The Fifth Wish (Part IV)

2.3K 49 16
                                    

Dedicated to XxoOAMBEROoxX

GUYS SANA BASAHIN NIYO!

Una sa lahat MARAMING SALAMAT sa suporta at sa feedbacks niyo. SORRY, dahil ngayon lang ako magu-ud i have deeper reasons, than you think. Una sa lahat ang lola ko po ay na-hospital, may diabetes po siya, i need prayers para sa kanya po. Salamat at sana wag niyo kung iwan, sabay-sabay nating tapusin ang librong ito. Salamat sa tunay na mambabasa ko, hindi kayo nagmadali sa pagu-ud ko. at sana nauunawaan niyo yun. Many problems comes lalo na nung November-December po, Pero 'di ko na yun iisa-isahin. Kaya po kung tatanungin niyo ko kung kamusta ang pasko ko ang sasagot ko "I didn't feel Christmas at all" Totoo po, hindi ko siya naramdaman dahil nga po sa mga nangyari sa PILIPINAS at nangyari sa BUHAY ko. Eto ako ngayon magu-ud para masiyahan at wag ng tagalan ang pagiintay ng mga tunay na Readers ko. Salamat dahil andyan kayo, kayo ang INSPIRASYON ko♡ at ngayon Araw-araw na akong magu-ud.

ENJOY READING!

--

CYNTHIA'S P.O.V

Ang daming nangyari this past few weeks, Nabigay na sa akin ni mama ang Notebook ko, pero hindi ko muna yun pinakealaman nilagay ko lang din siya dito sa drawer ng kwarto ko sa Hospital, Si Amber, may pinakilala siya sa amin isang bata nagulat pa nga sila mama e. Kahit hindi ko makita ang itsura ng bata ramdam ko naman, na parang dapat talagang ampunin yun ni Amber, Nakakatuwa kasi kahit hindi ko sila nakikita, nararamdaman at naririnig ko sila. 

"Anak..." Nandito nga pala si mama sa kwarto ko dito sa Hospital. Dalawang linggo na din ang lumipas at nandito padin ako sa Hospital.

"Bakit ma?" Natutuwa ako dahil hindi nila ako pinabayaan, natutuwa ako kasi sila ang nagpapatibay sakin.

"Anong nararamdaman mo? Anak, gusto ko talagang mag pa-opera ka..." Alam ko na nasasaktan si mama dahil sa pinag-gagawa ko, pero ayokong magpa-opera, kasi m-mamatay... *sigh*

"Ma, pinagusapan na natin 'to... Ayoko po... Kasi diba nga po mamamatay din naman ako" 

"Anak, gusto ko masilayan mo ang ganda ng mundo b-bago ka man lang sana... b-bago ka man lang..." Humagulgol si mama habang 'di matuloy ang sasabihin niya. Tumulo nadin ang luha ko. Ang sakit pala, sobrang sakit pala...

"P-pagiisipan ko p-po..." Wala na akong ibang masagot. Ayaw ko namang masaktan siya kung sabihin kong hindi. Narinig kong huminga siya ng malalim.

"Ma.. yung notebook pakikuha sa drawer at pakibasa po lahat ng nakasulat doon..." Nakarinig ako ng footsteps papuntang drawer. Huminga ako ng malalim, eto na... malalaman ko na ang 5th wish ko.

Narinig ko ang tunog ng papel. "1st page, This notebook belongs to Cynthia M-Mendoza, If ever this Notebook was gone, and you found it, Please return this to me. It's important, it's just a notebook so why would you be interest with it, it's nothing important to you but to me it's so important." Ngumiti ako ng binasa ni mama outloud ang nakasulat sa unang pahina ng notebook.

"Ituloy mo lang ma..." 

"This notebook where i wrote my 9 wishes..." "C-cynthia you have wishes?"

"Shh... Just read it ma" Ngumiti ako.

"T-this notebook where i wrote my 9 wishes, when i was 9 years old... I wrote this wishes in my 9th birthday, on July 9th, it was special, so special... That day when my dad is still alive.." Narinig kong umiyak si mama pero binasa niya padin.

The Nine WishesWhere stories live. Discover now