Chapter Sixteen

4.7K 99 1
                                    


Nagmulat ng mga mata si Sofia nang marinig ang pagtilaok ng manok ng kapitbahay nang umagang yun. Nag-inat sya at dahan-dahang bumangon mula sa higaan. Walang ayos na tinali nya ng pataas ang buhok, hindi man lang nag abalang mag suklay. Nagbihis ng t-shirt at shorts. Excited sya dahil tuturuan syang magluto ngayon ni Aling Lumen. Kagabi ay sinadya pa nyang puntahan ang ginang sa bahay nito at kinulit itong turuan syang magluto. Ang ginang na rin ang inatasan nyang mamalengke, gusto sana nyang sumama subalit madaling araw itong mamimili ng mga sangkap na lulutuin. Naalala nyang humihilik pa sya sa mga oras na yun at hindi talaga nya gusto ang amoy ng palengke, napilitan lamang sya noon na sumama kay Drae.

Pagkalabas ng bahay ay eksakto namang papasok ng gate nila si Aling Lumen. Sinalubong nya kaagad ang ginang na hindi na magkandaugaga sa bitbit nitong malaking basket at plastic bag. Dumeretso sila agad sa kusina at inayos ang mga lulutuin.

Nakatayo sya't nakaharap sa lababo at hinuhugasan ang mga gulay nang marinig nya ang boses ni Drae.

"Aling Lumen! Anong...?" tanong nito na may pagtataka sa mukha nang makita ang ginang.

"Nagpapaturo kasing magluto sakin itong si Sofia." putol ng ginang sa tanong ng binata.

Napalingon sya sa binatang walang damit pang-itaas may sukbit na tuwalya sa kaliwang balikat. Nagmukha syang tanga nang makita ang hitsura nito. Para bang noon lang sya nakakita ng lalaking walang T-shirt gayong hindi yun totoo. Marami na syang nakitang lalaki na hubad-baro sa beach at sa swimming pool.

"Ah ganun po ba. Sige iwan ko na kayo, maliligo lang ako." Mabilis nitong nilisan ang kusina.

Nanghihina sya dahil sa pangalawang pagkakataon ay nakita nyang half-naked si Drae. Akalain ba nyang mas hot ito kapag walang damit? Ano kaya ang pakiramdam ng humilig sa malapad na dibdib na yun at yakapin ng malalaki nitong braso?

"Handa ka na ba?" pukaw ni Aling Lumen.

"Ho?" disoriented na tanong nya.

"Ika ko, kung handa ka na ba sa leksyon natin? Magluluto tayo ng pinakbet. Simple lang ito."

"Okay na po." tugon nya.

"O, pitpitin mo itong bawang." Iniabot nito sa kanya ang isang ulo ng bawang.

Tinitigan nya ang hawak, hindi alam kung ano ang unang gagawin.

Tiningnan sya ng ginang. "Hindi ka pa ba nakakapagluto man lang?" Umiling sya. "Susmaryang bata ito. O, sya ganito. Una hiwalayin mo muna ang mga piraso."

Nakinig sya nang mabuti sa sinasabi ni Aling Lumen, determinado syang matuto. Gusto nyang ipagluto ng masasarap na pagkain si Drae. Nakakahiya na man kung puro instant noodles na lang ang lulutuin at ihahain para sa binata. Hindi nya alam kung bakit, pero nagising na lang sya isang umaga na gustong-gusto nyang ipagluto ito.

Wala pang isang oras ay nakatayo na silang dalawa ng ginang at pinapanood ang kumukulong gulay na niluto sa baboy at bagoong. Paiga na rin ang sinaing na isinalang nya kanina. Nakakagutom ang amoy sa kusina.

"Habang naluluto na ang mga yan, linisin natin yung isda para ipiprito natin."

Oh Lord! Nakita na nya minsan kung paano nililinis ang isda. It wasn't a pretty sight!

Nakalimutan ni Sofia ang issue ng paglilinis ng isda dahil inisip nyang kailangan nya matuto at parte yun ng proseso sa pagluluto. Tunay na nasiyahan naman sya sa karanasan nang umagang yun. Masayang kausap si Aling Lumen kaya hindi naging mahirap ang ginawa nya kahit pa ilang beses na yata syang nahiwa ng matalas na kutsilyo habang naghihiwa ng gulay at babad na babad na ang bigas nya bago pa nalagyan ng tamang sukat ng tubig.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Where stories live. Discover now