The First Wish

5.1K 78 29
                                    

ENJOY READING!

---

CYNTHIA

"The sun goes down,

the star comes out

and all that counts is here and now,

the universe will never be the same,

I'm glad you came..

so glad you came"

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Tinignan ko ang oras at pinakita nito sa screen ang '11:07am'

"Mala-late na ako!!!" Sigaw ko. Twelve p.m kasi ang pasok ko.

Dali-dali akong pumunta ng cr at naligo, saglit lang ay natapos na ako. Kinuha ko ang aking uniporme sa closet at bumaba na.

Nakita ko si mama sa living room na naka-upo sa sofa. Nakita niya ako at rumehistro sa mukha niya ang pagkagulat.

"A-anak!?!? B-bakit ka naka-uniform. Remember, 'di ka na papasok dahil sa kalagayan m-mo?"

Na-istatwa ako sa kinatatayuan ko at para akong binagsakan ng langit at lupa. Nanlumo ako sa sinabi ni mama.

"A-anak, don't worry, ayaw mo ba nun? 'di ka na m-mahihirapan-" 'di ko na siya pinatapos magsalita at agad akong umakyat sa kwarto ko at nagkulong.

Nang makapasok ako sa kwarto ko, doon ko nilabas ang mga luhang kanina ko pa gustong ibuhos,

ang sakit..

Hindi ng sakit ko kun'di ng pakiramdam ko, ng puso ko!

Bakit ko nga ba nakalimutang may sakit ako?

Ang sakit ko ang maglalayo sa lahat ng bagay na gusto ko.

G-gusto ko pa kasing makita ang mga kaibigan ko sa school,

g-gusto ko pang pagmasdan ang crush ko,

gusto ko pang inisin ang Math Teacher ko,

gusto ko pang --pero 'di ko na magagawa, P-puwede akong mamatay. Kahit anong oras. Ano bang kasalanan ko at bakit nangyayari sa akin 'to?

I still wanna live...

Noon, hindi mahalaga sa akin ang bawat minutong lumilipas pero ngayon? Sana 'di na lang dumating ang mga bukas, kasi alam kung pwede akong mawala ano mang oras.

Humagulgol lang ako hanggang sa mag-sawa mismo ang mga mata ko.

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin, nangangayayat na ako, naging manipis din ang buhok ko at namumugto ang mga mata ko, 'di ko halos makilala ang sarili ko,

Dati rati ay lagi akong nagpapa-ganda pero ngayon wala akong gana kahit galawin ang buhok ko gamit ang suklay.

Kinuha ko ang notebook ko, sisimulan ko ng tuparin ang mga wishes ko.

1) Watch the sunset

Dali-dali akong bumaba at nakita ko si mama na nanonood ng telebisyon.

"Ma!" Tawag ko sa kaniya.

"Anak, pasensya na pala ah.." Malungkot niyang saad.

"Ma.. 'di niyo po kasalanan kung bakit may sakit ako.." Sabi ko.

"A-anak.."

Niyakap ko siya "Ma, I wanna watch the sunset with you..."

Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis at tumango.

Lumabas na kami ng bahay upang sumakay sa kotse namin. Mama drove the car and later I find out nasa beach na pala kami.

What a marvelous sight.

Makikita mo ang mapuputi at malilinis na buhangin, malinaw na kulay asul na karagatan at malamig na simoy ng hangin.

"Tara anak, doon tayo sa tabing dagat..." I nod and followed her. Napakaganda ng view.

Umupo kami sa tabing dagat at pinagmasdan ang orange-red na kalangitan. Pumikit ako at pinakiramdaman ang napakasariwang hangin.

"Alam mo Cindy.." Pagbasag ni mama sa katahimikan. Nagulat ako sa pagtawag ni Mama ng pangalang laging tawag sa akin ni Papa.

Tumingin ako sa kanya at pinagpatuloy niya ang sinabi niya.

"Bilib ako sayo, kasi napaka-lakas mo, nagagawa mo pang ngumiti sa kabila ng iyong sakit, sana ako na lang ang nagka-sakit anak, dahil nahihirapan akong nahihirapan ka.." Sinabi niya iyon ng nakatingin sa araw na unti-unting bumababa. Pero 'di nakaligtas sa paningin ko ang luhang pumatak sa mga mata niya.

"M-ma naman, k-kung magpapakahina ako at umiyak ng dahil sa sakit ko, walang mangyayari ma... K-kahit na may sakit ako, pipilitin ko pa rin maging malakas, para sa'yo.. Pag kinuha na ako ni God, magkikita kami ni papa, anong gusto niyong sabihin ko sa kaniya?" Tumingin siya sa akin, niyakap ako at umiyak siya.

Kung alam niya lang na nagpapanggap lang akong malakas, na kaya ko. Pero ang totoo niyan ay ang hina-hina ko.

Mahina ako. Pero ayaw kong ipakita sa kanila yun. Awang-awa na ako sa sarili ko at ayaw kong pati sila ay maawa sa akin.

"Cindy, p-pakisabi sa papa mo, h-hintayin niya ako. Nakung bata ka.." Tumawa siya ng may lungkot sa mga mata niya.

"Mas bata ka pa sa akin pero mas maaga kang mawawala... A-ayaw kong isipin na mangyayari iyon anak... Kung nagkataon, w-wala na akong makaka-sama sa buhay.."

Pinahid ko ang mga luha niya gamit ang palad ko "Ma, lagi niyo pong tatandaan na nandiyan lang kami ni papa" Sabay turo ko sa ka-langitan "Gagabayan ka namin, tutulungan at hihintayin.." Hindi ko alam kung bakit ko nasasabi ang mga ganitong bagay.

Pinagmasdan namin ang palubog na araw at kasabay ng paglubog nito ay may luhang kumawala sa aking mga mata.

1) Watch the sunset (check)

The Nine WishesМесто, где живут истории. Откройте их для себя