The Second Wish (Part IV)

4K 45 12
                                    

NOTE!

Pasensya na po kung natagalan ang pag-update, may problema kasi ang internet namin! So, ngayong ayos na 'to, I can update na! Salamat sa mga nagbabasasa.

Spg: Lengwahe

ENJOY READING!

--

Sinampal niya ako. 

"MALANDI KA!" Sigaw niya. Nabingi ako sa sobrang lakas ng pagkaka-sampal niya pero mas malakas yung impact ng sinigaw niya. Nakakatawa dahil mas masakit sa sampal niya ang sinabi niya.

Sobrang sakit, na namamanhid na ako. Humarap siya sa akin, tyaka ako nagsalita.

"AKO!? AKO, MALANDI!? TANGNA NAMAN ANTHONY! Seryoso? Oo nga eh! Sobrang landi ko na ikaw lang ang kaisa-isang naging boyfriend ko sa tanang buhay ko! Oo nga sobrang landi ko nga na wala naman akong ginagawang masama at napagbibintangan! Letse ka Anthony! Lahat ng pagi-intindi ginawa ko na! Kasi ano? MAHAL KITA! Pero ang sakit sakit na, Anthony.. Sobrang sakit na..." Napaupo ako sa sahig. Hindi ko na kaya. Sinabi ko na lahat. Kahit ang dapat hindi sabihin.

"Mahal mo ako? Kung totoong mahal mo ako hindi mo ako iiwan, hindi mo ako sasaktan.."

Umalis siya sa sala at pumunta sa kung saan. Ang sikip ng dibdib ko. Pinipiga ang puso ko.

Naiwan ko din pala sa bench yung cellphone ko, siguradong naga-alala na si mama.

Napahiga ako sa sahig at napapikit.

Naramdaman kong lumulutang ako, naramdaman ko ang malambot na higaan sa aking likuran.

Hinaplos niya gamit ang likod ng kamay niya ang gilid ng mukha ko.

"I'm sorry... My Chyntia..." Bulong niya. Sumikip lalo ang dibdib ko, gusto kung sigawan siya na na-miss ko siya, ang pagtawag niya ng ganyan sa akin, ang dating siya... Pero siguro pag nalaman niyang gising ako, iba nanaman ang pakikitungo niya, kaya mas mabuti pang ganito na lang.

"Nag-selos lang naman ako at 'di ko naisip na nasasaktan na pala kita..." Tumulo ang luha ko, pero nanatili akong tahimik.

"I miss you" Halos pabulong na sabi niya, tumagos sa puso ko ang sinabi niya. M-miss na din kita Anthony.

Hinalikan niya ako sa noo at kinumutan ako, narinig ko ang pag-sara ng pinto at kasabay ng pag-sara ng pinto ay ang pag-mulat ng mata ko.

Umagos ng umagos ang luha ko.

"You will always find a reason to smile"  Papa, salamat sa mga katagang 'yun, tama ka po. kasi kahit pala nangyari ang sakitan sa pagitan namin ni Anthony, narinig ko pa rin na mayroon pa siyang natitirang malasakit sa akin. I smile, yes I did. I SMILE THROUGH ALL THE PAIN.

--

Bumaba ako ng hagdan at nakitang may usok galing sa kusina.

"A-anthony!" Nagaalala kong sigaw.

Nakita ko ang frying pan na umusok. Dali-dali kung in-off ang apoy.

Tinignan ko si Anthony na naka-suot ng afron. Bakit ang cute niya? And at the same time ang hot niya, puwede pala yun. Namula siya.

"Ano bang nangyari Anthony?" Tanong ko, inaasahan ko na sasagutin niya ako with his famous cold tone pero nagkamali ako.

"Sinubukan ko kasing magluto, ano, para sana sa'yo. Hindi kasi ako marunong.." Sabi niya at nag-iwas siya ng tingin sabay kamot ng ulo.

"Sana 'di ka na lang nagluto kung 'di ka naman marunong, di naman ako nagugutom at uuwi na din ako, nag-aalala na si mama..." Nagulat siya sa sinabi ko.

"Aalis ka na?" Bakit ganyan siya? Hindi naman sa ayaw ko, gustong-gusto ko pero hindi ko lang akalain na maayos ang pakikitungo niya sa akin.

"Babalik din ako, Anthony. Magpapaalam ako kay mama, diba nga hindi ako aalis hangga't 'di ko naririnig ang matamis mong forgiveness?" Sabay ngiti ko.

"I already forgave you Cynthia..."

Niyakap ko siya, mahigpit. Sana habang-buhay ko na lang siyang yakap, but everything has it's ending, there's no such thing as permanent in this world.

"Sana Cynthia, kahit kaibigan lang, mayroon tayo, g-gusto ko ako naman ang patawarin mo sa nagawa ko sayo, gusto ko rin marinig ang matamis mong pagpapatawad" Tinignan niya ako sa mata, masaya ako dahil kahit ngayon magiging kaibigan na lang kami okay lang basta, cool kami. Tumulo ang isang butil ng luha mula sa mata ko, sobrang saya ko.

"Napatawad na kita Anthony at napatawad mo na din ako, tao lang naman tayo, ang Diyos nga nagpapatawad tayo pa kaya.. Friends?" Ngumiti siya, ngumiti ako and for the last time we hugged.

"Friends" bulong niya habang magka-yakap kami.

2) Collect forgiveness from the people you've hurt the most. (CHECK)

Umuwi ako ng matiwasay dahil sa pinahatid ako ni Anthony.

Malapit na ako sa bahay namin nang nakita ko si mama sa gate namin na kausap ang mga police at umiiyak siya.

"Ma!" Sigaw ko sa kaniya at ng tumingin siya sa direksyon ko ay naging maliwanag ang mukha niya tumakbo sya papunta sa akin at tinalon ako ng yakap.

"Oh my god, Oh my god... A-akala ko anak, anak" Mabilis niyang sabi, humagulgol siya.

"Ma, it's okay" hinaplos ko ang likod niya.

Pumasok na kami sa loob at binayaran ni mama ang mga pulis para naman sa abala ni mama at syempre kumain kami ni mama at tabi kami natulog.

"I love you Cynthia, baby. Ayaw kong mawala ka... I love you." Naiyak ako sa sinabi ni mama, I want to be brave, even though just infront of them.

"I love you too mom, thank you for everything..." Niyakap ako ni mama at natulog kami.

--

TO BE CONTINUED...

The Nine WishesWhere stories live. Discover now