The Fourth Wish (Part IV)

3.6K 55 8
                                    

Dedicated to CRAZYCHINEEE (Hindi lang dahil sa siya ay ang una na nag-komento sa Part3 ng 4th Wish, kundi dahil na-touch din ako sa comment niya. Thanks for reading:*)

ENJOY READING!

--

Habang naka-higa ako at naka-tingin sa kisame, na-alala ko noong dating tumawag ako kay Anthony, si Amber pala 'yun.

What a small world nga naman diba? This is so much, parang sobra-sobra at hindi na mag-kasya sa puso't utak ko.

Naalala ko na binigay pala sa akin ni Amber ang cellphone number niya, noong dinala niya ako sa Hospital.

Kinuha ko ang Cellphone ko.

Amber, 

It's me, Cynthia. Please hear my mom's side, hindi dahil may sinabi sayo ang kinilala mong ina ay 'yun na ang totoo, Amber... Naaawa ako sa mama ko, sa mama natin. She badly want you back, She wants to hug you. Kaya pala noon nagtataka ako bakit lagi-lagi na lang na umiiyak si mama, sa bisig ni papa, wala akong maintindihan ng mga oras na 'yun.. pero, namatay ang papa ko, all this years, sinarili niya lahat ng sakit, lungkot at pagsisisi, Amber, please for the last time, just, Listen to everyone's side.....

Tumayo ako at pumunta ng Bathroom. Bumabad ako sa Bathtub, bakit 'di tumitigil ang mga luhang 'to? Akala ko naubos ko na ang milyong luha kagabi, pero may bumubuhos parin ngayon.

Bakit ako pa kasi? Bakit ako pa 'yung may ganitong sakit? Wala naman akong ginawang masama.

"Lord, ang daya naman po eh masaya na sana ako sa piling ni Anthony eh, masaya na sana at maganda. Lord, ano po bang kasalanan ko? Ayoko po kayong sisihin sa mga nangyayari sa buhay ko, alam ko pong pagsubok lang 'to, pero bakit po parang sobra na? Bakit po?" Ngumiti ako na may lungkot sa mata, at isang luha ang pumatak.

Nanginginig ako sa pagsa-salita, dahil parang nilalabas ko na ang sama ng loob ko kay God, para namang ang sama ko. Pero, kailangan ko 'tong ilabas lahat... Kahit sa kaniya lang, alam ko kasing siya lang ang makikinig sa akin.

"P-pero alam niyo po, mahal ko kayo Lord, ang laki nga po ng pasasalamat ko sa inyo eh, siguro kailangan ko na lang tanggapin, na malapit na... m-malapit na ang o-oras ko..." 

"Ouch..." Hinawakan ko ang ulo ko na parang mabibiyak na sa sakit, na parang gustong lumabas ng utak ko.

"Ah! Ang sakit!" Halos pabulong kong reklamo.

Tumayo ako at nag-towel. Lumabas ako ng banyo at kumuha ng Painkillers sa drawer ko, ininom ko 'to. Pero, masakit padin.

"A-ang s-sakit!" Pero kaya ko namang gumalaw kaya nagbihis ako at humiga, siguro kailangan kong matulog para 'di maramdaman ang sakit.

Nang manlabo ang paningin ko... Pinikit ko ang mga mata ko... O-oras na b-ba? tatlo pa lang ang n-nagagaw--

*BLACKOUT*

--

Amber

Alam ko ang totoo, ang buong storya, nahihiya ako sa tunay kong ina, pinagtabuyan ko siya. Kahit na wala siyang kasalanan.

All this time, pinaniwalaan ko ang mali, ang kasinungalingan at kung ano ang lumalabas sa bibig ng kinilala kong ina.

Siguro dahil matanda na ang kinilala kong ina kaya, sinabi niya na ang totoo. Grabe, ano pa kaya ang mukhang maihaharap ko sa kaniya lalong-lalo na kay Cynthia. Hindi ako makapaniwala na para bang napakaliit ng mundo, sinasaksak ang puso ko ng bumalik sa alala ko ang mga luhang pumatak mula sa mga mata ng tunay kong ina, dati galit at puot ang nararamdaman ko sa kanya, pero ngayon, parang sasabog na ako sa ginawa ko. Napagbuhatan ko siya ng kamay, but she just... Pleased me and said sorry a million times. Napakawalang-kuwenta kong anak.

