The Second Wish (Part III)

4.1K 37 8
                                    

A/N

Ngayon lang naka-update, Salamat sa paghihintay:**

ENJOY READING!!!

--

Chapter 2-3

"Ano? Tutunganga ka na lang ba diyan?" Inis na reklamo niya. Nagulat kasi ako eh.

"S-sorry.." Tumayo ako sa pagkakaupo pero naka-yuko lang ang ulo ko, nahihiya kasi ako sa itsura ko.

"Sakay na sabi eh, don't make me wait for you, whore." Nasaktan ako sa sinabi niya, pero sinunod ko na lang siya at sumakay na ako.

Basang-basa ako kaya medyo tumutulo narin ang basa dito sa passenger seat. Pero parang ayos lang naman sa kaniya.

"Anthony sana mapatawad mo na ako." Basag ko sa katahimikan. Hindi siya sumagot, seryoso lang siyang nag-maneho at ang mga mata'y diretso sa kalsada.

Tumigil ang ulan and the next thing I knew is nasa harap na kami ng isang malaking bahay, bahay niya.

Bumaba siya, 'after all the thing's that happen he's still gonna open the doorcar for me?' PERO NAG-ASSUME LANG PALA AKO. Kasi dumiretso siya sa loob at paglabas niya may dala na siyang isang maliit na drum at isang sponge.

"Baliw ka na ba!? Baba na!" Doon ako natauhan, bumaba ako at inabot niya sa akin ang gamit.

"There's the faucet, doon ka kumuha ng tubig" Sabay turo sa isang gripo. Napa-simangot ako.

"Ayaw ko kasing may bahid ng kung anong dumi ang kotse, clean the car okay? Just reminding" He said and with that, he entered his house. Ayaw ko sanang gawin but if it is for his forgiveness then fine. I will earn it.

Naku, paano ba 'to?

Nag-igib ako ng tubig doon sa gripo at binuhat na ito ng mapuno.

Appleorangemango sobrang bigat! Para na nga yata akong skeleton na nagbubuhat ng isang higante.

Binaba ko muna saglit ang drum kasi medyo malayo-layo din ang kotse para makalapit ako doon, Actually 'di 'eto malayo, malapit lang naman ng kaunti, pero sa sitwasyon ko? feeling ko sobrang layo nito.

May nagbuhat ng drum at dinala 'to malapit sa kotse, akala ko si Anthony, nagkamali ako. Nagulat ako ng makita ang isang lalaki sa harap ko para siyang lumabas galing sa isang magazine pero iba pa rin talaga si Anthony teka bakit napasok si Anthony sa usapan?

"Thank you" Pagpapa-salamat ko.

"It's fine, magaan lang naman eh" Sabay ngiti niya, nasilayan ko ang dimple niya sa kanang pisngi niya nang ngumiti siya.

I'm expecting him to leave, pero tumayo lang siya doon at pinapanood ang mangyayari sa akin.

"Cleaning your car?" Cool na tanong niya sa akin. Ano naman ang sasabihin ko? Na sa ex ko 'to at pinapalinis sa akin para mapatawad ako?
 

I shook my head, sign that I was saying 'no' hindi na siya nag-tanong pa, salamat naman. Pero nagulat ako sa susunod na ginawa ng lalaki.

NIYAKAP NIYA AKO

Like who the hell on earth would do that to someone you don't even know!?

"T-teka.." Tinutulak ko siya, but hell i'm weak!

Hanggang sa naramdaman kong kumawala siya at nasa sahig na siya, sapo ang gilid ng labi niya. Na-shock ako. Lumingon ako kung sino ang gumawa nun at nakita ko si Anthony, nanlilisik ang mga mata niya, nagliliyab ang aura niya. N-natatakot ako, galit na galit siya.

Hinawakan niya ang braso ko, sobrang higpit.

"N-nasasaktan ako, A-anthony.." Ako. Ngunit tila wala siyang narinig, 'di ko na mapigilan ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko.

Ang sakit, sobrang sakit.

--

TO BE CONTINUED... ♡

The Nine WishesWhere stories live. Discover now