sayo" halos paanas na sabi nito. Pero matalas ang tainga nya kaya narinig nya yun. Sa sinabi nito ay parang may kung ano syang naramdaman na hindi nya maipaliwanag. Parang may tuwa syang naramdaman.

"Mitch, napadaan ka? May kailangan ka ba?" Baling nito kay Michelle na abot naman hanggang Jupiter ang ngiti.

"Nabalitaan ko kasi na kasali ka sa liga, gumawa na nga ako ng banners para sayo." Masayang sabi ni Michelle.

Wow. Supportive girlfriend ang peg.

"Salamat, nextweek pa naman ang laro." ani Drae.

"Excited lang ako, syempre moral support, unang beses mo pa lang kasi sumali. Tiyak naman akong mananalo kayo. Ano kaya kung magkaroon tayo ng konting salo-salo pagkatapos?"

"K-kasi ano..."

Parang naghahanap ng sasabihin si Drae. Napapangiti naman si Sofia. Nakapag bitiw na kasi ng salita si Drae kay Mariz na pagkatapos ng laro at kahit hindi manalo ay pupunta sila ng bayan at doon magce-celebrate.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Where stories live. Discover now