Ngayon naman ay halos isumpa ko na ang kinilala kong ina na bestfriend pala ng tunay kong ina noon.

"Anak..."

Mula sa cold at emotionless na mukha, tumawa ako ng mapakla.

"Anak?" Tumawa ulit ako ng sobrang pakla.

"Wala ka ng karapatang tawagin akong Anak..." Cold na sabi ko sa kaniya.

Umiyak siya pero wala naman akong pakealam, galit ako sa kaniya! galit na galit!

"Anak. Makinig ka sa side ko..."

"SHUT UP! IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT-- SH*T!" Natulala siya noong narinig niya akong magsalita ng masama hindi ako nagmumura, pero grabe na 'yung nararamdaman ko. Pagkatapos ng hindi niya ako hinayaang makinig sa side ng TUNAY kong ina, gusto niya pa talaga na makinig ako sa side niya, it's so-- Ayoko na, ayoko ng magsalita pa ng masama.

Tumalikod ako, kasi baka 'di ako makapagpigil masaktan ko pa siya.

"Anak, please... I'm so sorry..." Naglakad na lang ako paalis at 'di na siya pinakinggan pa.

Then suddenly, tumunog ang cellphone ko.

Tinignan ko kung sino ang nag-text, Si Cynthia... 

Amber, 

It's me, Cynthia. Please hear my mom's side, hindi dahil may sinabi sayo ang kinilala mong ina ay 'yun na ang totoo, Amber... Naaawa ako sa mama ko, sa mama natin. She badly want you back, She want to hug you. Kaya pala noon nagtataka ako bakit lagi-lagi na lang na umiiyak si mama, sa bisig ni papa, wala akong maintindihan ng mga oras na 'yun.. pero, namatay ang papa ko, all this years, sinarili niya lahat ng sakit, lungkot at pagsisisi, Amber, please for the last time, just, Listen to everyone's side.....

Alam mo 'yung tipong siya 'yung may sakit pero siya 'yung nag-papakita sa mga tao na siya ay matatatag, malakas at walang problema.

She's an angel sent from above. 

Listen to EVERYONE's Side? Siguro nga tama siya, siya lang nagpapalinaw at linis ng utak ko, simula ng dumating siya sa buhay ko.

It only means, everyone has a story to be told, and you will never ever understand anyone if you're not gonna listen to their stories(sides)

I decided to call my SISTER, napangiti ako at naiiyak. Dahil sa natawag ko siyang kapatid ko kahit sa utak man lamang.

Dialling Cynthia...

Dialling Cynthia...

Dialling Cynthia...

It takes a few more minutes, pero hindi pa rin sumasagot.

Nadulas sa kamay ko ang Cellphone, hindi ko alam kung bakit. It was secured pero nahulog at nabasag. Kumabog ng malakas ang dibdib ko, sobrang lakas na parang gustong lumabas ng puso ko.

Naalala ko ang sakit niya... Kinakabahan ako, mas lalo akong kinabahan.

"No, no, no, wag kang mag-isip ng ganiyan Amber..." Sabi ko sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit, pero 'di ko mapigilang mag-isip ng masama.

I run as fast as I could to get to our parking lot.

Sumakay ako sa kotse ko and drive.

Nang nasa harap na ako ng gate nila, hindi ako bumaba sa kotse ko, para bang sandaling tumigil ang ikot ng mundo ko at may kumawalang luha mula sa mga mata ko ng makitang natataranta yung mama ko sa pag-sugod kay Cynthia sa loob ng isang kotse kasama ng isang binatilyo at isang doktor, nagmamadali sila.

My heartbeat stopped a few seconds. 

I followed them.

Ang bilis nilang mag-maneho kaya binilisan ko din...

Lord, iligtas niyo po siya, isa siyang mabuting anak, kaibigan at kapwa kaya sana Lord wag muna, I still have a mission ang BUMAWI SA KANILA.

TO BE CONTINUED...

--

MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA :*

Is this the end of a beautiful story...?
Or, Cynthia will be given more time, for her... 6 remaining Wishes.

The Nine WishesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora