Chapter Thirty-Eight

4.7K 77 1
                                    


"Tingnan ko ang tapang mo rito." sabi sa kanya ni Rafael.

Isinalya sya ng lalaking may tattoo papasok sa silid at napangiwi sya sa lakas ng tama ng kanyang balikat sa sahig na syang tumama roon. She felt the pain somewhere in her ribs kung saan din sya tinadyakan kanina.

"Ito ang plano kong kamatayan mo. Hindi kita idadaan sa madalian. Pahihirapan muna kita. Hanggang mawalan ka na ng hininga."

She looked at him with all anger in her heart bago nito tuluyang isara ang pinto sa kanya. Iniwan sya nito sa isang saradong-saradong silid. Walang bintana. Walang paraan para mabuksan ang pinto mula sa loob ng silid.

Masakit na ang kanyang katawan, pagod na pagod sa lahat ng pahirap na naranasan. Hindi pa sya kumakain at ngayon ay wala syang tubig. Alam nyang hindi sya magtatagal kahit hindi pa magkaroon ng infection ang ilang malalalim na sugat na kanyang tinamo. Kailangan nyang makahanap ng daan palabas o mamamatay sya sa silid na ito. Maliban na lang kung may dumating na tulong sa kanya.

She closed her eyes. "Drae, please find me." usal nya na para bang nananalangin.

Sinubukan nyang tumayo upang magsimulang maghanap ng paraan para makalabas ng silid. Kailangan nyang mag-isip ngunit nahihilo sya. Isinandal nya ang ulo sa pader ngunit imbis na makatulong ay tila lalo pang umikot ang paligid. Umupo sya at hinila ang sarili patungo sa sulok. Sumubsob sya sa pagitan ng kanyang mga tuhod.

Noon bumukas ang silid at nakatayo sa pintuan noon ang taong hinihintay nya. Kasunod nito ang kaibigang si Elisse.

"Drae, Elisse." mahinang sambit nya. Pinilit nyang ngumiti. "I know you'll find me."

Humakbang ang mga ito papalapit sa kanya pero sadyang nanlalabo  na ang kanyang mga mata. Humakbang sya palapit kay Drae. Nakita nyang halos patakbo itong lumapit sa kanya. She saw his face, at nakita nya ang takot at pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kanya.

"Hurry up Drae! Kailangan na natin syang ilabas dito." sabi ng kaibigan nya, naka-combat uniform ito.

Naramdaman nyang humigpit ang hawak nito sa kanya.

"Hang on, Sofia. I'll get you out of here. Just hold on to me tight." ani Drae.

Ilang segundo lang ay isang malakas na pagsabog ang kanyang narinig. Kumapit sya ng mahigpit sa binata. Inalalayan sya nitong makatayo. Lumabas sila ng silid na iyon.

Walang tigil ang tunog ng putukan na naririnig nya. Inakyat nila ang hagdan patungong rooftop ng building na iyon. Naroon na ang helicopter na gagamitin nila para makaalis doon. Ngunit bago pa man nila marating ang rooftop ay may narinig silang putok galing sa ibaba. Sila ang pinatatamaan niyon. Lumingon sya at nakita nya si Rafael, na hinahabol sila. Gumanti si Elisse. Pinaputukan din nito ng baril si Rafael pero nakapagkubli kaagad kaya nadaplisan lang ito. Nauna sila ni Drae paakyat at nakasunod sa kanilang likuran si Elisse. Nakatutok ang baril nito pababa at handang kalabitin anumang oras.

Nakatuntong sila ng rooftop. Patakbong tinungo
nila ang helicopter. Dahil sa mga sugat na natamo at panghihina na rin ay bigla syang napabitaw kay Drae. Natumba sila. Pilit syang tinatayo ni Drae. Nang hindi nya makaya ay binuhat sya nito. Ngunit bigla silang natumba ulit nang makarinig sya ng mga putok ng baril. Pinilit nyang makatayo agad. Binalingan nya si Drae na nakahiga pa rin. Nakita nyang duguan ang kanang dibdib nito. Nakaramdam sya ng matinding takot sa kanyang dibdib. Parang tinakasan ng kulay ang kanyang mukha at nanlamig sya. Nanginginig na yumakap sya dito.

Patakbong lumapit sa kanila si Elisse habang nakikipagsabayan sa pagpapaputok ng baril. Bukod kay Rafael ay may limang tauhan itong kasama na humabol din sa kanila. Nagawa ni Elisse na mapatumba ang mga tauhan nito kaya si Rafael na lang ang natira.

"Hindi nyo ako matatakasan!" sigaw ni Rafael na nakatutok na sa kanila ang baril nito. Pero bago pa ito makalapit sa kanila ay inasinta na ito ni Elisse. Natamaan ang kamay nitong may hawak ng baril kaya nabitawan nito iyon.

"Sumuko ka na Rafael! Wala ka ng kawala! Malaki na ang kasalanan mo sa batas! Bistado na ang mga illegal activities mo!" sigaw ni Elisse. Nakatutok pa rin ang baril nito kay Rafael.

Ngumisi lamang ang binata. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit.

"Anong akala mo sa sarili mo? Pulis? Pipitsuging agent ka lang naman! Pakialamera!"

"Tama na Rafael! Wag ka ng lumaban. Sa mga oras na 'to siguradong napapalibutan ka na ng mga pulis!" sigaw nya dito.

"Hindi! Hindi ako susuko! Mamamatay muna kayo!" sigaw nito sabay bunot ng baril na nasa likuran nito.

Ngunit naunahan na ito ni Elisse. Inulan ito ng tama ng baril. Bumagsak ito sa sahig na puno ng dugo ang katawan.

Napapikit si Sofia sa nasaksihang malagim na tagpong iyon. Kahit paano napamahal sa kanya ang pinsan at masakit para sa kanya ang sinapit nito.

"Sofia..." tawag ni Drae sa kanya. Nanghihina ito sa natamong tama ng baril. Pumikit ito.

"Drae! you're stronger than this. Lalabanan mo ito and you will live, okay?" sabi nyang halata ang takot sa boses nya.

Nakita nya ang paggalaw ng mga mata nito. Kahit nahihirapan ay nagmulat ito. "Don't be afraid Sofia... I love you." mahinang sambit nito. Napaiyak sya.

"I love you too Drae. Lakasan mo ang loob mo... please."

"We need to bring him immediately to the nearest hospital." sabi ni Elisse. Tinulungan siya nito sa pagtayo at dalawa silang umalalay sa binata.

Agad silang sumakay ng helicopter.

"Okay na ba kayo dyan?" tanong sa kanya ni Elisse bago ito magsuot ng protective gear para sa pagpipiloto ng helicopter na iyon.

"Okay na." sagot nya. Sumandal sya sa headrest ng upuan. Katabi nya si Drae at yakap nya ito.

Binuhay nito ang engine at nalunod ng tunog ng propeller ang lahat ng iba pang tunog sa paligid. Paliit ng paliit ang abandonadong building na pinanggalingan nila hanggang mawala ito sa kanilang paningin.
Kasabay niyon ay tuluyan na rin syang nawalan ng malay.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Where stories live. Discover now