The Fourth Wish (Part V)

3.4K 50 12
                                    

Dedicated to KpopLoverRhea:** (Halos lahat ng Chapters ni-like niya na, Thank you po!)

ENJOY READING!

--

AMBER'S P.O.V

Nanginginig ako pinagpapawisan ang noo't palad ko, ang lakas ng tibok ng puso ko, nakakabingi yung naririnig ko, para bang anong oras ay sasabog ang puso ko.

Nakaupo padin ako dito sa driver's seat ng kotse ko mahigpit ang hawak sa manibela. Nakatulala lang akong pinagmamasdan ang hospital na nasa harap ko, tinatanong ang sarili kung papasok ba ako, ilang minuto na din ang lumipas ng nagmamadali sila na ipasok si Cynthia sa loob, hindi ko alam ang gagawin, susundan ko ba at bababa ako dito sa kotse ko?

Pero, natatakot ako. 

Binuksan ko ang pinto ng kotse ko sinara ko ulit. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Bababa ba ako at papasok sa Hospital? O mananatili lang ako dito at tutunganga?

Dinikit ko ang ulo ko sa manebela. Umiyak ako habang inuuntog ko ang ulo ko doon, natatakot kasi ako na baka pag pumasok ako makita ko naman si m-ma- Bakit ang hirap sabihin? Dahil kahit kailan 'di ko naman siya tinuring na ina, kasi nga diba wala akong kuwenta? Wala akong kuwenta!

Binuksan ko ulit ang pinto ng kotse at nadikit ko ang paa ko sa sahig, nanginginig ako pero gusto kong makita si Cynthia, uunahin ko pa ba ang takot? Siguro ito na ang oras para magkaharap kami ulit ni m-ma- mama!

Napangiti ako ng mabigkas ko ang salitang iyon, na para bang nagliwanag ang puso ko.

Pumasok ako sa Hospital. Lumapit ako sa counter na may Nurse doon.

"Nurse, saan po y-yung kwarto ng kapapasok lang na pasyente?" Hindi ko makuhang ayusin ang nanginginig kong boses.

"Ahh, maam, kaano-ano po nila?" Ewan ko ba at parang nakuryente ang puso ko.

"Kapatid po niya..." Nagliwanag ulit ang puso ko, katulad ng mabanggit ko ang mama at ang tinutukoy ay ang tunay kong ina, tumango-tango siya at may tinignan sa isang kumpulan na papel.

"Room 20" Sabi niya.

"Maari po bang malaman kung ang lagay niya?" Tanong ko.

"Agaw buhay po ang pasyente."

Hindi ko napigilan ang pag-bagsak ng aking mga luha.

"Okay lang po kayo?" Hindi ko siya pinakinggan naglakad ako, hinanap ko ang Room 20.

Nang malapit na ako sa Room 20, natanaw kong paikot-ikot si m-mama at kinakabahan.

Naglakad pa ako hanggang sa malapit na ako sa kanila ng maramdaman ni m-mama na may tao, humarap siya, parang slow-motion parang 'yung pagkaharap niya, siya lang ang nakikita ko na para bang nasa pelikula at ng nasa harap ko na siya. Gulat ang ekspresyon niya, napalunok ako.

"A-amber, anak?" Tumulo nanaman ang luha ko, after all the pain I brought her, g-ganun padin siya, anak padin ang turing niya sakin.

"S-si Cynthia p-po, kamusta ang lagay niya?" Gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad, pero malaki ang kasalanan ko.

"Anak, 'di ko pa a-alam, 'di pa lumalabas ang doktor, huhu anak, sana ayos lang siya" Naramdaman ko ang sakit na dinaranas ni mama. 

Niyakap ko siya, sanhi ng pagkagulat niya "Ma......." Lalo pa siyang nagulat.

"A-anak, t-totoo ba 'to, p-panaginip lang ba 'to?" 

"Ma.... Totoo 'to, patawarin niyo ako ma!" Nag-iyakan kami.

"S-salamat anak, 'di mo alam kung gaano ako kasaya, pero si Cynthia... Malungkot padin ako dahil sa kalagayan niya..."

"Ako din naman ma eh, nalulungkot din... Pero ma... Wag ka sa akin magpa-salamat, magpa-salamat ka kay Cynthia...." Kumawala ako sa yakap, grabe 'yung luha sa mata ni mama.

"Ma, alam ko na kaya ni Cynthia labanan 'yan. Kakayanin niya, alam ko 'yun."

Umupo kami sa isang sofa "Anak, bakit nga ba biglang napatawad mo ko..." Habang nakatingin siya sa pinto ng kwarto ni Cynthia.

"Alam ko na ang buong kwento ma... Sinabi na sa akin ni M-mommy, Hinding-hindi ko siya mapapatawad ma..." 

"Anak, forgive her..." Nagulat ako, dapat nga sumangayon siya sa akin eh, dahil niloko din siya ng nakakainis na 'yun!

"B-bakit ko naman po siya papatawarin, Dapat nga eh, sumang-ayon pa kayo sa akin"

"Anak, kaya lang niya nagawa iyon, ay dahil... MAHAL KA NIYA" Naguluhan ako at 'di ko maintindihan na parang sasabog na ang puso ko, bakit ba ganyan sila ni Cynthia? Bakit ba lagi na lang nilang naiintindihan ang ibang tao. Hindi ko na maintindihan.

Ngumiti ako ng mapakla "Paano niyo naman nasabi 'yan?"

"Simple lang, dahil nilayo ka niya sa akin..." Mas lalo akong naguluhan.

Tumawa siya pero may lungkot "Alam mo ba anak, mahal ka niya, intindihin mo siya, mahal na mahal ka niya, dahil alam mo anak? kasi gugustuhin niya pang ilayo ka sa akin, wag ka lang mawala sa kanya, mahal na mahal ka niya anak *sob* pinatunayan niya 'yun sayo at sa akin, dahil ginawa niya ang lahat wag ka lang mawala sa kanya, nilayo ka niya sa sariling bestfriend niya, ginawa niya ang lahat, pero anak, ako? may nagawa ba ako? wala. Kasi hindi kita pinaglaban sa magulang ko, natakot ako anak..." Luminaw ang isip ko at lumawak. Lumiwanag din ang puso ko, Cynthia and her was the person who is sent from god, for me, for others, for the one's who's deserving.

Niyakap ko na lang siya ng humagulgol siya. Lumabas ang doktor, ang doktor na nakita kong kasama nilang pumunta dito.

Ngumiti ang doktor at halos maiyak "Ayos na siya, She's resting right now" Nabunutan ako ng tinik sa puso at nakahinga ako ng maluwag. Ngumiti ako at hinayaan kami ng doktor na pumasok.

Hinaplos ni mama ang buhok ni Cynthia, tumingin siya sa akin. Ngumiti siya.

"Hindi ko lubos akalain, na magiging kompleto tayo, pero Amber... 'yung mommy mo, gusto ko patawarin mo siya, gusto ko tayong lahat ay maging masaya" Napangiti ako at may nahulog na isang luha galing sa mata ko at tumango-tango.

"M-ma? A-amber?" Napatingin kami kay Cynthia. Niyakap ko siya.

"W-wow, Puwede ko ng gawin ang masterpiece ko" Kumunot ang noo ko, ngumiti lang si mama at si Cynthia.

TO BE CONTINUED...

The Nine WishesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