The Fifth Wish (Part III)

2.9K 66 41
                                    

Dedicated sa lahat ng nag-intay ng UD, sorry po :( Sige na po patawarinnnn niyo na ako kung ngayon lang nag-ud, atleast nagud na po diba? :O </3 <3 :D

ENJOY READING!!

--

Cynthia's P.O.V

Wala akong makita pero may nararamdaman ako... Nararamdaman ko ang sunod-sunod na luhang umaagos mula sa mata ko. Sunod-sunod na mga luhang lalong pumipiga sa mahina kong puso, sunod-sunod na luhang 'di ko na maintindihan kung saan nanggagaling, sa sakit na nararamdaman ko? Sa dilim na kinakaharap ko? O sa nararamdaman kong pagsuko? 

Maraming nagsabi sa akin na I'm Brave, kasi 'di ako gumive-up, pero parang s-sumusuko na ako... Ayoko na... Sawa na ako... Sabi sa akin ni Mama, bulag na ako at ginagawa nila lahat ng paraan para bumalik ang paningin ko kasi may pag-asa naman daw bumalik eh, 99% pa nga ang tsansa at alam ko na pag inoperahan ako eh, babalik ang paningin ko, pero alam niyong sabi ko? Ha-ha *Tawang Malungkot/Bitterness/Pain* "Wag na, mamamatay din naman ako..."

Siguro nga totoong I'm loosing my FAITH, alam kung mali, pero sino bang simpleng taong malakas ang Faith pag sobra na ang pinagdadaanan? Siguro nga I'm really giving up, sino ba naman isang katulad ko lang na hindi maggi-give up, syempre g-give up ka kung alam mong sunod-sunod na ang mga nangyayari na hindi mo na makaya pang tanggapin lahat. Siguro nga wala na akong maramamdaman kundi ang sakit at pagsisisi.

Pagsisisi sa sarili ko na hindi ko man lang pinahalagahan ang buhay ko noong wala pa akong sakit, noong malinaw ang paningin ko, noong kaya ko pa, noong malakas pa ako, noong may oras pa, noong wala lang sakin ang lahat, noong walang halaga sa akin ang buhay, nakikisabay nga lang ako sa agos ng buhay eh, at nakalimutan ko ng manatili at gawin ang dapat kung gawin, mga 'di ko ginawa.

Siguro nga Ayoko na, Siguro nga Puno na ang puso ko hindi pagmamahal kundi sakit.

Sana bumalik ang lahat... Edi sana hindi ako nagsisisi... Sana may 'Time Machine' at puwede kung maibalik ang nakaraan, noong masaya pa ako. Noong gigising ako sa umaga na nakabusangot dahil papasok ako ng eskwelahan, makikipagtawan sa kaibigan, makikipag-plastikan, makikipag-away, makikipag-sabayan sa trip ng mga kaklase, mag sa-soundtrip sa sulok at kung anu-ano pa.

Pero ngayon, tinatanong ko sa sarili ko, 'Masisilayan ko pa ba ang magandang mundong gawa ng Diyos?' 'Masisilayan ko pa ba ang mga ngiti ng taong mahal ko sa buhay' 'Masisilayan ko pa ba ang gusto kong ipinta?' 'Makaka-apak pa ba ako sa lupang kasama ko hanggang ngayon?' Himala at ngayon ko lang napansin ang lupang inaapakan ko, wala naman kasi akong paki-alam eh, pero ngayon bakit 'yung mga sobrang kaunting bagay ang laki-laki? 

Nandito padin ako sa Hospital. When suddenly, i heard the door opens.

"Cynthia..." Si mama pala. Boses pa lang eh alam ko na. Ang sakit kasi gusto ko siyang makita, alam kung nasasaktan siya sa kalagayan ko, kaya ngumiti ako kahit 'di ko alam ang mga nangyayari sa paligid ko, kahit hindi ko nakikita si mama, ngumiti ako. Ngumiti ako kahit masakit kahit ayokong ngumiti.

"M-ma" Nakarinig ako ng hikbi na tila bang pilit itinatago ang iyak, at alam ko na si mama 'yun.

"A-anak, you don't have to act like your strong..." Ganun na ba kalala at kahalata? Halata na ba talaga ang pagpapanggap ko, Halata na ba talaga na MAHINA ako?

The Nine WishesWhere stories live. Discover now