The Eight Wish (Part I)

1K 34 5
                                    

ENJOY READING!

--

"Ahem, h-hi. I-i'm Cynthia"

Ngumiti ako sa kamerang nasa harap ko na ipinatong ko lang sa hospital's table, nakaupo naman ako sa upuan at nakaharap doon sa kamera. Nandito nga pala ako sa hospital, bakit?

Kasi I'm dying... 1 week.

Ang bilis ng panahon, parang kagahapon lang sinimulan kong tuparin ang aking mga wishes. Pero heto ako isang linggo na lang ang binibilang bago ako mawalan ng hininga, maybe.

"Im just an ordinary girl, isang babaeng nangarap. Nangarap ng magiging future niya. Pero sa isang iglap nag-laho lahat eh, dahil sa sakit ko. Nalaman kong may sakit ako, may tumor sa utak. Marami pa akong gustong gawin at gustong magawa" Napaluha ako, pinunasan ko kaagad 'to.

"Minsan, mapapaisip ka na lang kung bakit ikaw sa dami ng tao sa mundo, bakit ikaw kung napakaraming masasamang tao ang nabubuhay, bakit hindi sila ang nagdudusa? Pero at the end of the day lahat ng nangyayari may rason. May rason kung bakit ka nadapa, may rason kung bakit may taong umaalis at dumadating sa buhay mo, may rason kung bakit ka nagkamali, may rason kung bakit hindi ka pumasa sa exam, may rason kung bakit ka binigyan ng buhay na mayroon ka ngayon." Kahit nanginginig ang boses ko ay pinagpatuloy ko pa rin.

"I pushed people away from me, my mom and everyone. Nagwawala ako pag nakita ko sila, nagsisisigaw ako ng lumayo sila or umalis sila. Na ayaw ko silang m-makita." Napapikit ako, naalala ko yung masugod ulit ako sa hospital. Sabi ng doktor hindi ako makakaalis sa hospital dahil mas lalala ang sitwasyon ko, sabi nila dito lang ako kasi dito, mas maaalagaan ako at may pag-asang mabuhay pa ako after a week.

"Nasasaktan kasi ako, sobra akong nasasaktan, pero alam king mas nasasaktan sila." Tumulo yung luha ko, hindi na nga tumitigil sa pag-agos eh.

"Siguro pag napanood niyo itong video na 'to. Wala na ako" Ngumiti ako pero ang lungkot-lungkot ko. I hate this place, sawang sawa na ako sa ambiance ng lugar na 'to. Piling ko ay lalo lang akong nanghihina, ayaw ko ng ganitong pakiramdam.

"Ma, i-im sorry kung nahihirapan at nasasaktan ka na ng dahil sakin. You're the best mom ever in the world. Napakabuti niyo po. Nang mawala ang itay ay ikaw na ang naging ama at ina ko. You are the strongest person I've ever met, kung bigyan man ako ng pagkakataon na pumili ng magiging nanay ko, ikaw at ikaw pa rin. Every smile you showed me makes my heart soft and stay calm. Every tears you shed, breaks my heart. Ma, alam mong mahal na mahal kita at ako ang pinakasuwerteng anak sa buong mundo having you as my mother. Dapat naman talagang pasalamat ang mga ina natin eh kasi nag-silbi silang guard, chef, babysitter and ofcourse teacher."

"Tita Alyana, nagpapasalamat po ako sa inyo. For taking care of Amber, sa pagpapalaki po sa kanya ng maayos. You told me once na not everytime you can fool everyone just because you smile, natamaan po ako nun sa sinabi niyo. Plastik na kung plastik kung ngumiti man ng nasasaktan naman talaga sa loob-loob pero it's the only way to not make people around me worried" Napayuko ako, pinunasan ko yung luha ko at humarap ulit sa camera.

"Anthony" Ngumiti ako.

"Thank you, thank you for the memories. I will treasure it, wag na wag mong sasaktan si Amber ah? Kundi malalagot ka sakin, kahit p-patay na ako, susugurin kita" Na-crack ang boses ko kaya napatigil muna ako.

"Alagaan mo siya, ipangako mo s-sakin na h-hinding-hindi mo siya sasaktan, please do take care of my sister. And speaking of my sister, Amber. I-i don't know what to say, you're very special to me. I love you, Enjoy your life okay? Don't waste any seconds, minutes, hours of it. Take care of mom, and I wish you all the best in life."

The Nine WishesWhere stories live. Discover now