The Eight Wish (Part II)

1K 41 5
                                    

ENJOY READING!
--

"Cynthia we're here"

Nagising ako sa mahinang pagtapik sa akin ni Andrew, tumingin ako sa paligid.

Nasa isang resort kami, may dagat at may natatanging bahay na tatlong palapag. Nilanghap ko ang napakasariwang hangin.

"Nasaan tayo?" Tanong ko sa kaniya, habang pinagmamasdan ang napakagandang tanawin.

"Nasa resthouse namin. Ang nangangalaga dito ay ang tito at tita ko pero malayo pa ang bahay nila dito, sabi ko sa kanila ay pupunta ako dito kaya hindi muna sila magbabantay dito" Napatango na lang ako. Bumaba na siya sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. In-offer niya ang kamay niya sa akin, hindi ako nagdalawang isip na tanggapin iyon.

"Tara muna doon sa loob, para makapagpalit ka na at paghahanda muna kita ng makakain" Tinuro niya sa akin ang guestroom at bumaba na siya para paghanda ako ng makakain. Napangiti ako, bakit ba kailangang maging sweet and caring siya?

Wow. Ang ganda naman ng kwartong 'to. Tinignan ko ang mga paintings sa wall, ang gaganda. Sino kaya ang nagpaint nito? Napako ang tingin ko sa isang paint kung saan may isang batang babae na may rosas na nakaipit sa tenga nito. Tinignan ko ang nakaukit sa frame sa baba. 'Shall not forget, the rose of love comes from a friend' Tinignan ko ang nakasulat pa sa baba nun. 'I love you Cynthia Mendoza' Hinawakan ko at pinakiramdaman ang nakaukit sa frame. Pumikit pa ako.

Napatigil ako ng makarinig ako ng katok.

"Cynthia, ayos ka lang? Tapos ka na bang magshower?" Nagaalalang tanong niya.

"H-hindi pa ako tapos! S-sandali lang!" Dumiretso agad ako sa bathroom at naligo na. Pagkatapos ko ay nagbihis na ako ng binigay sa aking damit ni Drew. Binili nya daw sa nadaanan nyang shop habang tulog ako. Isang floral dress siya, simple lang. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, mas pumayat pa ako kumpara sa dati. Ngumiti ako, hindi ko mapigilang mapaluha, hindi ko na makilala ang sarili ko. Paulit-ulit kong tinatak sa utak ko na maganda ako. M-maganda parin ako. Pero it can't help.

Bumaba na lang ako at nakitang ready na ang hinanda ni Andrew. Sinalubong nya ako at agad inescort paupo. Umupo na din siya sa harapan. Tinignan ko ang nakahain, amoy palang masarap na. Puro healthy food lang ang hinanda niya.

"Ikaw ang nagluto?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang napkin sa table. Tumango siya.

"Tikman mo" Ani niya. Tinikman ko naman agad, napangiti ako.

"Ang sarap mo palang magluto" Komplimento ko. Ngumiti lang siya.

"Cynthia, you never change, you're still gorgeous" Nabilaukan ako sa sinabi niya.

Napa-ubo tuloy ako

Agad niya akong inabutan ng tubig, a-ano daw?

"Cynthia, you never change, you're still gorgeous"

"Cynthia, you never change, you're still gorgeous"

"Cynthia, you never change, you're still gorgeous"

Bumilis ang tibok ng puso ko at kumain kami ng tahimik.

"Uhmm.. Cynthia" Basag niya sa katahimikan.

"Hmm?" Bakit parang suddenly naging uneasy siya, kinakabahan at parang hindi mapakali.

"Ano-- Ano kasi, uhmm..." Biglang may ilalabas SANA siya mula sa bulsa niya ng biglang may nag door bell. Binalik niya ang bagay na ilalabas niya sana at tumayo.

"Excuse me, check ko lang" Paalam niya. Tumango lang ako.

"Auntie, uncle, pasok po" Dinig ko ang boses ni Andrew. Auntie? Uncle? Don't tell me. Tumayo agad ako pero huli na ang lahat.

"May kasama ka pala, Andrew. Pakilala mo naman kami ng Auntie mo" Nakatalikod ako sa kanila, pinikit ko yung mga mata ko, huminga ng malalim at humarap ng nakangiti.

Halatang nagulat yung auntie at uncle ni Andrew.

"Si Cynthia Mendoza po, umm. My soon-to-be wife" Nakangiti niyang pagpapa-kilala niya sa akin. Pero his relatives tells a different story kung si Andrew nakangiti, sila naman ang cold ng expression.

"Soon to be WIFE?" Maanghang na saad nung tita niya. Sumakit ang puso ko, I know them. I know they are Andrew's relatives pero bakit kailangan makita ko sila ulit? It's not about Andrew. Walang kinalaman si Andrew dito, galit sakin ang tita niya. Pati ang tito niya. Well, hindi sila galit sakin galit sila sa mga Mendoza.

"May problema po ba doon tita?" Tanong ni Andrew.

"Wala naman iho, so, nag-iba na pala ang tipo mo ng babae." Nagtaka si Andrew, pagtataka ang bumalot sa mukha niya, ang bilis din ng tibok ng puso ko.

"What do you mean tita? I never change. Si Cynthia ang tipo kong babae" Napapailing na sabi ni Andrew sa tiyahin.

"Really?" Tapos nag-smirk sa akin ang tita nya. Yung tito nya ayon nakikinig lang.

"Bakit tita? Inosente naman siya ah? Tapos sweet din siya? at hindi lang sya beautiful, she's gorgeous! Tiyaka kahit wala siya ng mga nabanggit, mamahalin ko pa din siya, kasi like ko lang naman ang mga bagay na yun pero si Cynthia, love ko po" Tumahimik lang ako at nakatingin sa sahig.

"That's what I thought, pero mag-ingat ka Andrew my dear. You don't know how Mendoza plays" Sasagot pa sana si Andrew pero inunahan ko na sya.

"Bakit po, paano po ba maglaro ang isang Mendoza?" Mapanghamon kong tanong sa kanya, hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob.

Pero hindi ko hahayaan na tapak-tapakan nya na lang ang apilyedo ko. Tumaas ang kilay ng tita niya tapos ngumiti ng nakakaloko.

"You don't know dear? Well, ganito yan" Lumapit sa akin ang tita niya. Kinakabahan ako sa maaari niyang sabihin.

*PAK!*

"T-tita!" Tinulak ni Andrew ang tita niya.

"Andrew! Bastos kang bata ka!" Sigaw ng tito niya.

"Umalis na po kayo! Please lang! Bago maginit ang ulo ko!" Nakita ko ang galit sa mukha ni Drew, natakot ako ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Agad namang umalis yung tita at tito niya.

Nang makaalis ang tito at tita niya ay pinalibutan kami ng katahimikan. Akala ko sasabihin niyang 'Ayos ka lang?' o kaya nama'y 'It's okay' Pero nagulat ako ng lagpasan niya ako at umakyat sa kwarto niya. Kasabay ng nakakabinging pagbagsak niya ng pagsara ng pinto ay ang pagtulo ng luha ko.

Tumakbo ako palabas at umupo sa buhangin sa tabing dagat, patuloy ang pagtulo ng luha ko.

Nagulat ako ng biglang may nagtakip ng panyo sa bibig ko nagpumiglas ako pero nawalan ako ng malay.

TO BE CONTINUED...







The Nine WishesKde žijí příběhy. Začni objevovat