The Fourth Wish (Part II)

3.8K 49 8
                                    

Dedicated to Inching15 (Thanks for waiting for my updates!)

A/N:

Sorry po at ngayon lang nakapag-ud, dahil po sa busy po sa school. Grabe talaga! 'di ko nga mahanapan ng time 'tong update ko, at 'di ko naman po kasi alam na may nagbabasa din pala nito, kaya maraming-maraming salamat.

ENJOY READING!

--

Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang litrato ni Amber. Napa-iyak ako ng napa-iyak, pero bakit nga ba ako umiiyak? Hindi ko nga din alam ang rason. Wala namang rason para umiyak ako, pero bakit ako umi-iyak.

Tinignan ko ng maagi ang litrato ni Amber, When suddenly... I heard the door open.

"CYNTHIA!?" 

"M-ma!" Gulat ko. Rumehistro sa mukha ko ang pagka-gulat. Hinablot ni mama ang litrato sa kamay ko at pinasok sa drawer.

"SINONG MAY SABING PAKIALAMAN MO ANG GAMIT NA HINDI NAMAN SAYO!?!?" Galit na galit naman ang rumihistro sa mukha ni mama. Nanatili padin akong naka-istatwa sa kinatatayuan ko.

"S-sorry..."

Namutla si mama.

"A-anak..." Tumakbo ako palabas ng kwarto ni mama, nabangga ko pa ang braso ni mama. Pumunta ako ng kwarto ko at umiyak, niyakap ko ang unan...

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nasigawan ni mama ng ganun, It feels like hell, I felt headache and It feels scary. Nakahiga lang ako sa kama ko at naka-yakap sa mukha ko ang unan. 

May humaplos sa buhok ko.

"Cynthia... I know na nagulat ka sa inasal ko, I'm really am sorry, Please forgive me Cindy..."

Inalis ko ang unan sa mukha ko at umupo na din sa kama. 

"M-mom, sino ba talaga si A-amber, i mean alam ko kung sino siya, pero ano mo siya?" 'di ko na mapigilang mag-tanong

Nag-iwas siya ng tingin. "Anak, I think it's about time for you to know..." Tinignan niya ako sa mata.

"T-tell me..." Handa naman akong makinig eh, kahit ano pa si Amber.

"Amber is your... SISTER" Mama. Bumagsak ang panga ko sa sinabi niya.

Shock is written all over my face

I open my mouth, trying to say something, but no words can come out so I closed it.

Katahimikan ang bumalot sa amin. Hindi ko alam papaano mag-reak. Kung maniniwala ba ako o hindi, kung ngingiti ba ako o sisimangot.

Humugot siya ng malalim ng hinga, alam kong malalaman ko na ngayon ang lahat-lahat. Kaya imbis na magsalita pa ako, makikinig na lang ako.

"When i was 17, I was raped by Amber's biological dad..." Ini-intay niyang may sasabihin ako pero hinawakan ko ang kamay niya, sa panahong 'to hindi sarado ang isipan ko, kaya Thank God. Nagulat si mama sa ginawa ko, she was about to cry pero nag-salita pa siya, knowing na tanggap ko at mata-tanggap ko at maki-kinig ako.

"I was only 17 that time a-anak *sob* I don't know what to do, ita-takwil ako ng mga magulang ko and what's worst is that they are capable of killing me and worser is killing my innocent baby, I was scared that time, na kahit na-rape pa ako, eh boyfriend ko 'yung nang-rape sa akin anak eh, ayaw ko kasing gawin ang gusto niya, mga bata pa kami kaya sapilitan niya akong kinuha *sob* Kaya nagpakalayo-layo ako, I told my parents, magb-bakasyon lang ako dahil nag-break kami ng bf ko, but what they didn't know is that I kept all the problems all by myself. Sinarili ko lahat ng sakit, hindi ako nagpa-kita sa kanila ng isang taon. Aaminin ko a-anak, may balak akong ipalaglag ang batang nasa tiyan ko, pero naisip ko *sob* hindi ko kayang patayin ang isang sanggol na wala namang kinalaman sa nang-yari sa lahat ng mga problema at kamalasang 'yun anak... Nasa Canada ako nun that time, tumuloy ako sa bestfriend kung si Alyana... She's the only one who understands me, alam niyang ni-rape ako ng sariling boyfriend ko, and she even told me she will take care of the baby, pumayag ako dahil ibabalik niya rin sa akin, kung may ipagmamalaki na ako sa magulang ko, 'yung tipong may trabaho na ako at hindi na ako hihingi sa magulang ko. I worked hard, wala akong inatupag kun'di trabaho... 3 jobs aren't even still enough. Dugo't pawis ang inalay ko and then I met your father, mahal na mahal ko siya anak, tanggap niya din ang nakaraan ko and that time, kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa, anak, kaya ko na! NAPAKALAKING achievement nun sa akin anak,

pero... ang sariling bestfriend ko, nilayo si Amber, nilayo siya huhu"

Umiyak ng umiyak si mama, niyakap ko siya, nai-intindihan ko siya, sa panahong ganito dapat hindi makitid ang utak natin, dapat maging open. Nang sa ganun maintindihan ang talagang nangyari, hindi yung manghuhusga kaagad.

"Yung picture ma, kung nilayo siya sayo bakit may picture?" Tanong ko.

"Hindi ko akalain na after so many years, makikita ko si Amber, nakita ko siya at nalamang siya 'yun dahil nakita ko si Alyana, kinuha ko kaagad ang camera ko at pinicturan si Amber, lumapit ako sa kanila... Alam kung namumukhaan ako ni Alyana, pero ang pinagtataka ko bakit okay lang sa kaniyang lapitan ko si Amber... 'Yun pala inahas niya na ang utak ni Amber at puro paninira ang sinabi tungkol sa akin, I cried my heart out when I got home because my own daughter slaps me at pinamukha nya sa akin na wala akong kuwentang ina base sa kuwento ni Alyana sa kaniya. Pag-uwi ko umiyak lang ako ng umiyak, your dad was still alive that time, dinamayan niya ako, Good thing andiyan kayo, ikaw at si papa mo..." 

"Ma, i-i'm sorry..." tanging nasabi ko sa gitna ng yakapan namin.

"It's not your fault anak, never been your fault..." Tumayo siya at pagkabalik niya sa kwarto ko ay ang mga gamit pang paintings ang dala niya.

Ngumiti ako.

My FOURTH wish, alam kung mangyayari ka very soon.

Dahil, Ang ip-paint ko ay si Mama at Amber, Ang masterpiece ko, si mama at si Amber na magkatabi't nakangiti.

Kaya kailangan pagbatiin ko muna sila, bago magawa ang napaka-gandang MASTERPIECE ko. 

Ngumiti ako at may pumatak na butil ng luha.

"Ma, I will make sure that you will never left alone, Hindi ako mawawala knowing na mag-isa ka lang, sisiguraduhin kong may taong matitira sayo... and that's AMBER"

TO BE CONTINUED...

--

Maraming-maraming salamat po sa lahat ng naka-appreciate ng gawa ko. Gusto ko lang sabihin na, sa simpleng Hi at Pagbati niyo sa akin ay NAPAKALAKING bagay na po. Salamat and Godbless!♡



The Nine WishesWhere stories live. Discover now