The Sixth Wish (Part III)

1.4K 33 4
                                    

Dedicated to janelleta

ENJOY READING!

--

CYNTHIA'S P.O.V

"Paki-pirmahan na lang po dito misis" Sabi ng doktor kay mama. Pinirmahan na ni mama. Lahat kami ay namumugto ang mata sa kakaluksa.

Ang pinirmahan ni mama, ay papeles na agreement na itatanggal na yung mga tube na nagko-connect sa katawan ni Amber sa machine.

Nandito kaming lahat ngayon sa room ni Amber, nakahilatay siya.
Lumapit na ang doktor at may ginawang examination kay Amber at nung matapos yun ay tatanggalin na ng doktor.

Tumulo yung luha ko, tumingin ako kay Amber nagulat ako ng makita kong gumalaw yung kamay ni Amber, hindi ako puwedeng mamalik-mata.

g-gumalaw yung kamay ni Amber!

"HUWAGG!!" Pigil ko sa doktor.

"Is there any problem?" Tanong ng doktor.

"Cynthia, what's wrong?" Tanong sakin ni Tita Alyana. Pati si mama ay nagtaka sa inasal ko.

"Huwag niyo pong tatanggalin please lang Doc"

"Take your time"

Lumabas ang doktor, lumabas din si tita Alyana, para makipag-usap sa doktor, pinat ni mama ang likod ko at lumabas na rin, nilapitan ko si Amber. 'Di ko mapigilang mapaiyak. Naalala ko noong una ko siyang makilala, napakasaya ko noon ng mapangiti ko siya, pero ako din pala mapapangiti niya, hindi lang napangiti at napasaya pa.

Amber, diba nangako ka sakin na magpapakatatag ka para kay mama, para kay tita Alyana, at para kay Lily. D-diba mamahalin mo pa si Anthony? D-diba?

"Amber, don't give up. Please, never give up. Kahit hindi mo ako sagutin alam kong nakikinig ka, diba? Amber, huwag mo kaming iwan, mahal na mahal kita, gusto ko pang gampanan ang pagiging ate ko sa'yo, Amber please.." Ngumiti ako ng napakalungkot, naalala ko nung dating narinig ko yung kanta ni Bruno mars na count on me, ang hiniling ko nun na sana may kapatid ako na paglalaanan ng kantang yun, eto na nga siya. Pero mawawala din pala.

"If you ever find yourself stuck in the middle of the sea.." Diba dapat masaya 'tong kantang 'to? Pero ang lungkot-lungkot ng pagkakanta ko kay Amber.

"I'll sail the world, to find you.." Yumuko na ako sa bed sheet, hindi ko akalain na nabigo ako,

Amber, iiwan mo na ba talaga ako? Lumakas yung pagiyak ko.

"A-ang ingay mo naman Cynthia" Nagulat ako at napatingala, lumaki yung namumugto kong mga mata.

Gising sya, b-buhay na buhay sya!

Hindi ako makapaniwala, biglang tumulo yung luha ko pero ngayon dahil na sa tuwa.

"A-amber!" Agad ko syang niyakap narinig ko ang pag-aray niya, nagsorry ako, tapos nagtawanan kami.

Lord... T-thank you! kahit kailan talaga, 'di mo kami pinapabayaan. Thank you po. Thank you.

Tinawag ko kaagad sila mama at tita, pati ang doktor.

"T-this is a miracle!"

Tumatak sa isip ko ang sinabi ng doctor. Sobrang saya ko, hindi ko mapaliwanag parang umaapaw yung tuwa sa puso ko. Nilipat agad ng ibang room si Amber dahil chineck up pa siya ng doctor, may nilipat agad na pasyenteng agaw-buhay sa kwartong yun, dahil nandun ang mga gamit.

"Oo, at alam mo ba na dahil sayo kaya ako nagpa-opera! Kainis ka talaga" Hindi talaga ako nainis sa pagpaopera ko kundi sa pagka-aksidente nya.

The Nine WishesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora