The Ninth Wish

1K 43 5
  • Dedicated to All Readers
                                    

A/N (Dedicated to all the readers!)

Epilogue na next ne'to, wooo! MAKE SOME NOISE!! Haha. Magwawakas na, since 1 more chapter to go na lang ay ip-publish ko ka-agad ang 2nd story ko.

ENJOY READING!

CYNTHIA'S P.O.V

N-nasaan ako? Hindi ko ma-klaro dahil ang labo ng paningin ko at namamanhid ang mga kamay ko, sinubukan kong igalaw ang kamay ko pero hindi ko kaya kasi nakatali sa likod ko. Sinubukan ko ulit klaruhin kung nasaan na ba ako, pinikit ko ang mga mata ko at inalog ang ulo ko.

Naging klaro na ang paningin ko, nasa isang abandunadong lugar ako. Ang alikabok parang isang lumang gusali. Naka-upo lang ako sa sahig habang nakatali ang mga kamay sa likod ko.

"Gising na pala si Sleeping Beauty eh"

Napatingin ako sa nag-salita at halos lumuwa ang mga mata ko. Naalala ko na ang nangyari. Tumakbo ako palabas sa resthouse hanggang sa may nag-takip sa bibig ko.

Gusto ko siyang sampalin, saktan at murahin wala siyang kuwenta, hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ang tatay ni Amber.

"H-HAYOP KAYO! ANO BANG KASALANAN NAMIN SA INYO!? T-TIGILAN NYO NA KAMI! ANO PA BANG KAILANGAN NIYO!?" Sigaw ko. Umagos ang mga luha ko. Halos bumaon ang daliri niya sa mukha ko ng hawakan nya ang panga ko para ipa-tingin sa kanya. Gusto kong lumaban ayaw ko ng ganito, pero sobrang nanghihina na ako.

Ayoko na...

"Hindi pera ang kailangan ko Mendoza, ang kailangan ko ang makitang nahihirapan kayo, ang arte naman kasi ng mama mo alam ko namang gusto niya din ang ginawa ko sa kaniya." Sabi niya. Tapos tumawa siya ng nakakaloko.

Siya nga, siya nga ang gumahasa kay mama. Siya nga ang tatay ni Amber. Um-iyak na ako dahil tito siya ni Andrew. Lumapit na ang mag-asawa sa akin, yung naga-alaga ng resthouse nila Andrew. Yung tita nya at tito.

Ang tita ni Andrew na nagaalaga sa resthouse ay kapatid nitong rapist na 'to.

"Salamat ate ah, matagal ko ng hinintay ang pagkakataon na makapag-higanti sa mga Mendoza, hayop sila, nagdusa ako sa bilangguan ng matagal na panahon" Ngumiti lang yung ate niya, yung tita ni Andrew. Wala silang mga puso, hindi ko akalain na may ganito pa palang mga tao sa mundo. Nabubulag sa galit, nagpapagamit sa demonyo.

"Ano bang kailangan mo? Hindi pa ba sapat na winalanghiya mo ang pagkatao ng mama ko ha? Ni hindi mo man lang naalala kung anong naging bunga ng mga kawalanghiyaan mo" Ani ko. Tumulo ang luha ko. Ano na lang ang mararamdaman ni Amber?

"Ang dami mong satsat!" Halos umikot ang paligid ko ng sikmurahan niya ako, tumalsik din ang dugo mula sa bibig ko.

"Tama na.. Ayoko na... Tapusin mo na 'to... Nahihirapan na ako..." Pagmamaka-awa ko kahit pumipilipit ako sa sakit. Pumikit na ako at tumulo ang mga luha ko. Sawang-sawa na ako.

"Talagang matatapos na ang paghihirap mo bata" Sabi niya.

Napa-iyak ako. Gusto ko ng matapos ang lahat-lahat, ayaw ko na.

Suko na ako..

"P-patayin mo na lang ako.." Nanginginig kong sinabi sa kaniya. Inilabas niya ang cellphone niya mula sa bulsa at nag-dial.

Ini-loud speaker niya at ngumiti sa akin na parang isang demonyo. Umiyak ako ng tahimik.

"Hello?" B-boses ni mama 'yon! Napapikit ako ng madiin at umiyak ng tahimik.

The Nine WishesWhere stories live. Discover now