The Second Wish (Part II)

4.2K 49 8
                                    

Chapter 2 (Part 2)

--

Bumaba na ako at handa ng lumabas nang tumunog ang doorbell.

"Anak, baka si Doc. Melvin na 'yan.." Sabi ni mama. Nakakainis, naabutan pa ako ng doktor. Paniguradong kailangang unahin ko 'yan, hayss bahala na.

"Ano ba 'yan! Wrong timing" Reklamo ko pa kay mama.

"Anak, iche-check ka lang naman niya saglit lang ay tapos na siguro 'yan" Sabi ni mama. Sige na nga. Mabuti na din 'yun at ng malaman ang aking kalagayan.

Kahit tumutol pa ako ay wala na din akong magagawa, siguro 'di din naman agad pupunta si Anthony doon eh. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang isang matandang lalaki, si Dr. Melvin. Siya ang personal doctor na kinuha ni mama sa akin. Sa kabila ng katandaan ay makikita ang ka-gwapuhan niya.

"Dok... Tuloy po kayo" Ngumiti ako.

"Ah, sige iha. Tara sa loob.." Nakangiti niyang tugon.

Pumasok na kami at nag-punta sa living area ng aming bahay at umupo sa sofa.

"So, Cynthia. Anong nangyari kanina?" Tanong ni Doc. 'di agad ako naka-sagot. Kaya si mama ang sumagot para sa akin.

"Doc, inatake siya ng sakit ng ulo" Si mama.

"Bakit naman? 'di ba umi-epekto ang Pain Killers niya?" Tanong ni Doc.

"Yun na nga po doc eh, si Cynthia 'di uminom ng Pain Killers kaya pala sumakit..." Mama. Na-alala ko ang nangyari sa akin. Akala ko talaga, mamamatay na ako.

"Naku, sa susunod ay i-take mo talaga ang pain killers mo, dahil 'yun na lang ang tanging lunas muna sa iyong sakit... Hindi ka katulad ng iba Cynthia na puwede pang operahan sa ibang bansa, o ano pa. Dahil may taning ka n--" 'Di ko na siya pinatuloy at sumabat ako.

"A-alam ko po 'yun, p-pasensya na ho.." Yumuko ako. Na-alala kong nanlabo ang mata ko kanina, kaya nag-tanong ako.

"Dok, bakit po ba nanlabo ang mga mata ko?" Tanong ko.

"Side effects 'yan ng sakit mo iha, since the brain is near to your eyes, they will get affected whenever your brain is having head aches. But since, you did not took your medicines that is why it gets affected, but Cynthia, pag nagpa-tuloy ang pag-sakit ng ulo mo ay 'di mo naagapan ng Pain Killers or any medicines.... That may cause... Loosing your visions.." Pumatak ang luha ko.

Mamamatay na nga lang ako, puwede pang mawala ang paningin ko,

d*mn you life!

Tumayo na ako at umalis. Kailangan ko pang puntahan si Anthony.

--

Naka-punta ako sa Celsa's Cafe, nag-taxi lang ako. Tumingin ako sa kabuuan ng cafe. Glass lang ang wall nito pati ang pinto kaya kita ang nasa loob. Ang daming ala-ala ang pumasok sa aking isipan dito sa cafe. Ang first date... Ang pagkikita namin dito tuwing linggo at iba pa.

Pumasok ako sa loob ng Cafe Restaurant nila, Isa 'tong maliit na Cafe, kaya kaunti lang din ang mga tao. Kaya ini-scan ko lahat ng tao para makita si Anthony pero wala siya. Siguro male-late lang siya. 

Lumabas ako at naghintay sa labas ng Cafe.

Naku, mukhang 'di maganda ang panahon, dumidilim eh, 'di bale, malapit na siguro si Anthony.

I grabbed my cellphone from the pocket of my faded jeans and texted him.

To: Anthony

Anthony, nandito na ako sa Cafe, nasaan ka na?

The Nine WishesWhere stories live. Discover now