The Third Wish

4K 54 5
                                    

Didecated to diannehanee (She loves this Story daw kasi eh xD)

ENJOY READING!

--

5 days passed at magkaibigan kami ni Anthony, hindi na din ako bumalik sa bahay niya pero may contact kami sa isa't-isa. Masaya ako, sobrang saya. Dahil cool kami at cool sila ng Girlfriend niya.

8 days na pala ang lumipas at dalawang wish na ang natupad ko. Wala na akong sasayanging oras. I will make the Third Wish.

Kinuha ko ang notebook sa drawer dito sa kwarto ko. Katabi ng notebook ay ang Pain Killers ko. Ito lang ang laman ng drawer ko, dalawang bagay na mahalaga sa akin ngayon.

Binasa ko na ang pangatlo.

3) Make someone happy

Maybe I should just make a stranger happy, that's why I decided to go to the children's park. Suot ko lang ay isang fit na white long-sleeves at ripped jeans.

Nang makapunta ako doon ay umupo ako sa swing.

Pinanood ko ang mga batang nagla-laro, mga kasing-edad ko na nagda-date, mga matatandang nagpapahinga kasama ng mga mahal nila sa buhay.

Napangiti ako sa dalawang matanda na nakaupo sa bench, akalain mo 'yun magkasama sila hanggang sa pagtanda nila. 'Di ko namalayan na napaiyak ako.

Sana ako din, sana ako din, ako din na tumanda kasama ng lalaking mahal ko, tama na nga ang drama.

Halos lahat naman 'ata masasaya dito. Wala namang malungkot.

AKO LANG YATA.

Pero hindi ko naman sinulat sa wish ko na ang papasayahin ko lang ay 'yung malulungkot puwede namang pasayahin ko din ang isang taong parang walang problema.

Lumapit ako sa babaeng nag-iisa sa bench, kabilang bench ng bench nila lola.

"Can i sit here?" Ngumiti ako sabay turo sa bakante sa tabi niya.

Tumango lang siya at ngumiti. Umupo na ako. Sinimulan ko na siyang interbyuhin, baka mapasaya ko siya. Hehe.

"Anong pangalan mo?" Humarap ako sa kanya at ngumiti.

Halatang nagulat siya pero sumagot siya.

"Amber" Ang tipid niya namang sumagot.

"So, Amber. Ako nga pala si Cynthia" at in-extend ko ang kamay ko, tumingin siya sa kamay ko at inabot 'eto.

"First time 'tong may taong nag-approach sa akin. I'm the one who's usually the first to approach. I get it, i'm a loner and awkward" Sabay ngiti niya ng malungkot, wow. Tamang tao ang nilapitan ko.

"Why? Wala ka bang kaibigan?" Curios kong tanong.

"Mayroon at alam mo kung anong masaklap? Ginamit lang pala ako" Tumawa siya ng malungkot.

Tumingin ako sa mga batang naglalaro.

"You know what? That ex-friend you are talking about, she is not worth a single tear from your eyes.." Sinabi ko 'to ng nakatingin sa mga bata, alam kong tinignan niya ako, i felt her eyes on me at halatang nagulat siya. "Kung may nawalan, siya 'yun at hindi ikaw, dahil alam mo ba? Malay mo ikaw lang ang tanging taong lumungkot ng mawala siya sa buhay ng isang tao, ma-suwerte siya..." Tumingin ako sa kanya.

"Sobrang suwerte niya..." dagdag ko pa at ngumiti ako sa kaniya.

"W-walang m-may pakialam sa akin... Kaya nagtataka ako b-bakit ka ganyan" at nag-iwas siya ng tingin.

"Because your WORTH it" 'yun lang ang sinabi ko at tumingin ulit siya sa akin.

"M-maraming s-salamat..." Yumuko siya.

"For you, what is life?" Pang-iiba ko ng topic.

"Life? uhmm.. Life is short?" Ngumiti ako sa kawalan. Tinignan namin ang mga batang nagla-laro.

"EXACTLY, life is too short so why waste it crying for your ex-friend dumbness? Live to the fullest. Again, life is too short so, make friends. Malay mo maging masaya ka at mahanap mo ang TUNAY na kaibigan TUNAY na pagmamahal. Hindi yung tutunganga ka na lang at maghihintay ng milagro na mangyayari sa buhay mo" Ngumiti ako.

"S-salamat" at niyakap niya ako, nabigla ako dahil ambilis ng yakap niya, umiyak siya. Napangiti ako.

"S-salamat talaga huhuhu... Cynthia, hulog ka ng langit!" at ngumiti na siya this time HAPPINESS is written in her eyes.

"Walang anuman. Just SMILE, mas maganda ka pag naka-ngiti. Huwag mo ng kalimutang ngumiti, Amber, sige hanggang sa muling pagkikita natin" Ngumiti ako at ngumiti siya.

Another Achievement.

3) Make someone happy. (CHECK)

Pagkatayo ko sa bench, sumakit ang ulo ko. Bakit ngayon pa?

at nagdilim ang paningin ko.

"CYNTHIA!" Ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.

TO BE CONTINUED...

--

Salamat po sa lahat ng mga nagbabasa:*

--BRAVEGODDESS♡

The Nine WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon