Prologue

14.7K 90 20
                                    

(Editing)

PROLOGUE

---

Ako si Cynthia.

Isang ordinaryong babae, isang estudyante at isang anak.

Katulad lang ako ng ilan, isang mukhang makikita mo sa yearbooks.

Hindi ako sikat at hindi ako maganda.

Pero kung gaano naman ako ka-ordinaryo katulad ng iba,

bakit kailangang ako pa ang magkaroon ng Cancer? 

"Sorry misis, pero by the end of this year na lang po..." Sabi ng doktor sa aking ina.

By the end of this year? 4 months na lang ang natitira ah?

"Diyos ka ba!? WALA KANG ALAM!" Sigaw ni mama. 'di pa ba nagsasawa si mama sa kanyang paulit-ulit na litanya? Nakakasawa na eh, palagi niya na lang sinasabing 'Diyos ka ba?' sa doktor na eto.

 "Misis, Hindi ko naman po sinasabing Diyos ako, pero 4 months na lang po talaga ang itatagal ng anak niyo, ito po ang lumabas na results, Sorry to say but-" Ki-nut nanaman siya ni mama sa pagsasalita.

"SHUT UP! KAHIT MAGBAYAD PA AKO! KAHIT MAGKANO!"

Hayss..

"Pero misis, wala na po talag-" Ki-nut nanaman siya.

"SABI NG-"

"TAMA NA MA! 'DI NIYO PO BA NARINIG ANG SINABI NG DOKTOR? MAMAMATAY NA AKO!! MAMAMATAY!!!" Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko, akala ko tanggap ko na, pero hindi pa eh, hinding-hindi ko matatanggap na iiwan ko na ang pamilya ko, na mamamatay na ako.

"A-anak..."

Tinignan ko ang mga mata ng aking ina, awa ang nakikita ko.

Tumayo ako sa pagka-upo at tumakbo palabas ng hospital.

Narinig ko pa ang boses ni mama bago ako umalis. Nanghina ako at napa-upo sa bench sa labas ng Hospital.

"Bakit kailangang ako.." Bulong ko sa kaniya. Sa kaniya? Siguro nagtataka kayo, pero ang binulungan ko ay ang PANGINOON.

Alam kong 'di niya ako masasagot, pero alam kong nakikinig siya. Kinuha ko ang panyo sa aking backpack at napansin ang notebook ko na may design na butterfly. Itong notebook na 'to, ang notebook na kung saan

Binuo ko ang 9 Wishes ko.

"You will always find a reason to smile"

Ang katagang laging sinasabi sa akin ng aking tatay noong nabubuhay pa ito, tama siya dahil kahit gaano ka pa ka-down at ka-lungkot, Mayroon at mayroong dahilan ng pag-ngiti mo.

Napangiti ako. 

4 Months? Not bad. 

'Di pa naman ako nanghihina eh, I still can

MAKE MY WISHES COME TRUE.

---

Kauna-unahang istorya ko po. Sana ay inyo itong tangkilikin. Salamat sa lahat ng mga Readers, Silent Readers, Loud Readers (Mayroon ba nito?)

Muli, MARAMING SALAMAT.

The Nine WishesWhere stories live. Discover now