The Fourth Wish (Part III)

3.7K 43 15
                                    

Dedicated to Borjie (Salamat sa pag-add ng Story na 'to sa RL mo po:*)

ENJOY READING!

--

KINABUKASAN, agad akong naligo at nag-ayos pagka-gising ko, dahil ngayon ko balak gawin ang dapat kong gawin, bago ako bumaba at tumungo sa aming sala ay uminom muna ako ng PainKillers ko.

"O, anak, may lakad ka?" Bungad sa akin ni mama, na naka-apron pa dahil naglu-luto sa kusina.

"Ma, Alam mo na 'yun.." Bigla naman siyang napa-ngiti at aaktong iiyak.

"Ma, stop the drama already.." Niyakap ko siya. Kahit na amoy adobo siya, hehe. Mahal ko 'tong mama ko eh.

"O siya, kumain na at luto na ang adobo" Tumango ako at sabay kaming kumain.

Nag-kuwentuhan kami sa ibang bagay bukod kay Amber at tawanan. 

"Nabusog ako doon ah! Ang sarap naman ng luto ni mama..." Sabay ngiti ko.

"Ikaw talagang bata ka, nambola ka pa... Salamat nga pala anak, pero 'di mo naman kailangang mag-hirap pa para magkabati pa kami ni Amber... A-ayos lang sa akin anak..."

'Yan nanaman si Mama eh, ang hilig talagang mag-drama, pero sa loob ng puso ko, naaawa ako sa kaniya, at 'di ako naiinis sa drama niya dahil alam kong 'yun talaga ang nararamdaman niya.

"Ma... I'm going to do this. G-gusto ko pong.." Napalunok ako. ayaw ko 'tong sabihin at baka umiyak pa ako sa harap niya pero sasabihin ko din naman eh, kainis! "Gusto ko pong... kayo ni Amber ang ipinta ko.."

"A-anak, bakit napakabait mo? B-bakit ka ba ganyan?" Napayuko si mama. "I hate it when you're so good to be true, kasi anak, I don't deserve a daughter like you.." Sabi ni mama.

Tumulo ang luha niya. I felt my heart crashing, kahal ko si mama. Kahit ano pang mangyari, masakit pag makita mo ang luhang bumagsak sa mga mata ng sarili mong magulang, it hurts like hell. 

Niyakap ko siya at hinaplos ang likod. "I love you mom..." 'yun na lang ang nasabi ko. I can't find a word to describe what i'm feeling right now, it's beyond the words that we says.

AFTER ng mahabang iyakan, ay umalis na ako. I have a car, but I prepare to take the bus, gusto kong makasalamuha ang mga tao at maramdamang normal pa ako, na wala akong cancer.

Sinabi sa akin ni mama, kung saan naka-tira sila Amber, pero kahit kailan ay pinag-tabuyan lang siya ni Amber at ng ex-bestfriend ni mama.

Maraming tao dito sa bus na sinakyan ko, puno na kaya may mga naka-tayong Passengers.

I saw an old lady standing, carrying big paper bags.

Ini-scan ko ang mga taong naka-upo at naka-tayo, may mga taong tulog dahil sa pagod, may mga taong stress 'yung iba naman depress, may mga lalaki din na kayang tumayo naman pero nanatiling nakaupo parang hindi mga lalaki I decided to stand up, naagaw ko ang atensyon ng lahat pero wala naman akong pake-alam.

"Nay, upo po kayo.." Medyo-malakas kong sinabi para naman matauhan ang mga tao dito sa bus nagulat din ang mga taong naka-upo at umiwas ng tingin na para bang na-guilty? Natulala saglit si nanay.

"S-salamat ining.." at umupo si lola, medyo lumuwag ang pakiramdam ni lola dahil siguro sa nakatayo siya.

I was standing, people around me are looking at me with ang-bait-niya-naman-look.

"Bakit po kayo ganiyan?" Malakas na sabi ko upang marinig ng lahat, lahat naman sila natigilan at biglang nag-tuon ang atensyon sa akin at ang kaninang tulog, gising nadin at nagtataka't nakikinig sa akin kinabahan ako, para kasing noong nasa school pa ako, I was really a good leader, everybody seems to listen. I miss school.

The Nine WishesWhere stories live. Discover now