The Fifth Wish (Part I)

3.2K 56 15
                                    

A/N:

Matagal-tagal po akong hindi nakapag-ud, Patawarinnnnnn niyo ako!!! </3 Dahil po naging busy MASYADO sa paga-aral, pero ngayon may time na po ako, at mabilis-bilis na ang pagu-ud ko :))

Na-appreciate ko po 'yung pagbabasa ninyo at pag-votes sa mga chapters at mas na-appreciate ko ang mga comment kasi nakakataba ng puso, 'yung ibang mga nababasa ko na medyo mahaba ang messages, grabee! 'di ko lubos akalain na magwa-waste kayo ng oras para magbigay ng comment sa bawat chapters at lalo na sa 'Message Board' ko. Natutuwa ako.

Maraming Salamat sa lahat ng nag-follow sa akin dito sa Wattpad, dahil isa lang ibig sabihin niyan, 'di sila nahihiya na makita ng ibang tao ang 'following' section sa profile nila at makikita ako, ibig sabihin 'Di nila ako kinakahiya!! yay!

Thank you. Thank you. sa 42 Followers ko:************

ENJOY READING!

--

(PAALALA: Tawag ni Cynthia sa bestfriend ng mama niya ay 'Tita' at sa mama niya ay syempre 'Mama' Samantalang si Amber naman ay tawag niya sa Kinilala niyang ina ay 'Mommy' Samantalang sa tunay niyang ina ay 'Mama')

Cynthia

"HAHAHAHAHA! Grabe, nangyari 'yun sa banyo!" Natutuwa na banggit ni Amber.

"Hahaha, oo nga grabe talaga 'yun anak, at alam mo ba? Pati si Cynthia takot na takot ng makita akong takot na takot din, letseng ipis kasi o! HAHAHA!" at muli kaming nagtawanan, tumingin ako kay Tita, tumatawa din siya. Parang ang AWKWARD kasi pagkatapos nung sinabi niya, Nag-act normal lang kaming dalawa, parang walang nangyari at parang wala siyang nalaman na talagang may lungkot dito sa puso ko.

"Pasensya na anak ah, Nadamay ka pa sa takot ko sa ipis" Sabi ni mama. Ngumiti lang ako sa kaniya at napapailing.

"Okay lang naman yun ma, natuwa nga ako eh" Muli kaming nagpatuloy sa pagkain, kumakain kasi kami ng dinner ng muling i-kwento ni mama ang nangyari nung kinabukasan ng pag-paint ko. 

"Grabe, nabusog ako! Ang sarap talaga magluto ni Mama! Ang suwerte mo naman Cynthia, natikman mo araw-araw ang luto ni mama" Ngumiti si Amber pagkatapos niyang sabihin 'yun. Sa iisang bubong kami titirang apat. Ang saya noh?

"Hindi ako ma-suwerte Amber, dahil pag-namatay na ako 'di ko na 'yan matitikman, ikaw ang ma-suwerte dahil matitikman mo pa 'yan mahaba pa kasi ang buhay mo eh.." Natahimik sila sa mahaba kong litanya.

Narinig rin ba ang bitterness ko?

"AH!!" Napahawak ako sa ulo ko, parang may gustong lumabas dito sa utak na 'to. Ang sakit na parang tinutulak ang ano mang mayroon sa loob.

"A-anak, anong nangya-yari!?" 

"M-masakit!" 

"Diyos ko!" Dinig kong sabi ni Tita, nanlabo ang paningin ko. SOBRANG LABO na hindi ko na maintindihan ang pagtataranta ng mga kasama ko sa bahay at ang tangi kong naramdaman ay ang pag-luha ako, mahapdi!

"LUMULUHA SI CYNTHIA NG D-DUGO! MA!" Wala akong maintindihan ang alam ko lang ay taranta silang lahat, si mama may tinatawagan. Nakita ko pa pero sobrang labo na talaga. M-masakit....

l-lahat masakit...

May nakita akong nagbukas ng pinto pero sobrang labo...

-

AMBER

"Hindi ako ma-suwerte Amber, dahil pag-namatay na ako 'di ko na 'yan matitikman, ikaw ang ma-suwerte dahil matitikman mo pa 'yan mahaba pa kasi ang buhay mo eh.." Sabi niya. Natahimik ako.

