The Fifth Wish (Part V)

2.3K 39 10
                                    

Dedicated to Curios23 ♡

- Salamat sa mga Feedbacks mo, Marami po talagang salamat, Dedicated po 'to sayo, dahil feel ko talaga yung message mo sa Inbox ko at MB ko. Thank you, and Godbless!

ENJOY READING!

-

ANTHONY'S P.O.V (First time magka-P.O.V)

"Bro, mag 2-2014 na, 'di ka padin makalimot kay Cynthia!" Bulyaw ng kaibigan ko sa akin.

Ininom ko ang alak. Nandito nga pala ako sa bar na ang may-ari ay isa sa barkada ko. Nagtawanan sila nung tinungga ko na ang alak.

"Malala na 'yan! bakit 'di mo siya hanapin bro?" Napaisip ako sa sinabi ni Kenneth isa sa tropa, ang pinakamatino sa lahat.

"Pinalaya ko na siya, pinatawad ko na... Para saan pa?" Sagot ko sa kaniya.

"Teka pare, diba may Gf ka na? yung Bestfriend mong si Amber ba yun? yung ginawa mong panakip butas! HAHAHAHA!" Sabi ni Ray ang malakas mang-trip sa grupo, nagtawanan sila. Na-guilty tuloy ako. Wala na ang dalawang babaeng mahalaga sa buhay ko dahil sa kagaguhan ko.

"GAGO!" Sigaw ko sa kanya. Tumingin ako sa malayong table at nakakita ng magbabarkadang nage'enjoy, May babaeng mukhang tomboy naka sumbrero siya tapos may lalaki, tinatawanan yung mukhang tomboy, tapos inagaw yung cap ng mukhang tomboy, hinabol siya ng mukhang tomboy, sa huli na-agaw ng mukhang tomboy yung cap mula sa kamay nung lalaki, pero nagtitigan sila. Nakita ko ang mga mata nilang nagkikislapan. Nag-iwas sila ng tingin at bumalik na sa kanilang table.

Napangiti ako at naalala ang kaibigan ko, ang kaibigan kong andiyan lang lagi para sakin,

AMBER...

FLASHBACK

"Ngayon lang kita nakitang u-umiyak... Ma-suwerte siya." Sabi saken ng Bestfriend ko, mula pagkabata. Mag-business partner ang mama ko at ang stepmom niya, kaya kami nagkilala, at naging magkaibigan.

"Ber, ang sakit. Minahal ko naman siya e, bakit niya ako hiniwalayan? Mahal na mahal ko siya"  Sumbong ko sa kanya na parang batang inagawan ng candy. True na may ibang kaibigan pa ako pero siya, siya yung pinaka-close ko. Bestfriend ko. Ang napapagsabihan ko ng problema ko, at napapaglabasan ko ng totoong nararamdaman ko.

"Anton, Mahal na mahal din naman kita e" Bulong niya.

"Anong sinabi mo?" 'di ko kasi narinig. Ibulong ba naman, ah basta!

"Sabi ko makaka-move on kadin, madami pang iba diyan Anton, MOVE ON!"

Hindi ko kaya Amber.

"Hindi ko kaya Ber, mahal na mahal na mahal ko siya" Nakita kong bigla siyang lumungkot, siguro nararamdaman niya ang nararamdaman ko.

"Anton, gawin mo akong Rebound" Pilit sini-sink in ng utak ko ang sinabi niya, bumuka ang bibig ko pero walang lumabas na salita e.

"Anthony, handa akong magpagamit, kalimutan mo lang siya" Seryoso niyang sabi. Tumingin ako sa kaniya ng may gulat na ekspresyon sa mukha.

"Anong pinagsasabi mo! HELL NO! You're my bestfriend, at hindi ko maaatim na gamitin ang kaibigan ko, isang malapit na kaibigan ko, no way!" Sa gulat ko ay nasigawan ko siya. Ano bang iniisip niya?

"Anthony! Listen, ako ang nago-offer sayo, hindi mo 'to hiningi, pero Anthony tandaan mo, para sayo 'to, subukan lang natin, b-baka makalimutan mo s-siya"

The Nine WishesWhere stories live. Discover now