The Second Wish (Part I)

4.5K 47 6
                                    

A/N

Sana po ma-inspired kayo sa storyang 'to, sana pahalagahan ninyo ang bawat minutong lumilipas. 'Yun lang po! :) ♥

ENJOY READING YA'LL!

-

Binasa ko ang pangalawa sa list ng wishes ko.

2) Collect forgiveness from the person you've hurt the most.

Isa lang ang taong pumasok sa aking isipan ang puwedeng magbigay sa akin ng kapatawaran.

Si Anthony, boyfriend ko, scratch that, ex-boyfriend ko.

Nasaktan ko siya, nakipag-hiwalay ako sa kaniya dahil mahal ko siya, oo mahal ko siya.

Akala ko dati hindi totoo ang mga katagang "kung mahal mo siya papalayain mo siya"

at oo mahal na mahal ko siya at ayaw kong mas masaktan siya kung magiging kami pa, dahil sa sakit ko. Hindi ko 'to sinabi sa kaniya at ang rason ko sa kaniya ay may mahal na akong iba pero God knows na siya lang ang mahal ko, siya lang ang minahal ko, siya nga lang ata ang mamahalin ko, pero gusto kong makahanap siya ng babaeng nandiyan para sa kaniya..

Forever, hindi katulad ko na may taning na ang buhay.

Napahawak ako sa pisngi ko at napansing basa 'to, bakit ba lagi na lang akong umiiyak pag mag-isa ako, kaya gusto kong may kasama kasi 'di ko nailalabas ang tunay kong nararamdaman.

I dialed his number.

Nag-ring ito. Please answer... Then suddenly he answered. Yes! Sinagot niya.

"Hello?" Para akong naging bato sa kinatatayuan ko.

Babae ang sumagot. Diba dapat maging masaya ako?

"Uhm, Hello can I speak to Anthony please?" Sagot ko sa kabilang linya. Parang namumuo ang luha sa mga mata ko. God, Cynthia! You should be happy, happy that finally may babaeng nandiyan para kay Anthony. 

"He's busy, taking shower" She said, 'di ko na napigilan ang luhang pumatak sa mga mata ko. Ang sakit palang isipin na nasa piling ng ibang babae ang taong mahal mo. I bit my lower lip para pigilan ang paghikbi ko.

"I will wait for him to finish, I just really need to speak to him, please?" Pagmamaka-awa ko pa.

"Sino ka ba?" Tanong niya.

"Im his cousin and I really need to speak to him, important matters..." Ako na, ako na ang sinungaling, mamamatay na nga ako sinungaling pa ako.

"Oh, is that so? Wait a minute." May pumatak na luha sa mga mata ko. I forced my self not to make any noise.

Lumipas ang sampung minuto nakahawak parin ako sa cellphone, naka-dikit pa rin ito sa kanang tainga ko. 

"Okay tapos na siya" Dinig kung sabi ng babae sa kabilang linya.

"Who's that?" Dinig kong tanong ni Anthony, mahina ang boses kasi alam kong malayo siya ka-unti sa babae, pero narinig ko pa rin. How I miss him so much.

"Your cousin?" Patanong na sagot ng girlfriend ni Anthony.

"Hello? Cousin? Who's cousin? I don't remember having any appointments to any of my cousins" May pumatak na luha sa mga mata ko. I miss you Anthony... I miss you..

"Anthony..." Bulong ko.

"Cynthia?" Naramdaman kong lumayo siya sa isang lugar dahil sa tunog ng footsteps, rinig na rinig ko ito, siguro lumayo siya sa gf niya para 'di marinig ang conversation namin.

Masaya ako dahil nabosesan niya ako.

"Yes, it's me" Wala akong narinig sa kabilang linya. Maya-maya ay sumagot ito.

The Nine WishesWhere stories live. Discover now