Sumakit ang dibdib ko ng marinig ko 'yun. May tinatago ba siyang galit?

"AH!!" Nagulat kami sa sigaw niya at nataranta.

"A-anak, a-anong nangyayari!?" Tarantang tanong ni Mama.

"M-masakit!" Natulala ako, hindi ko alam, h-hindi ko alam ang gagawin. Parang naistatwa ako.

"Diyos ko!" Dinig kong sabi ni Mommy, ewan ko pero hindi ako makagalaw at lalong 'di ako makalapit sa kaniya. Pumunta si Mama malapit sa telepono at si Mommy naman kumuha ng kaniyang Pain Killers, pero bumilog ang medyo-singkit kong mga mata ng lumuha si Cynthia ng dugo! Nanginig ang lalamunan ko.

"LUMULUHA SI CYNTHIA NG D-DUGO! MA!" Nataranta kaming lahat at nagsisisigaw na si mama sa Telepono. Si Mommy naman ay hindi alam ang gagawin at kumuha ng towel para sa dugo.

Nang pumasok ang isang Doktor.

"DOK! BILISAN MO! ANG ANAK KO! ANAK KO!" Galit at sinigaw ni Mama, 'di ko makayanan ang eksena. 

"AMBER! Pumunta na lang kayo ng mommy mo doon!" Dali-dali nilang nilabas si Cynthia. Lumabas ang maraming luha galing sa mata ko.

"Anak..." Niyakap ako ni mommy at tinahan.

"M-mommy, pumunta po tayo sa Hospital!" Dali-dali ko ding sinabi.

Tumango lang si mommy, pero halata sa mukha niya ang paga-alala, dali-dali din kaming lumabas at sumakay ng kotse ni mommy.

Habang nagma-maneho ay hindi ako mapakali, napaluha na lang ako ng tahimik sa Passenger Seat at dumungaw sa bintana. Pinagdikit ko ang dalawang palad ko na ngayon ay nasa paanan ko. Umiyak ako at nagdasal ng tahimik habang nagmamaneho si Mommy.

'L-lord, a-alam ko na minsan l-lang ako m-magdasal, ha-ha, Bakit nga ba ganun L-lord no? Magdadasal lang k-kami, pag kailangan ka namin, ha-ha, s-sorry Lord ah? P-pero puwede po bang, i-iligtas niyo ang k-kapatid ko? M-mahal na m-mahal ko po kasi sila eh. Si mama at si Cynthia. Pati si Mommy. A-alam ko pong makasalanan ako, h-hindi naman po kasi ako p-perpekto eh, pero L-lord, Hindi niyo po ba nakikita na nagbago ako ng makilala ko ang dalawang taong binigay niyo para sa akin, S-si Mama at C-Cynthia. L-lord.... sana nakikinig kayo... Sabi ni Cynthia, lagi daw kayong nakikinig... Sana nga p-po... Sana'y walang n-nangyaring masama kay Cynthia...'

"Anak, andito na tayo" Nawala ang malalim na pagiisip ko ng mag-salita si mommy, dali akong bumaba at pumasok kami sa Hospital.

Sinabi sa amin ng Nurse kung saan ang room ni Cynthia. Nakita naming kausap ni mama ang Doktor sa labas ng kwarto ni Cynthia at nakatakip sa bibig si mama habang lumuluha.

Humarap si mama sa amin at nagulat. Pero agad ding bumawi ng isang malakas na iyak.

"M-ma a-ano p-pong sabi ng d-doktor...?" Nanginginig ako, ayokong magsinungaling pero pakiramdam ko may masamang nangyari, lalong sumikip ang dibdib ko. Huminga ako ng malalim bago marinig ang sasabihin ni mama pero bakit ganun pa din at parang sinaksaksak ang puso ko ng paulit-ulit.

"C-Cynthia loses her vision...."

TO BE CONTINUED...

--

PANIBAGONG PROBLEMA?
PAANO NA SI CYNTHIA?
WALA PA NGANG GINAGAWANG STEP SA 5TH WISH, MAY NANGYARI AGAD?
ANO ANG 5TH WISH NI CYNTHIA?

Abangan ang kasagutan sa mga tanong... (Updating Tommorow!)

The Nine WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon