The Fourth Wish (Part I)

3.9K 43 16
                                    

Dedicated to a follower patriciaguevarra♡

ENJOY READING!

--

Pilit kong minulat ang mga mata ko at na-amoy ko ang amoy ng medisina at pagdilat ko sumalubong sakin ang kulay puting paligid.

Nakita ko sa may tabi ang naka-tayong si Amber at pa-ikot-ikot

Noong makita niya akong gising ay agad siyang lumapit sa akin.

"Oh my god! Finally you're awake, akala ko napa-ano ka na... Nandito ka nga pala sa hospital na pagma-may-ari ng tito ko 'di ko kasi alam kung sino ang tatawagan ko eh, Cynthia a-anong nararamdaman mo?" Kita sa kaniya ang pagp-panic.

"Wala, ayos na ako..." Mahinahon kong sagot.

"Cynthia, a-ayon sa doctor m-mayroon ka daw, b-brain cancer? Diba hindi naman t-totoo yun? Ang lakas mo nga eh, pinangiti mo nga ako eh..." Amber. Tumulo ang luha ko.

"Cynthia!" Tawag niya ng makita ang luha ko. Niyakap niya ako.

"A-amber, oo totoo 'yun. I'm sick. 4 months, 4 months na lang ang itatagal ko sa mundo...." Ani ko.

"Kung ganoon Cynthia ako naman ang dadamay sayo, kasama mo ako sa mga problemang haharapin mo" Naiyak na ako. Buong akala ko ako ang nagpa-saya sa kaniya. Pero siya din naman pala ang magpapa-saya sa akin. Mayroon na akong kaibigan. Mayroon na..

"S-salamat Amber...." 

"Magkaibigan na tayo kaya ganun..." Sabay ngiti niya.

Sabi ng doktor sa akin ay puwede na daw akong lumabas. Kaya umuwi na kami ng matiwasay hinatid niya ako sa bahay namin.

-

Nandito na kami sa harap ng pintuan namin.

"Tara pasok ka muna..." Lumaki ang mata niya.

"B-ba@*#*(*@*#*^*$*&@^" What? Hindi ko maintindihan.

Niyugyog ko ang mga balikat niya dahil para siyang naka-kita ng multo.

"Hey, Amber. Anong sinasabi mo?" Tanong ko.

"B-bahay mo 'to? d-dito ka nakatira?" Utal niyang tanong.

"Oo, bakit? May problema ba?" 

"S-sige Cynthia, nauna na ako ikaw na lang" Magsasalita pa sana ako ng dali-dali na siyang umalis. Anong problema non?

Nag door-bell na lang ako sa pinto.

Binuksan 'yun ng isa sa katulong namin.

Binati niya ako at pinapasok.

Pumunta ako sa nakaupo sa sofa namin sa sala, si mama.

"Anak, ang tagal mong nawala ah..." Bungad sa akin ni mama.

"Ma, i'm fine" Sagot ko kahit 'di naman niya tanungin kung ayos lang ba ako.

"Manang! Patimpla po ng Juice!" Sigaw ni mama. Agad namang ginawa 'yun ng aming katulong.

"So, what's new anak?" Tanong ni mama.

"Ma, i met this girl... She's now my friend" Hindi ko sinabi sa kaniya na nawalan ako ng malay at na-hospital. Maga-alala lang siya eh.

"That's nice, nagka-friend ka! Akala ko ba ang title mo ay Invisible Girl" pagbi-biro ni mama.

"But ma, I was with her a while ago. She offers to drive me home. But when we were infront of our home, she refused to come in" Kuwento ko. 'Yun nga 'yung pinagtataka ko eh.

"Baka naman nahiya lang..." Sagot ni mama sabay inom ng juice na tinimpla ng katulong.

"Based on her expression, I don't think so.." Sabi ko. Iba kasi 'yung tingin niya sa bahay namin, para bang takot na takot siya. May kutob ako na baka magka-kilala sila ni mama.

"Ma, her name is Amber.." Sabi ko. Kumunot ang noo ni mama.

"Anak, maraming Amber sa mundo..." At nag-iwas siya ng tingin

"Pero ma, sinong Amber ba ang matatakot pumasok sa bahay natin..." Takang-tanong ko, Piling ko may alam si Mama eh.

"Can we just stop this topic about her!" Sumigaw si mama. Nagulat ako syempre. 

"S-sorry..." Agad siyang tumayo at pumunta ng kwarto niya.

Strange..

Umakyat na lang din ako ng kwarto ko at tinignan ang pang-apat na wish ko.

4) Paint my masterpiece.

'Di ko ba nasabi sa inyo na mahilig akong mag-paint at mag-drawing. Siguro it's time for me to draw my masterpiece, bago man lang sana ako mamatay...

Pumunta ako sa harap ng pintuan ng kwarto ni mama.

Kumatok ako.

In-open 'yun ni mama.

"A-anak..." Mama.

"Ma, it's okay, can you buy me art materials? Gusto ko kayo ang mamili ma, because you're good at choosing the best!" Ngumiti si mama at nag-nod. Nag-ayos pa siya at kinuha ang bag niya.

"Bye Cindy...." Here goes my nickname again.

"Bye mom.." At hinalikan ko siya sa cheeks.

She left. Napatingin naman ako sa pintuan ng kwarto niya.

I've never been here. Noong natulog kaming mag-kasama, sa kwarto ko 'yun... Hindi pa ako nakapunta dito, 'di naman siguro masama kung...

Binuksan ko ang pinto, at nagulat ako dahil bukas 'to.

Syempre may ugali akong usasera.

Kaya tinignan ko lahat ng gamit dito.

Nakita ko ang picture frame namin. Ako, si papa noong nabubuhay pa 'to at si mama, napa-iyak na lang ako. Kinuha ko sa frame ang litrato at laking gulat ko na may picture pa sa likod, s-si AMBER!

TO BE CONTINUED...

--

A/N

SALAMAT PO NG MARAMI! GOD BLESS! :) <3 (-/\-)

--BraveGoddess♡

The Nine WishesWhere stories live. Discover now